Chapter 4: Akira Loriette Fernando

202 6 0
                                    

Chapter 4: Akira Loriette Fernando

Akira's POV

After meeting Nate at exactly 10:00 I went on my unit. I heard that my sister Bella will have a party, so I decided to go.

Kung iniisip nyong kontrabida ko sa buhay nya, nagkakamali kayo okay? Siya ang may kasalanan kung bakit nawala ang lahat sa akin, binabawi ko lang ang lahat ng akin. Wala akong pakialam kahit masaktan ko pa ang pamilya ko sa ginagawa ko. Revenge, that's what I want! That's what I want to do to her.

Alam kong hindi nya na ako kinikilala bilang ate nya, pero wala na yun sa akin. Tumigas na ang puso ko sa pag hahangad na bawiin ang lahat sa kanya! Lahat ng inagaw nya sa akin.

Nabuhay ako sa muhi at galit ko sa kanila. Wala ni isang tao ang umintindi sa akin, lahat sila iniisip na mali lahat ng ginagawa ko. Si Bella lagi ang tama sa lahat ng paningin nila.

Pagkatapos ng ilang taong pananahimik ko, bumalik ako para ipagpatuloy ang nasimulan ko. Gustong gusto kong gumanti sa babaeng sumira ng buhay ko. Hindi nya lang alam kung anong pinagdaanan ko nang dahil sa kanya.

*knock* *knock* *knock*

Napaigtad ako sa kinauupuan ko nang may bigla nalang kumatok sa pinto ng unit ko.

"Akira it's me Fortune. Can I come, I know you're in there." sabi ni Fortune habang kumakatok.

"Wait for a while, i'm coming." tumayo agad ako para pagbuksan sya ng pintuan.

"O-oh, may lakad ka ata." mukang nagulat sya sa suot ko, ngayon nalang ulit kasi ako nagsuot ng gown after a long time.

"Yes I have. I'm going to Bella's home coming party so I dressed up. It's been a long time since I saw her awful face when she's seeing me. How pathetic she is." sarcastic kong sabi kay Fortune.

"Pumasok muna tayo sa loob." aya nya sakin sa sala ng unit ko.

Natahimik lang kaming dalawa, nakakabinging katahimikan ang bumalot sa buong kwarto.

"Akira, kailan?" pambabasag nya sa katahimikan.

"I don't understand you Fortune. What do you mean? Anong kailan?" nagtataka kong tanong

"Kailan ka titigil pahirapan at ilugmok ang sarili mo sa galit at pagkamuhi sa pamilya mo. Akira, masakit para sa kanila ang makitang nagkakaganyan ka. Lalo na ang magulang mo, wag mo silang idamay sa kung ano mang alitan mayroon kayo ng kapatid mo." seryosong saad nya habang nakatitig lang sa mata ko.

"Pero Fortune hindi mo ako naiintin—" pinutol nya ang sinabi ko.

"Akira anong hindi kita naiintindihan. Ako ang kasama mo sa tatlong taong pananahimik mo, sa tatlong taong paglayo mo sa kanila, at ang patago mong pag ganti!" medyo tumaas na rin ang boses nya.

"Akira, alam mong ayaw kitang nahihirapan diba. Alam mong mahal kita, pero Akira palayain mo ang puso mo. Tanggalin mo lahat ng galit at muhing andyan." sabay turo nya sa parte ng dibdib ko kung nasaan ang puso.

Mahal ako ni Fortune noong umpisa pa lang. Noong hinangad kong maghiganti, sya ang tumulong sa akin. Siya ang nagcomfort sakin, pero ni minsan hindi ko nasuklian ang pagmamahal nya. Mahal ko sya pero bilang kapatidnlang. Alam kong alam nya yon.

"Hindi ako titigil Fortune, pero kailangan ko itong gawin. Ako ang nawalan hindi sila, ako ang nagdusa, naghirap, nasaktan. Fortune, sorry pero hindi ko kaya yung sinasabi mo." sabay ako tumayo. At lumakad papuntang pintuan.

I leave him dumbfounded inside. Sorry Fortune, sorry talaga. Alam kong nag-aalala ka sakin at dahil mahal mo ako, pero alam mo ding si Nathan ang mahal ko.

Pagkatapos kong lumabas sa condo ko dumiretso ako sa elevator at agad pumunta sa parking lot kung saan naka-park ang kotse ko.

Oo tama ka Fortune, pero tuluyan na talagang nilamon ng galit at pag kamuhi ang buhay at puso ko.

Ngayon ko lang naramdaman na tumulo na pala ang mga luha ko. Fvkc kelan pa ko naging iyakin? Nalagpasan ko na tong stage na 'to eh. Natapos nakong umiyak ng pagkatagal tagal, tapos nakong maging mahina.

Matatag na ko ngayon, hindi na ako ang dating Akira Loriette Fernando. Hindi na ko mahina, kaya ko nang lumaban gaya ni Bella.

And I'll make sure na si Bella ang unang makakatikim ng ganti ko.

I'm The Gangster QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon