Seventh Sign:

45 4 0
                                    

~Seventh Sign:

"Class bukas na ang Valentines day. At napag meetingan namin kong ano ang magaganap sa araw na 'yon. Of course hindi mawawala ang Valentines night.  May mga booths na itatayo meron ding live band na dadalo dito. At mag peperform din ang banda ng ating school ang---"

"7B's!!" Tili ng mga babaeng kaklase ko.

Ang 7B's daw ay binubuo ng mga most handsome boys dito sa school. At hindi lang daw handsome kundi talented pa, kumbaga perfect package.

Kaya naman baliw na baliw ang mga babae at binabae sa 7B's na 'yon. Ako? Hindi ko pa sila nakikita kaya wala lang.

At saka di uso sa akin ang Valentines. N'on ang kasama ko sa buong Valentines ay si Bakla buong araw kaming nanuod ng K-DRAMAS.

At nailista ko na ang mga papanuorin namin ni bakla.

"Babe, nasabi na ba sa inyo na mag peperform ang---"

"7B's?" Putol ko sa sasabihin niya.

"Yez! Kelan ka pa nagkaroon ng pake sa 7B's?" Kunot noong tanong niya at binigyan ako ng mapanuring tingin.

"Wala kaka-announced lang din sa amin niyan kanina." Walang ganang sabi ko at sumimsim sa iced teang binili ko.

"Ohhhh I see." Tumatango tangong sabi niya.

"Uhmm excuse me. Can I sit here?" Napa angat naman kami ng tingin.

"Y-yes." Nauutal na sagot ni Jim. Nakita ko namang napangisi si bakla kaya napairap ako.

"Hoy babae!" Tawag ni bakla kay Jamella.

"Yes?" Tanong ni Jamella at ngumiti ng pagkatamis tamis.

"Anong pangalan mo? Bakit ka lumalapit sa amin? Bakit mo ako nagustuhan?" Sunod sunod na tanong ni bakla.

"Ahhmmm my name is Jamella. Bakit ako lumalapit sa inyo? Gusto kong makipag kaibigan. And bakit kita nagustuhan? Kasi your handsome eh kaso kasing ganda pala kita." Nakangiting sagot ni Jamella.

Ewan pero nakaramdam ako ng inis. 'Yon bang gusto ko siyang sabunutan sa mga pinagsasabi niya.

"Ay 'yon ba wala 'yon natural lang na ipinanganak tayong maganda! Diba bess?" Baling niya sa akin kaya inirapan ko siya.

Kelan pa naging bess ang tawag niya sa akin.

"Oh saan ka pupunta bess?" Tanong ni bakla. Sige panindigan mo 'yan.

"Sa cr." Maikling sagot ko at umalis na. Tss asar!

Sari saring booth ang itinatayo nila sa field. May mga istudyante ring nag dedecorates sa mga puno.

Puno ng red hearts ang paligid. Kung di man red hearts mga red balloon at red rose. Naglagay din sila ng malaking freedom wall sa gitna ng field.

Dami nilang pakulo huh.

Pagkarating ko sa CR ay nakarinig ako ng mahinang paghikbi. Galing yata sa pinakadulong cubicle kaya pumunta ako duon at dahan dahan kong pinipihit ang seradura ng pinto.

"Ahmm M-miss, okay ka lang?" Tanong ko. Tumingin naman siya sa akin.

"Sa tingin mo?" Humihikbing tanong niya kaya ngumiwi nalang ako. Oo nga naman bakit pa ako nagtanong.

"A-ano bang nangyari?" Muli kong tanong.

"Ma-may dugo eh." Sagot niya at lalo pang lumakas ang pag iyak niya kaya nataranta ako.

"Du-dugo saan?" Taranta kong tanong. Tumayo naman siya at tumalikod kaya nakita ko 'yong dugong sinasabi niya.

"Hindi mo ba alam ang bagay na 'yan?" Tanong ko na ikinailing niya.

10 SignsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon