Chapter 10

14 6 5
                                    

"At tumigil ang mundo"

Thei's Pov...

"Nasaan nasaan!!" Tatalon kong sabi habang si Niall ay hagalpak na sa tawa at nagawa pa na pumalakpak.
Napa poker face na lang akong napatitig  kay Niall.
Lakas ng trip neto.

Iiling iling ako napaurong at tatalikuran na sana sya, pero wrong move.
Omooo!
Nanlalaki ang mga mata na napatingin kay Niall.
Natapilok ako bigla at hindi ko napansin na hindi patag ang lupa na inaapakan ko.
Shems... Na off balance ako at parang slow mo ang pagbagsak ko sa lupa, masakit ito sa pwet.
Napapikit ako.

But in just one blink, hindi ako bumagsak sa lupa, kaya dahan dahan akong napamulat at napatingin sa may sumalo sa akin at hawak ako sa bewang ko.

Napapatitig ako sa kanyang mata at napakapit sa kanyang leeg
Para kaming sumasayaw na may swabe ang datingan.
Eye to eye contact.

"Ikaw na ba si Mr.Right?" At may kumanta pa!

"Yiiieee"

"Pasok Izza!"

"At tumigil ang mundooooo"

Agad akong bumalik sa katinuan ng marinig ko yun saka bumitaw kay Darrell.

"Ah Salamat..." Agad kong iwas ng tingin.

Sana si Jave ang sumalo sa akin.
Psh.

Magwawalk out na sana ako ng makita ko si Sir na naglalakad papunta sa amin.
No ba yan!

"Class, all of you are required to play volleyball, no excuses from now on and also I will give points for those who will participate in this game got it?" Nakapaweng na tanong ni Sir.

Wushe.

Part of exercising na rin daw kasi. Dun sa dati kong section never akong naglaro ng volleyball pwede kasi mag excuse nun saka mga marurunong lang ang naglalaro doon at ayos lang sa Sir namin pero ngayon mukhang hindi tatalab ang excuses ko. Habang tumitingin sya sa mga kaklase ko nagtago ako sa likod ni Darrell since matangkad sya.

"Tago pa Thei" asar sa akin ni Niall.
Napanguso naman akong tumingin sa kanya.
Itong espasol na to.
Napakaputi nya kasi.
Oo gwapo sya pero duh turn off
Bully sya! Di ko na lang sya pinatulan dahil kailangan kong mag pa impress sa kanya kaibigan din sya ni Jave.
Hihi.

Speaking of my labs nasaan na ba yun?
Habang hinahanap ko sya narinig kong nagsalita si Niall.

"Naks Darrell, what's your secret to maintain your abs?" Narinig kong tanong ni Niall.

"It's a secret, and you dont have to know" narinig kong saad ni Darrell.

Kaya napatingin ako sa kanila,
Masyadong seryoso ang dalawang ito.

"Abs daw, ribs naman yung nakita ko" bulong ko.

At mukhang narinig ni Niall dahil narinig ko ang halakhak  nya.
Ang harot ng tawa nya ewan ko ba.

"Ribs?" Humarap si Darrell sa akin na taas ang kilay.
At natatawa ako sa reaction nya pero kagat labi kong pinigilan ang tumawa.
Nakatungo syang nakatingin sa akin habang ako naman ay nakatingin lang sa ibang direksyon at napapaisip.
Possible ba na magka abs pag payat? Payat kaya sya.
Di ako nanlalait pero seryoso hahaha.
Ribs talaga yung nakita ko.

"Ribs pala ha?" Nakasmirk nyang sabi at saktong tingin ko sa kanya iniangat nya ang kanan nyang kamay sa may tapat ng mukha ko kaya napatingin ako sa kanyang mata na nagtatanong saka napatingin ulit sa kamay nya na mabilis pinisil ang kaliwa kong pisngi.

Arayyy.

"Yay anyebe! Feeling closh ka!"
Ngumiti naman sya sa akin at ang kaliwa naman nyang kamay ay pinisil ang kanan kong pisngi bali magkabilaan.
Shaket!
Hinampas ko sya pero natatawa sya kaya ang ending hinampas ko sya sa tyan nya.
Bat ang tigas?
Halaaa.

The Gap Between UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon