Chesca's Pov
Minulat ko ang mga mata ko.
Andito na pala ko sa bahay siguro nakatulog ako at binuhat ni Travis.
Napatingin ako sa orasan at nanlaki ang mga mata ko na 30 minutes na pala akong late.
Dali dali nakong nag bihis at nag gayak para pumasok. Pag labas na pag labas ko sa bahay ay nakita ko syang nakatayo malapit sa kotse nya.
"Kanina kapa ba?" Tanong ko sa kanya
"Yeah" Sambit nya ng seryoso.
"Bat di ka pa naunang pumasok? or di moko ginising"
"Kasi eto yung gusto ko" Sagot nya sakin at pumasok na sya sa kotse nya. "Bilsan mo kumilos" Bumuntong hininga nalang ako.
Nabalot na naman kami ng katahimikan. Napatingin ako sa bracelet ko at ngumiti.
"Miss mo na?" Tanong nya at nakatingjn lang sya sa unahan.
"Ganon talaga" Sagot ko.
Nang makarating na kami sa School ay nag park na sya.
Bumaba na sya kaya bumaba narin ako.
May iilan paring nasa labas ng school kahit late na kami at lahat na samin ang atensyon. Mali, nasa kanya.
"Dikit parin sya ng dikit kay Travis".
"Ang sagwa pag mag kasama sila"
"Alipin lang naman"
Napabuntong hininga nalang ako. Huminto ako sa paglalakad dahil ayokong sabayan si Travis. Ayoko makarinig ng kung ano ano sa paligid.
Nagulat ako ng hawakan nya ko sa kamay kaya napatingin ako sa kanya at seryoso lang syang tumingin sakin. Lalo lang dumami ang mga naririnig ko.
Binitawan nya ko. Bumuntong hininga sya.
"This girl? Eto ang babaeng gusto ko" Sambit nya at napatungo ako sa hiya "At sa oras na may marinig ako sa kanya na di maganda. I dont care kung lalaki kayo o babae." Dagdag pa nya. Tumingin ulit sya sakin. Nagpamulsa na sya at iniwan na kong nakatayo dito. Yung ugali nyang parang concern na kalahating walang pake. Di ko talaga kayang basahin ang isip nya.
Habang nakikinig ako ay di ko mapigilang tumingin sa bracelet na suot ko.
"Iintayin kita" bulong ko.
Pag ka lunch time ay parang wala akong ganang pumunta sa canteen. Siguro naman di naman magagalit si Travis. Ano bang sinasabi ko? hindi magagalit? Whatever. Tumaas ako ng rooftop pero napahinto nalang ako ng makita si Tricia.
Nag iinom ba sya?
Hinawakan ko ang kamay nya.
"Bawal dito 'yan" Lasing na ba sya? Ngumiti sya sakin.
"C'mon Chesca." Inalis nya yung kamay ko. "Leave" Sambit nya na natatawa.
"Pero sinabihan na kita" Aalis na sana ko ng hawakan nya ko sa braso at iharap sa kanya. Napanganga nalang ako ng buhusan nya ko ng alak na iniinom nya.
"Ano bang meron ka talagang babae ka?" Napakunot ang noo ko "Si Travis. Si Nash. Lahat ng tao na dapat sakin nasayo na" Ayoko syang patulan kasi alam kong lasing sya.
"Mauuna nako"
"Bastos ka. Kinakausap kita" Sabi nya at pumunta sya sa harap ko
"Mas angat naman ako sayo" Natatawa nyang sabi "Baka naman may lahi kang omygosh. No way. Ginayuma mo ba sila?" Tumatawa nitong sabi.
"Diba ikaw ang gusto ni Nash nung una" Sagot ko sa kanya
"Oo, pero ginayuma mo" tumatawa ulit nitong sabi
"Hinayaan mo, hinayaan mong mawala sayo Tricia" Sagot ko sa kanya
"Dumating ka"
"Diba ayaw mo sa kanya? Si Travis ang gusto mo bat umaarte ka ngayon na para bang----" Pinutol nya ang sasabihin ko
"Dahil naisip ko. Naramdaman ko na di ko kaya na wala sya." Sumikip ang dibdib ko sa sinabi nya "Di ko kaya na wala sya sakin. Selfish mang paringgan pero gusto ko ngayon akin lang sya kahit na nasaktan ko sya. Gusto kong bumawi. Please Chesca" Nagulat ako ng lumuhod sya "Layuan mo si Nash. Bigyan mo ko ng pagkakataon" Napaluha ako sa sinabi nya. Bumaba na ko at dumiretsyo sa Cr.
Umiyak ako sa isang cubicle.
Di dapat ako umiiyak. Ang dami na namang tanong sa utak ko. Bat ngayon pa Tricia?
Andami ko ng natanggap na text kay Travis.
Pumunta na agad akong canteen. Hinarangan ako ni Seon sa may pinto.
"Hinahanap kana ng master mo" Sambit nito
"A-alam ko"
"Wait umiyak ka ba?" sabay hawak nito sa may balikat ko. "Hey"
"Im fine---" nagulat nalang ako ng natumba si Seon
"The f*ck" inis na sabi ni Seon kay Travis.
"Anong ginawa sayo nito?" Sagot ni Travis
"Gago ka pala e" Tumayo si Seon at ginatihan agad si Travis dahilan ng pagkakagulo sa canteen.
Pumagitna agad ako sa kanila.
"Pwede ba. Travis wala syang ginawa sakin"
"Then bat ka umiyak?" tanong nito ng inis at tiningnan pa ng masama si Seon
Nag walkout nalang si Seon sa inis at napabuntong hininga nalang ako.
Umalis ako ng canteen sa hiya. Napahawak nalang ako sa ulo ko. Diko na alam gagawin ko kay Travis.
Bigla nya kong hinarangan at napahinto ako sa paglalakad.
"Kasalanan ko" Napatingin ako sa kanya at ambilis naman nya aminin 'yon. Sya paba si Travis? "Nag alala lang ako" Biglang bumilis ang tibok ang puso ko sa sinabi nya. "Ayoko lang makitang nasasaktan ka" My heart. Di dapat ganto.
Halos di nako makapagsalita.
"So pwede mo bang sabihin kung anong rason kung bat ka umiyak?" Tanong nya dahilan kung bakit lalong sumikip ang dibdib ko.
"N-nothing. May naalala lang ako" Sambit ko. Kusa nalang lumabas sa bibig ko.
Ayokong sabihin na about kay Nash and Tricia. Alam kong lalo lang gugulo sa oras na malaman nya na gusto na ni Tricia si Nash. Tama ba? o ayoko lang sabihin sa kanya dahil gusto ko lang ipaglaban si Nash kay Tricia.
-------
Sorry guys na addict sa ml tapos nalimutan ko na yung sarili kong story kaya diko na alam kung anong isusunod kaya binasa ko nalang ulit.
![](https://img.wattpad.com/cover/135925177-288-k133050.jpg)
BINABASA MO ANG
Badboys: I'm Fall inLove - TaeTzuKook "BTS x Twice"
RomanceBad Boys,Posible kaya na mag kagusto ang dalwang mag kadugo sa iisang babae? Posible kaya ang dalwang lalaking Bad Boys ay mag bago dahil lang sa isang babae? Masama ba talaga sila o may tinatago din silang kabaitan? Sino ang pipiliin nya? Sino sa d...