Chapter 10: Blinded

151 2 0
                                    

Chapter 10: Blinded

Nathan's POV

Nung gabi ng welcome party para sa kanya, nandun ako. Palihim na nakasilay, palihim na nakabantay.

Nasa isang sulok ako nitong lugar na ginaganapan ng party nya. Siniguro ko na walang makakakita sakin dito.

"Alone?" sabi ng taong biglang sumulpot sa likod ko.

"Fortune?" tanong ko.

"Im glad kilala mo pa ako," anunsyo nya.

Paanong hindi ko sya makikilala. Kilalang kilala ko pa rin silang lahat no. Si Bella lang ang nawalan ng memorya sa mga nangyari, hindi ako. Ni huling detalye, wala akong kinalimutan.

"Look Nate, Im sorry." puno ng sinseridad nyang sabi.

Nag-igting ang bagang ko sa sinabi nya. Pagtapos ng lahat sorry lang? Kulang pa ang mga buhay nyo para sa lahat ng kasalanan nyo sakin.

"Nate—" I cut him off.

"Don't call me Nate, we're not even friends." I said coldly.

"I see. Nathan, hindi ko naman hinihingi na patawarin mo ako agad. Im apologizing for Akira's sake. I want you to forgive Akira," he replied. "Mapatawad mo lang si Akira okay na ko. Matatanggap ko na natalo mo na ako pagdating sa pagmamahal nya at sa lahat ng bagay. Please Nathan, forgive Akira." he pleaded.

Manatili kang nagmamatigas Nathan. Isipin mo lahat ng ginawa nila sa iyo, sa inyo ni Bella.

"I won't do that Fortune, wag mo ibaba ang sarili mo sa taong hindi ka kayang mahalin, nagmumukha ka lang tanga." anunsyo ko sabay iwan sa kanya na nakatanga.

"Ganto ka rin naman kay Bella diba? Kahit na hindi ka na nya naaalala, nandyan ka parin, sunod ng sunod kahit nasan sya. Parehas lang tayong nagmamahal Nathan."

Medyo tinamaam ako sa sinabi nya. Tama sya, parehas lang kami. Pero hindi ko ibababa ang pride para lang patawarin si Akira.

"This is nonsense Fortune, you need to stop. I also need to go," papaalis na sana ako pero pinigilan nya ang kamay ko.

"Alam ko yung pagpunta nyo sa mall kanina, nakita ko kayo. Pinaiyak mo nanaman sya Nathan," this time, he is serious.

"Hindi ko ginustong umiyak sya. Hindi ko hiningi na luhuran nya ko."

*BOOGSH!*

Bigla nya akong sinuntok.

"What the f*ck! Why did you do that?" napahawak ako sa gilid ng labi ko. Sh*t may dugo.

Nakalimutan ko, mga gangster nga pala sila. Aish! Sana hindi ganyan sumapak si Bella.

"Proud ka pa at niluhuran ka ni Akira. P*tang*na mo Nathan!" buong lakas nyang sabi.

Bawat salita nya bumabaon. Pero wala akong pakialam. Lahat na ng sakit naparamdam na nila sakin. Pero bakit parang hindi pa rin sila nagsasawa na saktan ako. Manhid na siguro ako.

"Kung mumurahin mo lang ulit ako, aalis na ako. I don't want to waste my time with an idiot like you." buo kong sabi.

Umalis na ako, baka ano pang magawa ko sa kanya. Buti naman at hindi nya na ako sinundan o pinigilan.

Nagdrive ako pauwi sa condo unit ko. Hindi muna ako uuwi sa mansyon. Lalo pa't nalaman ko na my family adopted Fortune, legally. How great!

Sa gitna ng tahimik kong pagdadrive, nagring bigla ang phone ko.

"Hello?" sagot ko agad.

'Nate, where are you?'

It's Akira. She's crying.

I'm The Gangster QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon