~First Sign:"Nenette Mercado!!" Dinig kung tili ni bakla sa kabilang ibayo ng pinto ng aking kwarto.
Maya't-maya pa'y binuksan niya ito.
"Tsk! Sabi ko nga di ka na kailangang gisingin." Aniya at umirap.
"Sino ba naman kasing nag sabi sayo na kailangan pa akong gisingin?" Nakangising tanong ko.
"Oo na. Di ikaw na ang early bird. " Sabi niya at muling umirap. Tinignan ko naman siya mula ulo hanggang paa at mula paa hanggang ulo.
"Ay! Ano babe? Inggit ka nanaman sa beauty ko no?" Nakangising sabi niya sabay flip ng maikli niyang buhok.
"Che! Etchuserang froglet! Pero alam mo kung lalaki ka, ako na mismo manliligaw sa'yo." Sabi ko.
"Yuck! Babe hindi tayo talo pareho tayo ng hanap!" Namumulang sabi niya at saka hinampas ako sa braso.
"Dalian mo na nga lang diyan at aalis na tayo. Baka malate pa tayo eh!" Pahabol niyang sabi at lumabas na nang kwarto ko.
Napa iling nalang ako. Siya si Vicente Bernardo Delekado, kababata ko at siya ang kasama kung naninirahan dito sa apartment.
Ako naman si Nenette Mercado labing walong taong gulang. Ang mama ko ay si Nenita Velen Mercado. At ang papa ko? Hindi ko alam. Wala akong alam. Nagmulat ako ng mata na wala akong papang tinatawag.
3rd year na ako sa kursong ABM. Si Bakla naman ay Fine arts marunong siya pagdating sa arts at di lang yun. Marunong din siyang kumanta, sumayaw at umakting. Daming talent ni bakla di man lang nag share.
Pareho kami ng school na pinapasukan sa Monte Claro University kung saan ang lahat ng nag aaral ay mayayaman katulad ng anak ng Business tycoon at iba pa basta mayaman 'yong tipong hindi na nila alam kung saan nila isusuksok 'yong pera nila.
Pero maliban lang sa katulad namin ni bakla. Scholar kasi kami. Aba baka ang isang set ng uniform diyaan ay isang taon naming budget ni bakla. Mabuti nalang at nakapasa kami sa scholar. Thanks kay lord.
"Babe!" Dinig kung tawag ni bakla sa baba kaya napa irap ako. Tsk! Ilang beses ko nang sinabi na ayoko nang tinatawag akong babe pero talagang makulit ang lahi ni bakla.
Hinablot ko nalang ang bag ko at helmet tapos bumaba na. Wala na si bakla dito sa sala siguro nasa labas na siya.
At tama nga ang hinala ko dahil narinig ko na ang busina ng motor na gamit namin sa pagpasok sa iskwela.
Nakakahiya ngang gumamit ng motor eh puros kasi de-kotse ang mga istudyante duon. Nakakahiya din maki park kaya iniiwan nalang ni bakla ang baby niya sa guard house at least duon safe na safe.
Baka mamaya mapag kamalan pang basura ang baby ni bakla nako magwawala pa siya diyan.
Isinuot ko na ang helmet ko at umangkas na sa likod.
"Hoy bakla! Wag kang nakikipag karerahan ah. Jusko maaga akong mamamatay sa nerbyos eh." Aniya ko.
Napahalakhak naman ang loka. Tsk! Sa Barangay kasi namin nuon ay hilig niyang makipagkarerahan sa mga tambay na lalaki sa amin pagkatapos ay makikipag pustahan. .
Ang mama ko nga pala ay naiwan sa probinsya namin kasama ang lola ko.
Malayo ang iskwelahan mula sa aming tinutuluyan kaya kailangan pa naming bumyahe ng kinse minutos para makapunta roon.
"Bakla daan muna tayo sa coffee shop na pagtatrabahuan ko. " Sabi ko.
"Ha? Hindi kita marinig?!" Pasigaw niyang tanong.
BINABASA MO ANG
10 Signs
Teen FictionNaniniwala ka ba sa mga SIGNS?? Sign para malaman mo kung siya na ba 'yon? Pero paano kong totoo nga ang sign? At ng dahil sa sign na 'yan natuto kang magmahal. At ang sign din ang dahilan kong bakit ka nasaktan....❤