Chapter 17

568 27 1
                                    

Chesca's Pov

Hindi parin maalis alis sa isip ko ang sinabi nya.Bakit nya ako gustong protektahan?

"May problema kaba?" Tanong ni Nash.Nag lalakad kaming dalwa ngayon sa labas dahil hindi ako umatend ng klase kanina at hindi kami nag kita.

Hapon na din siguro'y mga 5pm na.

"Sigurado kabang magaling kana?" Tanong nya dahil ang sabi ko sa kanya ay masama ang pakiramdam ko kaya hindi ako nakapasok kanina.

Tumango nalang ako sa kanya.

"Pwede ba kitang imbitahin bukas?"

Imbitahin?

"Saan?" Tanong ko sa kanya

"Sa kaarawan ni Dad." Nanaman? Party? "Ako na ang bahala sa susuotin mo"

Ghad,ayoko sanang pumunta pero yung mga mata nya na nakatitig sakin ay nag mamakaawa na.

"Sige,pero yung dress ko nalang susuotin ay yung dating binili mo para sakin" Sabi ko sa kanya

"Sigurado kaba?" Tumango nalang ako

Umupo kami sa bench dahil pagod na kami kakalakad.

Isang Nash ay kasama ko ngayon?

Isang Nash na sikat?

Paano kaya kung dito ako nag aral noon pa? Siguro'y makikita ko ang pagiging Bad Boy nya katulad ng sinasabi ng ibang tao.

Si Travis, gaano din ba sya kasama noon para katakutan ng mga estudyante? bakit parang hindi  ko makita masyado sa kanila ang pagiging Bad Boy nila dahil sa ibang pinapakita nila sakin?

"Bakit ka naging badboy?" Pag basag ko sa katahimikan.

"Bakit mo natanong?"

"Na cucurious lang kasi ako"

Nginitian nya ako,ngiting nakakatunaw.

"Ewan ko.Tingin nila sakin ay nakakatakot dahil dati ay kasali ako sa grupong Blame.

" Blame?"

"Isa sa grupo na kinakatakutan,Kasali ako noon 'don pero umalis din ako nung simula ng makilala ko si Tricia.Sa grupong 'yon ay tuturuan kang lumaban at bumaril"

Bumaril? Ibig sabihin ay marunong syang bumaril?Pero si Travis?

"Si Travis?"

"Si Travis ay leader ng isang grupo na sikat,hindi ko alam kung paano sila mag ensayo pero ang grupo nila ang pinaka kinakatakutan.Di ko alam kung kasali paba si Travis sa grupong 'yon o hindi na."

"Papa,gusto ko ng ice cream" Napatingin ako sa batang nakapangko sa tatay nya.

"Gusto mo rin ng ice cream?" Tanong ni Nash kaya napatingin ako sa kanya

"Hindi"

"Bakit parang ang lungkot ko ng tingnan mo ang batang 'yon?" Sabi nya kaya napayuko ako.

"Gusto kong bumalik sa nakaraan" Sabi ko at nginitian sya.

"Bakit?"

"Miss ko na kasi si Tatay"

"Asan ba sya?" Tumingin ako sa kanya at nginitian ulit.

"Don" Tinuro ko ang langit "Andon sya" Tumingala ako "Sa tingin mo ba nakikita nya ko ngayon?"

Bigla syang tumayo at hinila ako.Wala na akong naggawa kung di ang sumunod sa kanya.

Hanggang sa bumagal kami ng bumagal.

"Ang sarap mag exercise diba?" Sabi nya at inakbayan ako dahilan ng pag init ng muka ko. Napalayo ako sa kanya dahil baka marinig nya na ang tibok ng puso ko.

Badboys: I'm Fall inLove - TaeTzuKook "BTS x Twice"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon