Chapter 3

46 14 2
                                    

"There's nothing wrong na magbakasakali pa din ako na mapansin nya kahit sa mga loveletter lang"

Thei's Pov

Dahan dahan akong sumilip pa left and right habang patuloy na nagtago sa isang sulok.

Ang totoo nyan ay may mission akong dapat gawin ngayon at kailangan maging successful ito haha.*evil plan*
Nandito lang naman ako sa may locker room at karaniwan na nagmamasid ng mga estudyanteng pabalik pabalik sa locker nila.

Hanggang sa halos wala nang pabalik balik.
Oras na para gawin ko ang mission ko!
*fighting*
Dali dali akong lumabas sa sulok at tumakbo na animo'y ninja palapit sa lockers na dapat kong puntahan.
.
.
.
.
.

"What do you think you're doing?" O_O
Parang nagpause ang paligid at di ko agad namalayan ang pagdating ng bibiktimahin ko charot lang.
Napakagat labi ako at napapikit.

No ba yan..
Dahan dahan akong nagmulat at tumingin sa kanya.
"Ah...eh...Hi?" Bigla kong taas ng kanan kong kamay na kala mo ay nagpapanatang makabayan sa harap ni Jave.

Pero sa halip na sumagot dinedma nya na lang ako at binuksan nya ang kanyang locker.

Psh.

"Good Morning Jave!" Masigla ko pa na bati sa kanya kahit binalewala nya ako.

Habang inilagay ko yung kaliwa kong kamay sa aking likuran at napahigpit pa ang pagkakahawak ko dun sa loveletter na ibibigay ko sana sa kanya.

"Alam mo ang sungit mo sa akin! Di mo ba talaga ako natatandaan? Ako ito si Thei Reen! Si Thei-thei yung kababata mo! Ten years ago na, ako yung pinipilit mong turuan na maglaro ng basketball!" Madaldal ko pa na saad habang nakangiti dahil sa pagbabalik tanaw sa nakaraan namin.

"Could you just stop talking nonsense things?! I don't even remember you, and please... I don't care if it's almost a decade or years, I don't care! I'm not Interested to listen, and please get lost, you really annoying!"
Iritable nyang sagot saka pinagpatuloy ang pagbukas ng locker nya.

*pout*

Kasabay ang paglaglagan ng maraming loveletters at ibang chocolates sa sahig.

"Tss" dahan dahan nyang nilimot yung mga nalaglag kaya tinulungan ko syang limutin.

Mas pinili kong limutin ang mga letters na grabe sa effort ang pagdesign saka ko isiningit yung loveletter na gusto kong ibigay sa kanya.
Oha Para paraan.

Alam ko naman na magagalit sa akin si Kylah sa akin kapag nalaman nya na nagbigay ako ng loveletter kay Jave, supportive naman sya sa akin sa kahit anong bagay ang ayaw nya lang ay ang mageffort ako na magbigay kay Jave ng kung ano ano na bagay, dahil ayaw nyang masaktan ako dahil balewala lang naman ang lahat ng effort ko para kay Jave.

Call me pasaway pero malakas ang tama ko sa kanya at hindi pa ako handang sumuko kahit abutin pa ng ilang taon.

"Jave, yung usb nga pala naipasa ko na"
Napalingon ako sa nagsalita.
Sino nga sya? Sya yung kaibigan ni Jave! Oo tama!

Kinuha ni Jave yung mga loveletters na hawak ko o my! Muntik ko nang mabitawan yung mga loveletters na nakasulat sa ibat ibang kulay ng colored papers dahil nasagi nya yung kamay ko....!

Shemay! Nakuryente ba ako?
Yung puso ko talagaaaaa!

Dug.
Dug.
Dug.

"Warren ikaw nang bahala dito"
Salubong ang kilay na saad ni Jave saka iniabot dun sa kaibigan nya yung mga letters.

"Tss.Tol ano naman ang gagawin ko dito?" Reklamo nya, ng biglang iabot pa sa kanya ni Jave yung mga chocolates.

"Tol? I dont eat chocolates tss.
Too much sweetness" reklamo nya. So Bitter din sya? Charot lang.
Bigyan ko kaya si Jave ng ampalaya? Tanggapin nya kaya? Hihihi.

The Gap Between UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon