Chapter 24

514 18 0
                                    

Chesca's Pov

Habang nasa canteen kami ni Travis ay iniisip ko si Nash,nandon na kaya sya sa America? Hays..Miss ko na agad sya.

Iniikot ko lang ang tinidor ko sa pansit.

Napatingin ako kay Travis at nakatingin sya sakin ng seryoso.

"May problema ba?" Nakakunot ang noo nya

"Wala" Tipid ko lang sabi sa kanya,tumingin sya sa bracelet ko

"Gandang bracelet" Sabi nya

"Galing 'to kay Nash dahil aalis na sya" Sabi ko at tumango naman sya sabay kain ng kinakain nya.

Napatingin ako sa isang direksyon,kay Seon na ngayon ay mag isa lang sa lamesa at tulala na parang ang lalim ng iniisip.Tumingin din si Travis sa tinitingnan ko.

"Anong meron sa kanya?" Tanong ni Travis "Paano mo sya nakilala"

"Sa korea,anak sya ng tita ko at sa kanila ako tumira ng ilang taon at sya dalwang taon dito sa pilipinas" Sabi ko

"I know" Tipid nyang sabi

"Kilala mo sya?"

"Myembro sya ng Spine" Sabi nya "Tara na" Tumayo sya at hinila ako palabas ng canteen.Lumabas kami ng Gate at san nanaman sya pupunta?

Sumakay sya sa kotse nya kaya wala akong naggawa kundi ang sumakay.

Huminto na kami at bumaba sya,nakasunod lang ako sa kanya papunta sa lawa.Umupo sya kaya tinabihan ko nalang sya.

Tulala lang sya sa harap

"Bakit tayo pumunta dito?"

"Gusto ko makapag pahinga" Sabi nya

"Diba nag pahinga kana sa Ospital?"

Tumingin sya sakin.

"Ang dami kong iniisip kahapon.Iniisip ko kung sino ba ang kasama mo sa lunch,sino ang kasama mo pag uwi.Baka may kumuha sayong gang" Seryoso akong nakatingin sa kanya at ngumiti sya sakin at tumingin na ulit sa tubig.

"Sorry ulit dahil napahamak ka" Sabi ko sa kanya

"Ako ang dapat humingi ng sorry dahil kasalanan ko kung bakit ka nila kinuha" Sabi nya

Bakit ngayon,bakit parang hindi na ako naniniwalang badboys sya? bakit diko sya nakikitang  gumagawa ng sobrang sama o nambubully?

Pumasok na ulit sa isip ko si Nash.

Kamusta na kaya sya ngayon? Sana naman bumalik sya kaagad.Sana hindi sya abutin ng sobrang tagal 'don.Bumuntong hininga nalang ako

"Bakit kanina kapang parang namomoblema?" Tanong sakin,siguro narinig nya ang aking pagbuntong hininga "eto" May kinuha sya sa bulsa nyang bilog. Kinuha ko 'to.

Binuksan ko sya at may nakasulat ditong Don't give up

Don't give up? Di naman ako sumusuko.

"Sayo na 'yan,dahil hindi ko alam ang problema mo.Ganto nalang tingnan mo 'yan lagi isipin mo na kailangan mong lumaban.

Napangiti nalang ako habang nakatingin sa bilog na bahay na 'to.

"Chesca,yung sinabi ko sayong gusto kita.Seryoso ako" Bigla akong napatingin sa kanya habang syang nakatingin sa unahan,diko alam kung anong isasagot ko sa kanya. "Sana hayaan mo nalang ako na gustuhin ka" Sabi nya "Pwede ba?" Ngayon nakatingin na sya sakin at nag iintay ng sagot,napabuntong hininga nalang ako at tumango.

"Pero pangako mo sakin na hindi ka masasaktan at huwag kang mahulog sakin ng sobra sobra dahil baka di ko kayang saluhin ka dahil----"

"Dahil kay Nash?" Nakangiti nyang sabi kaya napatano nalang ako

"Ngayon,habang nasa malayo sya ay nangako kami  na sa oras na bumalik sya ay magiging kami na" Sabi ko sa kanya,pumikit sya at bumuntong hininga sabay tingin sa harap.

"Alam ko na ang pakiramdam ni Nash noon nung araw na gusto nya si Tricia" Sabi nya "Pakiramdam na may gustong iba ang taong gusto mo"

Biglang kumirot ang puso ko sa sinabi nya,parang ramdam ko ang sinabi nyang 'yon.Parang punong puno ng sakit ang salita nya.

"Sorry"

Nginitian nya ulit ako "Dimo kasalanan na ginusto kita"

Nagulat ako ng bigla nalang bumuhos ang ulan,hinubad nya ang blazer nya at inilagay sa ulo ko at hinila nya ako patayo.

Hinila nya ako sa ilalim ng puno.

Yung kotse nya nababasa na ng ulan,wala kasing bubong.

"Intayin moko dyan" Sabi nya at pumunta sa kotse nya,pumasok sya sa loob at bigla nalang nag karoon ng bubong.

Bumalik din sya sakin pero basang basa na sya.

"Bakit hindi nalang tayo sumilongsa kotse mo?" Umiling sya

"Mababasa ka pagpumunta ka sa kotse"

Hinawi nya ang buhok nyang kulay brown.

Napalunok nalang ako,ang gwapo nya. Napailing nalang ako.Chesca umayos ka.

Diba sya nilalamig?

Nabalot nanaman kami ng katahimikan.

"Ayos kalang ba dyan?" Tiningnan nya ako ng seryoso,seryosong tingin na nag papahina sakin. Ang gwapo nya sa oras na 'to.Basang basa ang buhok nya na parang bagong ligo. "Are you ok?"Bigla akong natauhan sa pagkakatitig sa kanya.

"I'm ok" Sabi ko at umiwas ng tingin sa kanya,narinig ko ang mahina at saglit nyang pagtawa.

"Gwapong gwapo ka nanaman sakin" Sabi nya kaya napatingin ako sa kanya

"M-mangarap k-ka" Sabi ko at diko alam kung bat ako nauutal

"Di ako nangangarap dahil ito ang totoo" Napairap nalang ako at tumawa nanaman sya ng saglit.

"Gwapo ka sana,mayabang kalang"Bulong ko sa sarili ko

"Ano?"

"W-wala" sabi ko at kinabahan nanaman ako.

Nagulat ako ng pumunta sya sa harap ko at nginitian ako.

"Gwapo ako?" Sabi nyang naka ngisi "Di ako bingi" Sabi nya at ang ngiti nya,ghad. "Siguro may gusto ka sakin?"

"What? Ako mag kakagusto sa bakla no way"Sabi ko at tumawa ng peke

"Gusto mong halikan kita?" Sabi nya"sinong bakla?" Tanong nya na nakangisi parin.

"Subukan mo lang kung ayaw mo ngmasikatan ng araw" panakot ko sa kanya.

"I'm serious" Lumapit sya sakin kaya bumilis nanaman ang tibok ng puso ko. Paano kung totoo ang sinabi nya?

Napatakip ako sa bibig ko "Oo na,gwapo kana" Sabi ko at ngumiti nanaman sya na nakakaasar. Napairap nalang ako sa kanya

"pag tila ng ulan,kakain tayo" Sabi nya

"Kakain,kakakain lang natin kanina sa Canteen" Sabi ko

"May gusto rin akong ibigay sayo" Sabi nya at nginitian ako

Ano naman ang ibibigay nya sakin?

Badboys: I'm Fall inLove - TaeTzuKook "BTS x Twice"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon