Chapter 7: Elite Empire

169 2 0
                                    

Chapter 7: Elite Empire

<Author's POV>

"Winston! Jiro! Sun! Tara laro tayo! Ayain nyo pati si ate Akira at Fortune!!" tawag ng isang batang babae sa kanyang mga kaibigan.

"Teka Bella *hinga* hindi ka ba *hinga* napapagod? Kanina pa tayo *hinga* naglalaro eh!!" balik sigaw naman sa kanya ng batang si Winston.

"Hindi ka na ba nasanay kay Bella, Win? Lagi namang masigla yang tao na yan! Pinaglihi ata sa energy drink yan eh." pabirong sabat naman ng batang si Jiro.

"Che! Kung ayaw nyong makipaglaro sa akin, si ate Akira nalang at si Fortune ang yayayain ko! Hmp! Dyan na nga kayo! Ang papangit nyo!" at umaktong aalis ang batang babae.

"Wait up guys! Iniwan nyo ako sa playground. Alam nyo namang hindi ko nature ang pagtakbo diba?" at sya namang pagdating ng isa pa nilang kaibigan.

Kung titignan, larawan sila ng masayang kabataan. Puro pagsasaya at pagkukulitan.

-Fernando's Residence-

"Mommy! Daddy! We're home, kasama ko na din po si ate Akira. Pati sina Jiro, Winston, Sun at Fortune." masiglang bati ng bunsong anak sa kanyang mga magulang.

"Hello mga bata. Pinagod nanaman ba kayo nitong anak ko?" habang tukoy ang mga kaibigan ng anak.

"Mommy naman eh, natural lang na mapagod sila noh. Atsaka hindi ko sila pinapagod, sila kaya may gusto nyan." depensa ng anak

"Hay nako mommy, yang si Bella ang kulit talaga. Laging pagod 'tong mga kasama namin sa kanya. Diba boys?" at agad namang sumang-ayon ang apat.

"Hahaha. Tara na't kumain na tayo. Nakahanda na ang merienda, at kayong apat dito na kayo kumain. Tatawagan ko nalang ang mga magulang nyo."

"Sige po." sabay sabay nilang tugon.

At sila nga'y dumiretso sa kusina. Kumain at nagkwentuhan.

Pagkatapos nilang magkwentuhan at kumain ay dumiretso ang mga bata sa play room ng mansion. Hindi muna sila nakauwi dahil nagkaroon ng malakas na ulan ng araw din na iyon.

"Bilisin nyo naman umakyat. Kalalaki ninyong mga tao ang bagal nyong kumilos." sigaw ni Bella.

"Be, wag kang tumakbo. Kakatapos lang nating kumain diba? Baka magka-appendicitis ka." sabi naman ng ate nyang si Akira.

"Oo nga Bella. Alam mo namang mahirap magkasakit sa panahon ngayon diba? Mag-ingat ka." sabi naman ni Jiro.

Sinunod naman ng batang babae ang sinabi ng mga kasama. Dahan dahan silang lumakad papunta sa naturang kwarto. Pagpasok nila ay agad silang naglaro. Nagtawanan at ulit ay nagkwentuhan. Nabalot ng halakhakan ang buong kwarto.

"Bella, malapit na nga pala birthday mo ah. Anong balak natin?" mapang-asar na tanong ni Fortune.

"Hahaha. Oo nga Bella, anong tema naman this year? Kasi naman, ang weird ng mga theme ng naging party mo. Last year aliens, last last year super heroes, eh ngayon ano naman?" natatawang tanong ni Winston.

"Hindi ko pa napag-iisipan eh. Namimili nga ko kung Halloween or Witchcraft. Ano ba mas maganda?" saad ni Bella habang makalagay ang kamay sa baba na para bang nag-iisip.

Binigyan naman sya ng mga kasama nya ng nagtatakang tingin. Tila ba sila'y naguguluhan sa gusto ng dalagita.

"Yung totoo Bella? Ano bang pag-iisip meron ka? Ang weird mo talaga." sabi naman ni Fortune.

"Gangster." biglang sabi ng tahimik na si Sun.

"Huh?" sabay sabay nilang tugon.

"Gangster motif. Panindigan mo na ang pagiging weird." emotionless nya pang ulit.

"Oo nga no. Ang galing mo Sun! Lagi talagang may sense mga sinasabi mo. Hindi katulad ng iba jan." parinig ng dalagita sa mga kasama.

Napa-face palm na lamang ang iba.

"Gusto ko magkaroon tayo ng gangster name!" bigla biglang sabi ni Bella sa mga kasama na kanina pa nawiwirduhan sa kanya.

"Bella, are you sure you're gonna make that as your motif?" walang pag-asang tanong ni Jiro.

"Oo naman. Ang ganda nga eh. Ano ba magandang pangalan? Ahmm, maganda siguro kung Super League. Ayos ba?" tanong nito.

"Hay nako. Sige na nga susuportahan ka na namin sa gusto mo. Pero ang panget ng Super League, masyadong OA." sabi ni Winston.

"Oo nga Bel, ano kaya kung State Empire!" sabi naman ni Fortune.

"Ang OA pa din. Parang Empire State of Mine lang? Gangster name hindi name of song." sabi naman ni Akira.

"Empire is okay. Make it the second name of the group. And use Elite as the first word." sabi ni Sun habang basa basa ang Stainless Longganisa ni Bob Ong.

"Empire as the second word, and Elite as the first word. Kung pagsasamahin ang magiging pangalan ay Elite Empire! Wow Sun ang galing mo! Ang ganda ng name ng group natin!" tuwang tuwang sabi ni Bella.

"Oo nga noh! Fre, ang galing mo! Ang talino mo talaga!" -Jiro.

"FRE??" sabay sabay na tanong ng apat.

"Tch-.-" tangi namang nasabi ni Sun.

"Sang planeta mo nakuha yang salita na yan! Ang bading pare! Ang bading talaga!" maktol ni Fortune.

At dahil don ay nagtawanan silang lahat. Nagkwentuhan ulit silang lahat. Pinag-usapan din nila ang magaganap na kaarawan ng kaibigan.

Napagpasyahan na nga talaga nila na maging 'Gangster' ang motif ng birthday party ni Bella. Kahit na tila nawiwirduhan pa rin, ay pinagpatuloy na lamang nila.

Pagkatapos ng ulan ay nakauwi na rin silang lahat sa kanikanilang bahay. Sinundo ng kanilang mga magulang ang mga batang lalaki dahil na rin sa kagustuhan ng mga magulang nina Bella at Akira.

"Hay ate, ang boring nanaman ng bahay. Wala nanaman yung mga kalaro natin." maktol ni Bella.

"Hahaha. Bella hindi ka ba nagsasawa sa mukha nung mga mokong na yun? Nakakairita na kayang araw araw silang makita." biro ng kanyang ate.

"Eh bakit ikaw kay Nathan hindi nagsasawa? Ate, aminin mo nga! Gusto mo si Nate ano? Uy, aminin mo na!" tapos ay kiniliti nya ang kapatid.

"Ano ba Bella... Sige na sasabihin ko na... Teka kasi..." pigil na pagtawa ng ate nya.

"Sabihin mo na bilis." at tuloy pa rin sya sa pagkiliti.

"Oo na! Pano ko naman kase.masasabi ng ayos eh kinikiliti mo ko! Aminin ko na nga, ganun din naman. Matagal ko ng crush si Nathan, kasi naman panong hindi super bait nya tapos super gwapo pa." kinikilig na sabi ng kanyang ate.

"HAHAHAHAHAHAHA!!! Aamin din pala eh, gusto pa yung kinikiliti! HAHAHAHA!!"

"Hoy Bella, walang nakakatawa. Atska wag mong sasabihin yun kahit kanino ha? Atin lang 'yon."

"HAHAHAHAHAHA! Haynako, bahala ka jan! Makaalis na nga, punta na ko sa kwarto ah! Ciao~"

"Oo na!"

I'm The Gangster QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon