Chapter 30

172 7 0
                                    

Chesca's Pov

"Hi" Napatingin ako sa may pinto ng bahay. Tiningnan ko sya at parang good mood sya. Nginitian ko sya. "Here" May dala syang groceries at nilapag nya ito sa lamesa.

Unti unti na kong natutuwa na bumabalik na ulit sya sa dati.

"May kailangan kaba?" Tanong ko

"ikaw" Tinaasan ko sya ng kilay.

"Corny mo" Sabi ko at napangiti ako ng bigla syang ngumiti sabay tungo.

"Gusto mo ba ipagluto kita?" Sambit pa nito. Itong lalaking to? Di ko sya maintindihan paiba iba ang ugali nya at nakakabaliw sya. "kain nalang tayo sa labas" Nagulat ako ng hilahin nga ko.

Di pa ko nakakaayos.

"Mag bibihis muna ko"

"Maganda kana" Natigilan nalang ako sa pagsabi nyang 'yon at sumakay na kami sa kotse nya.

"Anong gusto mo bukod sakin?"

"Asa ka" Sagot kong mataray sa kanya.

Tiningnan nya ko.

"Pakipot ka pa." Napairap nalang ako sa pag kaka assumero nya pero mas gusto ko syang ganyan.

Sumakay kami sa kotse nya. Huminto kami sa Sm.

Habang palinga linga ako sa paligid ay bigla syang nawala sa tabi ko.

"Hey crush" Napatingin ako sa isang direksyon. Hawak hawak nya ang isang mic san naman nya nakuha iyon. "Bat di ka makaharap" Nginitian nya ko habang nakanta sya. "Hey crush wag ka sanang maharas. Kung patago kang mahalin ay wagas" Hinawakan nya ang kamay ko.

Ang dami ng nakapalibot samin.

"Nakakahiya ka"

"Isang araw ay nag lakas ng loob" Nakatingin sya sa mata ko at sobrang bilis ng tibok ng puso ko. "Dalang rosas sayo'y inabot" Ang ganda ganda ng boses nya "Kamay nag daplis. Puso'y kay bilis parang ayaw ng umalis. Sa tabi mo magandang miss" Hinawakan nya ang pisngi ko at nag tiliian na ang ibang babaeng nasa paligid namin. Habang ako ay nag iinit ang muka sa ginagawa nya "Oh, pls, diko matiis na sabihin sayong akin ka sayo ako"

"Sagutin mo na ate!" sigaw ng isang babae. Hiyang hiya na ko at diko na mapigilang tumungo.

"Hey crush, may pag asa ba tayo ngayon alam mong sino ako? " Tinaas nya ulit ang ulo ko at napatingin ako sa mga mata nya. Sasabog na yung puso ko. "pwede bang hey loves, ang itawag sayo. Pwede naman cheer kita var mo ko oh ohh" Ngumiti na naman sya sakin na parang matutunaw nako.  Napakagat labi nalang ako dahil di nako makapag salita.

---------

Habang kumakain kami sa isang restaurant ay di ako makapag salita kaya nabalot lang kami ng katahimikan.

"Here" Hinati nya yung steak nya at nilagay sa plato ko.

"S-salamat" nauutal pako. Shit.

"Ang cute mo pala kiligin" Sabi nito sabay subo ng pagkain.

"Hindi ako kinilig" Sabay taas ko ng kilang. Tiningnan nya ko at ngumiti sya sabay hati sa steak nya.

"Sabi mo e" Sambit pa nito sabay subo ulit ng steak.

Nakatingin lang sya sakin dahil di pa ko tapos kumain. Nakakailang sya.

"Pwede ba wag mo kong panoorin kumain?" Tiningnan ko sya ng masama. Pero di nya man lang pinansin ang sinabi ko.

Nagulat ako ng bayaran nya yung bill.

"So lets go" Sabi nya sakin at hinala ako palabas ng restaurant. Ambastos talaga ng lalaking 'to.

"Dalwa" Sabi nya sa babaeng nag titinda ng ice cream. Pagkakuha nya ay inabot nya sakin ang isa. "Mas better 'to kaysa sa binibili mo sa kalye" Umirap nalang ako, whatever

Nag lakad lakad lang kami habang kumakain ng ice cream. Nakapamulsa ang isa nyang kamay at ang isa naman ay hawak ang ice cream.

Pogi pogi nya talaga.

Omygod mind. Please stop.

Bigla na naman akong nangamatis ng hawakan nya ang kamay ko. And now, magkaholding hands na kami.

Sinusubukan kong alisin but I can't. Lalo lang nyang hinihigpitan sa oras na subukan kong alisin.

Sumulyap sya sakin at umiling sya. Na para bang sinasabi nya sakin na Don't try

Napasimangot nalang ako at napangiti. What the. Malandi na ba ko?

"Akin ka" Nagulat ako sa sinabi nya.

"Hindi ako sayo" Tinaasan ko pa sya ng kilay

"Pag sinabi ko---"

"Masusunod" Pag papatuloy ko sa sasabihin nya. "As always" Papabuntong hininga ka nalang talaga sa lalaking 'to.

Kung pano sya kumilos ngayon para bang girlfriend nga ko. So anong aakalain ng tao sa paligid?

What if. Omy. What if may makakita saming kilala namin? Na nakaganto? Mag ka holding hands.

Hinawakan na naman nya yung bracelet ko.

"ayoko talaga ng bracelet na yan. Masyadong cheap" Sabi nito Nagulat ako ng alisin naman nya at ibulsa.

"Akin na" Sabi ko

"Here" May nilabas syang ibang bracelet. "better" Sabi nya ng maisuot sakin.

"Ayoko nito" Tiningnan nya ko.

"Alam mo ba kung mag kano 'yan kasya sa cheap na bracelet na 'yon?" Napairap na lang ako sa kanya "Pag sinabi ko makinig ka nalang"

"Pwede bang dalwa suot ko" Kumunot ang noo

"Are you f*cking serious?"

"Akin na itatago ko nalang"

Inabot nya to sakin at iniwan ako sa kinakatayuan ko.

Nakakairita na yung ugali nyang paiba iba. Like ano ba sya? Lalaki o babae?

Badboys: I'm Fall inLove - TaeTzuKook "BTS x Twice"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon