"Dear Crush, Yiee. Destiny tayo!"
Assuming,
-Thei ReenThei's Pov...
Tahimik akong pumasok ng bahay at naabutan ko si Papa sa may sala at nag aayos ng mga damit sa maleta.
"Pa?" Tawag ko, masyado syang abala sa pag aayos ng mga gamit.
"O dumating ka na pala, Thei, Dalian mo kumain saka mag impake ka na din ng mga gamit mo"
"Pinapaalis na po talaga tayo ni Aling Vicky?" Seryoso ko pa na tanong.
Masyado naman excited ang isang iyon."May nahanap na kasi akong malilipatan natin na apartment,
Ayoko rin naman magtagal dito alam mo naman baka kung ano na naman ang masabi ni Aling Vicky sa atin kaya mas mabuti na umalis na tayo." Paliwanag ni Papa."Ah... Ganun po ba?"
"Oo, May kaibigan kasi ako na nagpaparent ng mga apartment at sinuggest nya na dun na tayo tumira at dahil kaibigan ko naman binigyan pa ako ng discount" masayang kwento ni Papa.
Yes!
Ngiting ngiti ako, pero napaisip ako dun sa pinag usapan namin ni Kylah na malapit daw sa subdivision nila, may mga rent house daw doon, na shempre malapit din kila Jave, pero ayos lang medyo nanghihinayang ako pero mas okey na yung may malilipatan kami.
Tahimik akong nakasandal sa bus habang si Papa ay abala sa pag cecellphone may katext mate ata. Chos.
Malakas ang ulan sa labas kaya habang nakasandal ako sa bintana ay napapatitig ako sa rain drops na dahan dahan ang pag patak sa may bintana.Napatingin ako sa cellphone ko, na nagvibrate.
Pagbukas ko palang ng messanger bumungad sa akin ang chat ng kaklase ko na akala ko ay sa akin nagchat, sa GC lang pala namin. Psh.
No ba yan.
Pero natigilan ako, Section 1?
Dali dali akong nagtingin ng members nandun shempre sila Kylah, Jessel, Lhea, ahm.... Sila Warren, Emman,Darrell? Si Rusten? Kaklase ko din pala ang abnormal na yun! Well abnormal din naman ako kaya kasundo ko rin ang isang iyon haha.
Di ko sya napansin, panay Jave naman kasi ako.Teka, may Facebook si Jave ah.
Bakit di ko makita ang name nya sa members?
Scroll down pa ang ginawa ko hanggang sa makita ko.
Cyross Jave Arrañez tinap ko yung name nya para makita ko yung profile nya na bago.
Stalk pa, Thei hahaha.Well di pa din nya inaacept ang friend request ko, psh. nag focus na lang ako sa bago nyang profile picture.
This time nakastolen yung picture nya na nakaside view at nakaayos ng upo.
Psh... May bago na naman akong isasave sa gallery ko.
Hihihi.
Well, una sa lahat hindi po talaga ako stalker, admirer nya po ako!
Admirer. Hahaha.Sumandal ako at pumikit habang nakikinig ng kantang Someday ni Nina shempre trip ko yung mga senti song kapag tag ulan.
At hindi ko na naman maiwasang mag imagine...Naimagine ko lang naman na habang nakasakay ako sa bus hinahabol ni Jave yung sinasakyan ko sabay sigaw ng Theireen!
Yung mala meteor garden ang datingan.
Tapos si Jave may nakataling panyo sa kanyang noo,
Hindi sya si Mang kepweng, sya Dao ming si! Hihihi.
Tapos ako si Shanghai!
Ayiiee.Shan cai pala.
Tapos tumingin ako sa may bintana.
"Jave ano ba! Itigil na natin to!
Ipinagtagpo lang tayo pero hindi itinadhana tama na!"
Huhuhu"Theireen ano ba! Sabihin mo dun sa Driver tumigil at malalate na ako, may quiz tayo ngayon!"
"Huh??"
Anong sab---
"Theireen! Gising na! Nandito na tayo, hindi malayo ang pinuntahan natin nandito na tayo" napasimangot akong nagmulat ng tingin at tumingin sa relo ko, 20 minutes lang pala ang byahe, gawa siguro ng traffic at umuulan akala ko naman isang oras na.
BINABASA MO ANG
The Gap Between Us
Teen FictionHighschool is time for what? Many expectations, many experiences and many unforgettable moments. Ang Magkaroon ng Crush ay isang normal para sa isang Makulit at Maingay na si Theireen. When she first saw Jave ay masasabing malakas na ang kanyang tam...