Chapter 26

730 28 16
                                    

Chesca's Pov

Nag lalakad lakad lang kami ni Travis, di sya nag sasalita.

Sabado ngayon kaya walang pasok.

"May gusto kaba?" Tanong nyang seryoso pero hindi sya tumitingin sakin.

"Wala naman" sagot ko nalang sa kanya. "Ikaw? May problema kaba?"

"Wala din naman" sabi nya pero parang iba at kabaliktaran ang sinasabi nya. "Kumain ka ba?" Ngayon tumingin na sya sakin at kita ko sa mga mata nya ang puno ng lungkot kaya di ako nakapag salita at tinitigan ko lang ang mata nya.

Ginulo nya yung buhok ko.

"Anong tingin 'yan?' He said

Umiwas nalang ako ng tingin sa kanya, may problema sya. Hanggang kailan nya ba itatago ang kanyang problema?

Nag lalakad nalang kami ulit. Tulala lang sya at nababalot lang kami ng katahimikan.

Hays.

Si Nash kaya? Ano kayang ginagawa nya ngayon? Masaya kaya sya ngayon? Sinong nga kasama nya?

"Sa susunod itali mo 'to ng mahigpit" napatingin nalang ako sa baba at nakita ko si travis na tinatali ang aking sintas "baka mayapakan mo, tapos madapa ka" sabi nya habang nag sisintas. "Miss mo na sya?" he said. Tumango ako at tumayo sya.

Ginulo nya ang buhok ko.

"Kailan kaya sya babalik?"

********

Nasa damuhan kaming dalwa, ang lugar na 'to ay ang tahimik puro damo lang at puro ibon lang ang maririnig mo.

Nakahiga lang sya at nakatigin sa langit, habang ako nakatayo at nilalasap ang masarap na hangin.

"Nakaka relax dito tama ba?" Sabi nya at tumango nalang ako. Humiga ako sa may tabi nya.

"Siguro dito ka napunta tuwing nag rerelax ka o gusto mong mapag isa" sabi ko sa kanya pero di sya sumagot. Pumikit sya.

"Alam mo bang gusto kitang dalhin sa lugar, sa lugar kung saan ako napunta. Gusto kong balikan lahat ng lugar na 'yon na ikaw ang kasama ko sa huling pag kakataon"

"Bakit naman sa huling pag kakataon? Dahil ba sa sinabi mong aalis ka? Di kaba babalik? Malayo ba ang pupuntahan mo?"

Tumingin sya sakin at ngumiti.

"Wala akong ideya kung malayo 'to o malapit, di ko parin napupuntahan 'yon. First time ko lang pero ang sigurado ko. Di na ako makakabalik." Sabi nya at ngumiti nanaman ng puno ng lungkot ang kanyang mga mata.

"Alam mo, di kita maintindihan" sambit ko sa kanya.

"Di mo naman kailangang intindihin, basta gusto ko lang ngayon. Makita kita araw araw na masaya" sambit nya. "

"Kailan ang alis mo?" Tanong ko sa kanya pero di na naman sya sumagot at tumingin nanaman sa langit.

Bakit ganyan sya?

Bakit ganto ang nararamdaman ko?

"Wag ka ng mag-isip ng kung ano ano. Isipin mo nalang ang sarili mo" sambit nya.

Umupo ako.

Aalis sya? Hindi babalik? Hindi ko na sya makikita, wala ng mag uutos sakin at di ko na sya makakasama. Akala ko iyon ang gusto ko? Pero bakit parang di ako masaya?

"Iniisip mo nanaman sya?" Nasa harap ko na sya ngayon at nakatayo. Tumayo na rin ako.

"Hindi-----" hinila nya ko at napayakap ako sa kanya.

"Pwede bang habang wala sya, ako muna? Ako muna ang isipin mo? Kahit sa maikling panahon lang. Habang nasa tabi mo pa ko?" Bigla akong nanghina sa sinabi nya.

"Bakit ka pa ba aalis?" Bigla kong natanong

"Kahit ayaw ko o gusto ko man, aalis at aalis din ako" sabi nya. "Gusto kong manatili, pero hindi lahat ng gusto ko nakukuha ko. Kaya pwede bang habang andito pa ko? Pwede bang ako muna yung priority mo kahit wala naman talaga ako sayo." Ano bang sinasabi nya? Pwede ko ba syang pigilan? Ghad? I hate this feeling. "Ngayon, masaya na ako na makasama ka. Kahit hindi ka masaya na di ako ang 'yong kasama. Please, Chesca. Wag mo ng suklian ang pag mamahal ko sayo. Wag mo na kong mahalin at wag ka ng mahulog sakin. Iyon nalang ang hiling ko, ang hayaan mo nalang akong mahalin ka na di mo pinapalitan" Hindi nya gustong suklian ang binibigay nyang pag mamahal?

Nakakapanibago talaga sya. May mali sa kanya. Hindi sya ang Travis na nakilala ko nung una.

"Di kita maintindihan" inalis nya ang yakap nya sakin. Ngayon nakikita ko sa mga pisngi nya amg kanyang luha. Umiiyak sya? Bakit ganto? Lalo akong nasasaktan sa pinapakita nya ngayon?

Hinawakan nya ang pisngi ko pero di sya nag sasalita at tumutulo lang ang luha nya. Bakit ang sakit ng makita syang ganyan? Diko sya maintindihan.

"Masaya ako na nakilala kita, masaya ako na nakilala kita. " sabi pa nya

"Travis, bakit?" Bakit nya ba sinasabi 'yan? "Kung ayaw mong umalis, please stay"

"I can't. I can't stay. Kahit anong gawin ko. Hindi pwede"

Nagulat ako ng bigla syang lumayo sakin at tumakbo sa isang puno, sinundan ko sya. Nag susuka ba sya?

Nakatalikod sya sakin.

"Wag kang lalapit" sambit nya.

"Travis" sambit ko nalang sa pangalan nya.

"Wag kang lalapit sabi" sigaw nya na galit kaya diko maggawang humakbang palapit sa kanya. "Pumunta kana sa kotse" sambit nanaman nyang galit. Kaya wala akong naggawa kundi ang pumunta sa kotse at iwan sya 'don.

Tinitingnan ko sya sa malayo, ano bang tinatago nya sakin?

********

Habang nag dridrive sya ay puro katahimikan na naman.

Ano bang mali?

Hindi ko parin maisip kung ano bang mali? Anong problema nya?

"Gutom kaba?"

"Hindi pa naman" sagot ko at tumango naman sya.

Ibang iba ang kinikilos nya kaysa sa dati. Hindi ko makita sa kanya si Travis na lagi akong binibwiset, lagi akong inaasar at pinapahirapan.

Ang Travis na nakikita ko ngayon ay puno ng lungkot, maalalahanin at pinapakita na nasasaktan na sya.

Siguro, malaki ang problema nya. Dahil hindi na nya kayang itago ang kanyang emosyon at ang kanyang nararamdaman.

Kung alam ko lang ang kanyang problema, gagawa ako ng paraan. Gagawin ko lahat. Nakatitig ako sa kanya na halatang malungkot ang kanyang ekspresyon. Sa oras na malaman ko lang talaga, itong lalaking 'to. Gagawin ko ang lahat para bumalik sya sa dating sya, para maalis lahat ng lungkot sa kanyang mata. Para di nya maramdaman ang sakit na nararamdaman nya.

Badboys: I'm Fall inLove - TaeTzuKook "BTS x Twice"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon