Chapter 6: The Fight

166 3 0
                                    

Chapter 6: The Fight

Jiro's POV

"Hindi pa ba kayo tapos? Antagal nyo!! Konting bilis." ako.

"Tae, atat lang? Wala pa ngang 3:00 eh. 4pm pa yung laban natin Hyung!" angal ni Yuji.

"Aba't talaga naman. Basta bilisan nyo!! Lalo kana Sun."ako

"Why do I need to? Kanina pa ko handa!" Sun

"Nako Hyung, lagi namang ganyan si Sun! May bago pa ba? Basta ako susunod nalang, ayoko na pahirapan ulit ni Jiro Hyung. Bye!" Kenji.

Naunang pumunta si Bella sa GP dahil gusto nya daw munang usisain ang grupong makakalaban namin. Iba talaga sya, may takot din pala sya sa mafia na yun. Inangasan pa kami na hindi daw kami matatalo!

Pero bakit parang ang sama talaga ng kutob ko. Marami na kaming nakalabang grupo noon, marami na ding mga mafia pero iba ata 'tong isang 'to.

Ilang beses ko nang sinubukan na idial ang number ni Bella pero laging cannot be reach. Sinubukan ko ring tawagan ang mga staff sa GP pero lagi nilang sinasabi na busy daw si Bella at wag istorbohin.

Pagkatapos kong maghanda ay agad kaming dumiretso sa GP, gamit ko ang pinakalatest na sasakyan ng gang. Isang black van na tinted ang glass window. Bullet proof din ito incase sa kahit anong panganib. Marami ding weapon ang sasakyang ito.

Sa gulong nito ay mayroong mga spikes na pwedeng bumutas ng kahit ano. Ang windshield wiper naman ng sasakyang ito ay may laser sa pwede naman mkahiwa at makabutas ng kahit ano. Mga most expert na inventors ang gumawa ng sasakyang ito, at tanging ang gang lang namin ang mayroon.

"Jiro Hyung, eye on the road!" pasigaw na sabi ni Kenji.

"Pasensya na." sambit ko.

"Hyung? Anong meron, kanina ka pa balisa ah? Dahil ba kay master?" tanong naman ni Sheen.

"Bukod pa sa kanya. Iba talaga ang kutob ko sa mangyayaring laban mamaya." sabi ko at sabay nagconcentrate ulit sa pagmamaneho.

"I'll try to call her again." biglang saad ni Sun na sinang-ayunan ko naman.

Pero wala talagang sumasagot sa kabilang linya. Dahil doon, nagpasya akong bilisan ang pagmamaneho.

Bella? Ano nang nangyari sayo!

Bella's POV

Sinabi ko kay Jiro na mauuna na ako sa GP, pero bago ako dumiretso ay pumunta muna ako sa HQ. Kumuha lang naman ako ng ilang weapons incase na may umatake sakin at hindi ko sila kasama. Umalis ako kaagad ng HQ pagkatapos kong kumuha ng weapons.

Pero hindi lang iyon ang dahilan kung bakit nagmadali akong umalis. Kanina ko pa kasi napapansin na may sumusunod sa akin mula pa ng umalis ako sa condo. Agad ko namang binilisan ang pagpapatakbo ng hummer ko.

Pumarada agad ako sa parking lot ng Elite Empire sa likod na bahagi ng GP. At nakahinga ako ng naluwag dahil hindi na nila ako nasundan.

Kinuha ko agad ang phone ko pero wala pala ito sa bulsa ko. Shit, naiwan ko pa ata HQ, pano ko na 'to masasabi kina Jiro. Alam kong sa ngayon nag-aalala na sila sa akin.

"Don't move!" pasigaw na utos ng hindi pamilyar na boses. Narinig ko din ang pagkasa ng baril na mukhang nakatutok sa akin.

"Who are you?" ma-awtoridad ko namang saad.

Matagal sya bago nagsalitang muli, napangisi ako. Mukhang hindi pa nya kilala ang binabangga nya.

"Are you part of the mafia?" tanong ko sa kanya at humarap ako sa kanya.

Mukhang bago nga lang ang isang 'to. Hindi pa rin sya gaanong marunong sa paghawak ng baril. Tsk, bakit naman baguhan ang itinapat nyo sakin.

"Who the hell is your boss?" sigaw ko.

"Napag-utusan lang po ako. Wag nyo po akong sasaktan. May nagbigay lang sa akin ng baril na ito, ang sabi pa nya ay itutok ko daw ito sayo. Lalaki sya, naka-itim na coat at medyo mahaba ang buhok. Pero tama lang ang haba para matakpan ang isa nyang mata. Napansin ko rin po na may hiwa ang kanan niyang pisngi at may singsing siyang ginto sa kaliwang kamay. Patawarin nyo po talaga ako." pagmamakaawa ng lalaking mukhang kaedaran ko lang.

Mukhang pamilyar ang lalaking tinutukoy nya. Parang kilala ko ang lalaking iyon, pero bakit hindi ko maalala. Sinenyasan ko naman sya at pinatakbo.

"Sa ngayon ligtas ka sa akin. Pero kapag nakita ka nila, hindi sila magdadalwang isip na iligpit ka. Mabuti pa't umalis kana. Bilisan mo!" utos ko sa lalaking halos magkanda dapa na sa pagtakbo.

Pero bago pa man sya tuluyang makaalis ay isang putok ng baril ang umalingawngaw sa buong lugar. Humandusay na lamang bigla ang lalaki at ngayon ay wala ng buhay.

"Kung ginawa nya lamang sana ang inutos ko edi hindi sya agad mawawala sa mundo. Ang hirap talaga kapag pipitsuging tao lang ang inutusan mo." saad ng lalaking may hawak ng isang hand gun.

"Ikaw ba ang nag-utos sa lalaking iyon!" tanong ko.

"Ako nga Bella, wala ng iba pa. Hindi mo ba ako namiss?" sarcastic niyang tugon.

"Sino ka ba? Anong kailangan mo sa akin?" buong loob kong tanong.

"Teka lang, hindi mo na ko naaalala? Gusto mo bang ipaalala ko sa iyo? Nakita mo ba 'to!" at bigla niyang pinakita ang balat sa kanyang kanang pisngi at ang kanyang kaliwang mata na nakatahi? A-ano yan?!!

"H-huh? S-sino ka ba talaga?" halong gulat at takot ang naramdaman ko.

"Hindi mo na talaga ako maalala? 2years ago. 2years ago mula nung ginawa nyo ito sakin, pagkatapos ng laban na iyon eto ang nangyari sa akin!" galit na galit na sabi ng lalaki.

2years ago? Kaya ba parang kilala ko sya.

*Flashback*

"Mamamatay kayong lahat pagkatapos ng ginawa nyo sa mama ko! Pagbabayaran nyo 'to." Pag-aamok ng isang lalaki.

"Patawarin mo kami. Hindi namin sinasadya." pagmamakaawa ko na umiiyak.

"Wala na kayong magagawa Bella. Pinatay nyo na si mama. *sob* Kala ko mga kaibigan ko kayo." pag-iyak nya habang hawak ang kanyang kaliwang  mata na dumudugo.

Halata sa kanya ang sakit na nararamdaman nya sa nagawa namin. Ang laki ng hiwa nya sa kanang pisngi na gawa ni Sun dahil sa pag-atake nito gamit ang samurai. At ang kanyang mata, ako, ako ang may gawa 'non. Muntik ko na syang mapatay. Nasaksak ko ang kaliwa nyang mata dahil sa pagdepensa.

"Patawad. *sob* Hindi namin kagustuhan ang nangyari, please. *sob* Hindi namin sinasadya *sob* patawarin mo kami." sabi ko sa pagitan ng mga hikbi ko.

"Wala na. Magbabayad kayo!" sigaw nyang muli.

"Bella tara na, wala na tayong magagawa para maalis ang galit nya sa atin. Nangyari na Bella, hayaan nalang natin na humupa ang galit nya." pag-aya sa akin ni Jiro'ng umalis na.

"Mabuti pa nga at umalis na kayo. Dahil kapag nagtagal kayo baka kung ano pang magawa ko!"

At umalis na nga ako. Simula noong araw na iyon, hindi ko na nakita pang muli ang pinaka-matalik naming kaibigan.

*End of flashback*

"Winston? *sob* I-ikaw ba yan?" at tuluyan na kong napaluha ng maalala ko.

"Bella!! W-winston?" Jiro.

At bigla akong nawalan ng malay.

-------------------------------------------------

Hi po readers. Kahit wala pong voters XD Okay lang yan. Sorry po late UD ako ha, 3weeks pong wala. Mianhae:* Busy po sa school eh. Sorry den kase short lahat ng chapters. Papahabain ko nalang yung ibang chapters next UD's okay?

Magvote naman po kayo or comment your suggestions atska i-critisize nyo yung gawa ko. Alam ko po kase may wrong grammars ako. Correct me if Im wrong, and it's free to say bad comments. Tanggap ko naman po, pero wag yung masyadong harsh okay po?

Masyado nang mahaba itong note ko, goodbye and enjoy the next chapter.

♥ ChaCha ♥ (imnotordinary4724)

I'm The Gangster QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon