Chapter 35

91 7 1
                                    

Chesca's Pov

"Nabalitaan mo na ba?" Tanong ni Den habang katabi si Seon.

"Alin?" Napairap nalang si Den

"Tungkol kay Tricia at Travis. Nako balitang balita nga sa buong Campus tapos ikaw kunwari di alam"

"Ano namang meron kung nag  d-date sila?" Napatingin kami kay Seon. Napahawak ako sa ulo ko. Ang ingay mo kasi Den ang daldal mo.

"Tsismoso" Inirapan sya ni Den

"Don't tell me. Gusto mo si Travis. Diba may boyfriend kana?"

"boyfriend pero iba yung mahal"

"Wala kong sinabing mahal ko si Travis"

"Oo pero bukang bibig mo diba? Nasasaktan ka diba? Nahihirapan ka sa tuwing wala sya sa tabi mo kahit pinapahirapan kalang din naman nya" Sabi nito sabay inom ng juice. "Sabihin mo di mo lang alam kung pano si Nash" Sinaraduhan ko ang bunganga nya.

Habang tumatagal ganto pala to. Ang daldal.

"Ano ba talaga?" Tipid na tanong ni Seon.

"No. Mahal ko si Nash ok?--"

"Sige ipilit mo pa. Push mo" inis na sabi ni Den. "Edi pag nawala sayo. Pag sisihan mo"

Iniwan ko na silang dalwa sa Canteen at hinahanap kung asan ba si Nash. Bigla ko syang nakita na nakaupo sa may garden. Tinabihan ko sya.

Pinagmasdan ko lang sya habang nakatingin sa malayo.

"My fault" Sabi nya at tumingin sakin

"Ang?"

"Chesca. I'm sorry" Napakunot ang noo ko

"Go for him"

"Ano bang sinasabi mo"

"Ayokong mapilitan ka sakin o makitang hindi masaya ng dahil sakin."

"Masaya ko" Nginitian ko pa sya

"look at your ang bracelet. Di mo sya pinaltan. Sa tuwing kasama kita di ko makita yung saya sa mga mata mo. Pero nung araw na nabugbog si Travis kitang kita ko sayo kung pano ka nataranta at nag alala" May bigla nalang nabasa ang mga pisngi ko.

Hinawakan nya ang pisngi ko.

"Gusto kita. Sobra." Sambit nito "Pero mas gusto kitang makitang masaya" Niyakap nya ko at umiyak ako sa dibdib nya. "Wag mo muna kong isipin." Sabi nya pa.

"I'm sorry. I'm sorry" Umiiyak kong sabi

"Wala kang kasalanan."

---

Habang nag lalakad ako mag isa papuntang room nag tama ang mga mata namin. Umiwas sya agad. Nakapamulsa ito at nilampasan lang ako. Blanko lang ang muka nya ng tingnan nya ko.

Napatungo nalang ako.

Ano bang dapat kong gawin?

Pumikit ako at tumingin sa likod ko. Gagawin ko na. 

Tumakbo ako at hinabol sya. Blanko parin ang muka nya ng harangan ko sya.

"Travis can we talk?"

"For?" Seryoso nitong sabi.

Huminga ako ng malalim.

"I like you" Tiningnan ko sya at wala lang syang reaksyon.

Bigla itong ngumiti pero hindi ngiti ng kasiyahan.

"Hindi nako interesado sayo" Umiwas ito ng tingin at binangga lang ang balikat ko. "Tsaka pala, thank you dahil pinarealize mo sakin na di ko dapat pinapaikot yung buhay ko sa isang babaeng katulad mo" Napatulo ang luha ko sa sinabi nya at narinig ko nalang ang paglayo nya sakin .

Totoo ba yung narinig ko?

Habang nakain kami nila Den sa Canteen ay iniisip ko parin yung sinabi ni Travis.

"Ano te? Tutulala ka nalang?" Napatingin ako kay Den. "Hoy Te, bakit ka naiyak?" Sabi nya sabay hagis sakin ng tissue. "Ano nasabi mo ba kay Travis?"

Tumango ako at ngumiti. Nanlaki yung mata nya.

"Tapos? So kayo na? Naiyak ka because of Nash?" Diretsyo nyang tanong sakin.

Umiling ako.

"Nireject nya ko" Diretsyo kong sagot at nabuga ni Seon yung tubig nyang iniinom.

"Ang burara mo talaga" Sabay irap ni Den kay Seon.

"Ikaw nireject ni Travis?" Gulat na tanong ni Seon.

"Nag pasalamat sya sakin na di na umiikot yung buhay nya sakin" Sambit kong seryoso.

"Yung lalaking 'yon. Di mo talaga maintindihan or baka may iba na syang gusto. Baka si ------" Nilagyan ng burger ni Seon sa bunganga si Den.

"How about Nash? Kinausap mo na ba sya about don?" Tanong sakin ni Seon at umiling ako.

Tumango tango lang si Seon habang si Den ay inis parin sa ginawa sa kanya ni Seon.

"Alam mo kumain ka nakang dyan. Baka ma depress ka nyan" Sabi ni Den sakin at kinuha ko nalang yung tinidor sabay tinusok tusok ang pasta.

Tumunog nalang ang isang tray na nilapag sa katabi ko. Unti unti akong napatingin 'don pati rin sila Den.

"Ehem. Naiihi ako samahan moko" Sabi ni Den kay Seon

"Pati pag ihi mo--"

"Tara na" Sabay hila nya kay Seon na halos matumba si Seon sa kinakaupuan nya "Mamaya nalang ulit Chesca"

"Are you ok?" Sambit nya habang kumakain at di tumitingin sakin.

"Sinabi ko na sa kanya pero hindi iyon yung inaasahan ko na isasagot nya sakin"

Tumango tango ito at iniwan nakong mag isa. Pumunta lang pala sya dito para itanong sakin.

****

Tricia's Pov

"Are you serious?" Tanong ko kay Nash at uminom lang ito ng alak. "Alam namang natin na patay na patay si Travis sa babaeng 'yon then now ganon?" Maarte kong sabi at umiinom parin sya.

Bumuntong hininga ako.

"How about you?" Tumungin sya sakin sa tinanong ko "Anong nararamdaman mo?" Ngumiti sya sakin sabay inom nya ulit.

Mas pinili nyang lumayo kay Chesca.

"We have to find him" Napakunot ang noo ko. Sinong tinutukoy nya si Travis?

"Sa tingin mo gusto ka nyang makita kahit alam mo na una palang kung bakit di nya makuha kuha si Chesca ay ikaw ang dahilan"

Napairap nalang ako.

Haba rin ng buhok ng babaeng 'yon. Si Travis? Si Nash? Kung sino pa talaga yung mga nagugustuhan ko.

"She's driving me mad" Bulong ko.

Badboys: I'm Fall inLove - TaeTzuKook "BTS x Twice"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon