Chesca's Pov
Pumasok kami sa isang restaurant.
Umupo kami at umorder na sya.Nakatitig sya sakin kaya napaiwas ako ng tingin sa kanya.
May nilapag syang box sa lamesa,unti unti nya itong binuksan.
"Kwintas?" Tanong ko sa kanya.Ngumiti sya sakin bigla
"Oo kwintas" May pendant itong letter T. "Isusuot ko" Tumayo sya at pumunta sa likuran ko para isuot sakin ang kwintas na yon.
"Bakit?" Para san to? Bat nya naman ako bibigyan ng kwintas?
"Remembrance" Sabi nya sakin,bakit aalis ba sya? Umupo na ulit sya.
Dumating na ang order nya..Kumain ako ng kumain libre nya e.
Napatingin ako bigla sa kanya kasi hindi sya nakain at nakatingin lang sya sakin.
"May problema ba?" Tanong ko sa kanya at ngumiti sya
"Wala" Bigla akong nanibago sa kanya. Ang weird nanaman nya. Bigla nyang kinuha ang kutsara at tinidor sabay kain nya. Kumain nalang din ako.
Si Nash kaya? Kamusta na kaya sya don?
Pag katapos naming kumain ay umupo sya sa harap ng kotse nya kaya tumabi nalang ako sa kanya.
Tulala lang sya sa unahan.
"Ang sakit pala pag nag kagusto ka sa isang tao pero hindi ka nya gusto" Ang drama nya naman.. "Alam mo ba yung pakiramdam non chesca?" Tiningnan ko sya at nakatitig rin sya sakin
"Pakiramdam?" Ang alam ko ay gusto ako ni Nash..Kaya hindi ko alam ang pakiramdam non.
"Yung gusto ko syang pigilan sa gusto nya pero paano? wala akong karapatan para pigilan sya na gustuhin ang iba" Umiwas na sya ng tingin sakin "Chesca" Bumalik ang tingin nya sa mata ko "Gusto kita pigilan sa gusto mo" bumibilis ang tibok ng puso ko "Kaso wala akong karapatan sayo"
Napaiwas ako ng tingin sa kanya
"Ang lamig no?" Pag iiba ko ng usapan
Nagulat ako ng pumunta sya sa harap ko.
"Alam kong hindi mo gusto...kaya di ko alam kung bakit lagi kitang gustong lapitan at kausapin" Sabi nya at lalong bumibilis ang tibok ng puso ko lalo na sa tuwing ako'y tititigan nya.
"Ahh...T-travis.." Anong sasabihin ko sa kanya? Tumaas ang kilay nya
"Hmm?"
"w-wala"
Ngumiti sya..Ngiting nakakaakit..Umupona ulit sya sa aking tabi
"Kahit anong mangyari,ikaw parin ang aking gusto" sabi nya nanaman..Pag hindi sya tumahimik. Di ko na alam ang gagawin ko..Nangangamatis na ata ako dito.
"Ayaw m-mo pabang umuwi?" Tanong ko sa kanya
"Para san?" Tanong nya na nakakunot ang noo
"Para mag pahinga?"
"Bakit?" Nagulat ako ng hawakan nya ang noo ko
"Masama ba ang pakiramdam mo? pagod kana?" Sabi nya,napailing nalang ako "Ihahatid na kita pauwi kung yan ang gusto mo" Sabi nya
Pumasok na kami sa kotse nya
Bigla nalang kami napahinto dahilan ng traffic
Habang tumatagal ay inaantok na ko,nahulog nalang bigla ang ulo kaya nagulat ako.
Napatingin ako sa kanya at nginitian nya ko.
"Matulog ka muna" Sabi nyang nakangiti at tumingin na ulit sa harapan
Pinikit ko nalang ang dalwa kong mata,dahil diko na kaya talaga ang antok.
**********
Minulat ko ang dalwa kong mata at nakahinto ang kotse na sinasakyan ko,wala na sya sa loob.Napatingin ako sa labas at andon sya sa ilalim ng puno,nakatayo at nakasandal na mukang ang lalim ng iniisip.
Asan pala kami?
Bumaba ako ng kotse.
Pumunta ako sa may gilid nya at umupo sa damuhan,ang lamig ng hangin
"Gising ka na pala"
Ang sarap pala tumambay dito,inpernes.
"asan pala tayo?" Tanong ko
"Diko din alam" Napakunot ang noo ko "Naubusan ng gas yung kotse eh" Seryoso nyang sabi
What?
"Anong gagawin natin?"
"I don't know"
"Anong I don't know?" Napatayo ako at napahawak sa buhok ko "Taxi..Mag hanap ka ng taxi"
"Walang taxi sa lugar na to.Tsaka malayo tayo sa may labasan,di natin kayang lakarin"
"Oh? anong gagawin natin? "
"Simple lang,mag intay na may dumaan dito" Napabuntong hininga nalang ako at umupo ulit sa damuhan "Suotin mo to" Hinubad nya yung blazer nya at inihagis sakin,kinuha ko nalang at pinang cover ko sakin dahil sa lamig ng hangin
Kailan ba may dadating dito?
Bigla syang bumuntong hininga na mukang nilalamig din sya.Aalisin ko na sana ang blazer na nakabalot sakin
"Sayo na yan,mas kailagan mo yan." Diko na inalis
"May nadaan ba ditong ibang sasakyan?"
"Syempre naman" Sabi nya ulit na seryoso "Tiwala lang" Tiningnan nya ko ng seryoso at biglang ngumiti sakin na parang sinasabi nya na 'merong dadating tiwala lang'
Ano din bang magagawa ko? Edi mag intay.
"Kung inaantok ka,pumasok ka sa kotse.Ako na bahala mag intay" Sabi nya sakin pero di nanaman ako inaantok dahil kakagising ko lang
"Ikaw muna ang pumasok sa kotse dahil malamig dito" Sabi ko sa kanya at nginitian nya nanaman ako,hobby nya ba ang ngitian ako?
"Kaya ko ang sarili ko" Seryoso nyang sabi
"Kaya mo nga ba?"
"Oo,di ako nasasaktan dito" Umupo sya sa may tabi "Nakikipag bugbugan ako,simpleng hangin na malamig diko kakayanin?"
"Sabagay"
"Isa lang naman ang kahinaan ko" Tiningnan ko sya
"May kahinaan ka din pala?"
"Mahina ako physically pero emotionally di ko kaya,kaya saktan na nila ko physically basta wag lang emotionally kaya kong ibuwis ang buhay ko"
"Paano ka naman nila sasaktan emotionally?"
"Sa oras na lumayo sya sakin,sa oras na hindi ko na sya laging nakikita,sa oras na di ko na sya makausap..Sa oras na umiwas ka sakin" Natahimik ako bigla sa sinabi nya "Sa totoo lang,hinihiling ko ngayon na walang dumaan na sasakyan para matagal pa kitang makasama"
"Ganon b-ba? B-bakit bukas hindi ba?"
"Gusto ko lang sulitin ang araw ko,sa tuwing kasama kita"
"Aalis kaba?" Natanong ko bigla dahil sa sinabi nya
"Oo"
"San ka pupunta? Travis, siguro hindi ako yung babaeng para sayo."
"Oo man o hindi,ngayon ang iniisip ko lang ay makasama ka,dahil alam ko sa oras na umalis ako di na ko babalik at makakasama ka" anong sinasabi nya? parang sobrang layo ng pupuntahan nya,bigla nalang may kumirot sa puso ko,bakit ganto ang nararamdaman ko? "Alam mo,ma mimiss kita sobra sobra" Nagulat ako ng yakapin nya ko ng sobrang higpit na parang di na ako makahinga. "Ayoko ng umalis sa yakap na to" Sabi nya sakin at kusa ng tumulo ang mga luha ko dahil sa nararamdaman ko.Sumisikip ang dibdib ko ng diko alam ang dahilan
"T-travis"
"Gusto kong manatili sa tabi mo pero kailangan kong umalis" Lalong humihigpit ang yakap nya sakin. "Mahal na kita Chesca..Diko alam kung bakit nahulog ako sayo ng sobra sobra"
Bigla nalang may umilaw na kung ano sa daan,at na realize ko na sasakyan yon.
BINABASA MO ANG
Badboys: I'm Fall inLove - TaeTzuKook "BTS x Twice"
RomanceBad Boys,Posible kaya na mag kagusto ang dalwang mag kadugo sa iisang babae? Posible kaya ang dalwang lalaking Bad Boys ay mag bago dahil lang sa isang babae? Masama ba talaga sila o may tinatago din silang kabaitan? Sino ang pipiliin nya? Sino sa d...