Ninth Sign:

49 4 0
                                    

~Ninth Sign

"Oy babe! Ano 'yong binigay sayo ni Jim kanina? Letter no? Nako siya na talaga ang ka forever mo!" Pang-aasar ni bakla habang nag titimpla ng kape.

Pareho kaming kadarating lang at kapwa di pa nakapagbihis. Alas kwarto na ng umaga natapos ang Valentines night.

Kain at upo lang ang ginawa ko doon. Wala naman kasing nag-ayang sumayaw sa akin. At hindi naman ako marunong sumayaw.

"Tsk! Dalian mo nalang kaya diyan." Asar na sabi ko. Ang sakit ng batok ko dahil sa puyat. Nangingitim din ang ilalim ng mata ko.

"Oh etis na!" Maarteng sabi niya sabay lapag ng kape sa harap ko kaya agad agad akong sumimsim doon.

"Mainit!" Sigaw ko nang malunon ko ang kape.

"Gaga! Saan ka kasi nakakita ng kapeng malamig?" Tanong ni bakla minsan hindi rin gumagana ang utak nito.

"Meron kaya!" Sagot ko.

"Oh di meron! Basahin mo na 'yong letter. Dali!" Atat na sabi ni bakla kaya inirapan ko nalang.

"Ayoko nga!" Nakasimangot na sabi ko.

"Ay damot! Ayaw I-share?" Pang aasar ni bakla kaya napairap ako.

Iniwan ko na doon si bakla sa kusina at nagpunta sa kwarto ko dala dala ang kape ko.

Nagbihis muna ako at naghilamos para matanggal 'yong makating make up na inilagay n'ong baklang nag ayos sa amin. Sabi kong wag nang lagyan eh!

Kinuha ko 'yong bag ko at inilabas 'yong envelope na ibinigay sa akin ni Jim. Binuksan ko 'yon at may papel na nakasilid.

         Happy Valentine's day Nenette Mercado. Nag papasalamat ako kasi nakilala kita. Nagpapasalamat ako kasi naging kaibigan kita. Dahil sayo nalaman ko ang tunay na kahulugan ng salitang kaibigan. Sana napasaya kita dahil dito. Kahit maikli lang to puno naman to ng pagmamahal galing sa isang gwapong katulad ko. Pasensiya na hindi ako marunong pagdating sa mga ganito. Wala din akong maisip na regalo kaya gumawa nalang ako ng sulat. Thank you and happy Valentine's day my..... friend.

Jim Fernandez ;-)

Napangiti naman ako nang mabasa ko ang maikling sulat niya. Muli ko 'yong tiniklop at isinilid sa puting envelope at inipit sa notebook ko.

Nakaramdam ako ng antok kaya nahiga nalang ako.

"May tumatawag! Paki sagot! Paki sagot!"

"May tumatawag! Paki sagot! Paki sagot!"

"May tumatawag! Paki sagot! Paki sagot!"

"May tumatawag! Paki sagot! Paki sagot!"

*booooggsssshhh*

"Ay ano 'yan babe!!?" Gulat na tanong ni bakla.

"Wala nalaglag lang ako sa kama." Inaantok na sagot ko habang hinihimas ang puwetan ko.

"Ay! Kala ko kung ano na." Aniya at lumabas na nang kwarto.

Tumayo na ako at kinuha ako cellphone ko na kanina pa pala nag riring. Alas kwatro na pala ng hapon.

"May tumatawa-----"

"Hello? Jim?" Sagot ko nang mag ring ulit ang cellphone ko.

10 SignsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon