Chapter 36

169 7 7
                                    

Tricia's POV

Hinampas ko ang manibela ng sasakyan ko. Again?

Lumabas ako ng sasakyan at napahawak sa buhok ko.

Tatawag na sana ako samin ng makita ko si Nash na papasok sa isang bar. Nilagay ko balang sa bag yung cellphone at sumunod sa kanya.

Travis?

Tumabi si Nash kay Travis. Umupo ako sa isang table na malapit lapit sa kanila.

"About what?" Rinig kong sabi ni Travis. "About her again? I'm not interested"

"Anong plano mo?" Tanong ni Nash

"What are you planning to say?"

"Fuck Travis." Inis na sabi ni Nash. "Ikaw ang gusto nya."

"Look" Napatingin ako ng ilapit ni Travis yung muka nya kay Nash. "Di ako interesado sa kanya." Tumawa pa ito. "I'm just playing. Kung anong mararamdaman mo. What I want is pahirapan ka" Nanlaki yung mata ko sa sinabi ni Travis.

Nagulat ako ng tumayo si Nash at kinuwelyuhan ito.

"Anong gagawin mo ngayon Nash?" Tumatawang sabi ni Travis.

"Hmm. Ano bang gusto mong gawin ko?" Nawala ang ngiti ni Travis. "Kunin ang lahat ng sayo?" Kitang kita ko sa mga mata ni Travis ang inis nya kay Nash pero ngumiti lang ito ulit.

Inalis nya ang kamay ni Nash sa kanya.

"Si Chesca. Di ko alam kung totoo ang sinasabi mo pero kahit ano ang totoo sayo. Di ko na hahayaan na mapunta sya sayo" Sabi ni Nash at iniwan si Travis.

Tumingala si Travis at bumuntong hininga.

What the fuck Travis? Iyon ba talaga ang rason mo? Tumayo na ko at napabuntong hininga nalang sa mga nangyayari.

Ang hirap hirap mong intindihin Travis.

****

Chesca's POV

Ginala ko na ang mga mata ko at di ko parin makita sila Den.

Bigla akong nagulat ng may kumalabog sa Dance room. Dahan dahan kong binuksan yung pinto.

"What are you doing Travis?" Rinig ko ang boses ng isang babae. Boses ni Tricia. "I heard everything. S-sa may Bar"

"Mahirap bang paniwalaan? Ginamit ko lang si Chesca" Napabuka ang bibig ko sa narinig ko

"Hindi Travis. Kilala kita"

"Hindi mo pa ko kilala. Alam mo kung gaano ko gustong pahirapan si Nash."

"Can you stop" Sigaw ni Tricia

"Hoy!" Napatingin ako sa likod ko at ngayon nakatingin na sakin sila Travis.

Umiwas ako ng tingin at hinila si Den palayo 'don.

"Grabe makahila. Walang humahabol satin" Napahinto ako at dahan dahan inalis ang hawak ko sa kanya. "Again?" Sabi nya ng makita nya kong umiiyak na.

"Restroom muna ko" Sabi ko at pinunasan ang luha ko

"Sasama ako"

Nginitian ko nalang sya at umiling muka namang na gets nya na gusto ko mapag isa muna.

Habang nag lalakad ako ay diko mapigilan ang umiyak. Bat ba kasi ako naniniwala?

Napatingin ako sa nabangga ko.

Umiyak lang ako sa harap nya.

Umiyak ako sa dibdib nya nang yakapin nya ko.

"Don't worry. Magiging ok lang ang lahat" He said "Di ko na hahayaan na makalapit sya sayo."

"N-nash"

--------

"Ang patay gutom mo talaga" Sabi ni Seon kay Den at napangiti nalang ako sa dalwang 'to.

"Yiee nag s-smile na sya" Sabi sakin ni Den at inirapan ko sya. "Sasabay kaba samin? Kakain kami" Tanong nya sakin at umiling nalang ako.

balak pa akong gawing third wheel.

Nakatayo nalang ako habang iniintay si Nash. Sabi nya kasi susunduin nya ko pag tapos ng klase. Ewan ko ba kung anong ginawa nya kung bakit hindi sya pumasok.

May sakit ata ng katamaran.

Napatingin ako sa isang kotseng huminto sa harap ko.

May lumabas na tatlong lalaki na ngayon ko lang nakita.

"Mukang may inaantay ka miss?" Sambit ng isang lakaki at di ko nalang pinansin. Muka silang mga lasing.

"Sama ka samin?" Tanong pa ng kasama nito.

Diko nalang sila pinansin at nag lakad palayo sa kanila. Nagulat ako ng sundan nila ko.

"Di kaba interesado?" Nagulat ako ng hawakan ako ng isang lalaki sa braso.

Pag kaharap ko sa lalaki ay laking gulat ko nalang ng bulagta na ito sa baba.

Unti-unti ang pag tingin ko sa isang lalaking nakasara ang kamao sa may gilid nito.

Bigla akong napako sa kinakatayuan ko.

"Bakit?" Seryoso kong tanong sa kanya.

Tumingin ito sakin.

Ang sikip ng dibdib ko andami kong gustong itanong. Diko na alam ang dapat kong maramdaman para sa kanya.

"Bakit!" Sigaw ko sa kanyang inis at seryoso lang itong nakatingin.

Bumuntong hininga ako.

"Ano bang aasahan ko? Ikaw nga pala si Travis." Sabi ko sa kanyang seryoso. Tinalikuran ko na sya at huminto nalang sa isang gilid para intayin si Nash.

Huminto ang isang pamilyar na kotse.

Bumaba sya dito. Umiwas ako ng tingin sa kanya.

"I will take you home"

"I'm fine, susunduin ako ni Nash"

Tumango tango sya. Pumasok na sya sa loob ng kotse.

Bawat pag layo ng kotse nya ay pag agos ng luha ko.

Umupo nalang ako sa isang bench.  Pinunasan ang kuha ko.

Ilang minuto ang lumipas dumating na si Nash.

"Na late ako sorry" Sambit nya habang nag d-drive "Ang alam ko kasi sa labas ng School kita susunduin"

"Sorry" Tipid kong sabi sa kanya.

Ramdam ko na tiningnan nya ko.

"Pagod lang ako sa mga works sa School" Sabi ko nalang para di sya mag alala.

"Ok. D-diretsyo na kita pauwi"

"Salamat"

Nararamdaman ko parin na tumitingin sya sakin.

Ayokong mag kwento sa kanya ng kahit ano.

Napapikit ako.

Andaming tumatakbo sa isip ko.

Mahirap bang paniwalaan? Ginamit ko lang si Chesca

Hindi, di na ko mag papadala sa kanya. Hindi nya na ako magagamit laban kay Nash. Hinding hindi ko na hahayaan na mangyari 'yon.

Badboys: I'm Fall inLove - TaeTzuKook "BTS x Twice"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon