Tenth Sign:

68 6 0
                                    

~Tenth Sign:

Isang lingo na ang nakalipas noong nakalabas ako sa hospital. Balik normal na ang lahat, maliban nalang kay Bakla.

Parang laging malalim ang iniisip niya tapos minsan lang niya kami kausapin gamit 'yong panlalaki niyang boses.

Akala nga ni Jamella naging lalaki na si Bakla. Hindi kami sanay na ganon si Bakla lalo na itong si Jamella kaya ginawa niya lahat ng paraan para maibalik 'yong dating baklang kilala namin pero bigo siya.

Hindi na rin pala nagbibigay ng mga signs si bakla.

"Haaaaaayyyy..... Hindi ko na alam ang gagawin ko!!! Namimiss ko na si Vin! 'Yong dating Vin!" Maktol ni Jamella.

Napatingin naman ako kay Bakla. Nakayuko lang siyang kumakain.

"Viiiiin! Bumalik ka na!!" Sigaw niyang muli. At napangalumbaba.

"Kumain ka nalang diyan." Sabat naman ni Jim at isinubo kay Jamella 'yong isang hita ng manok.

"Yah! Bwishit kwa!" Bulol bulol na sabi ni Jamella at muntik pang masamid.

"Hindi ka ba tinuruan ng mga magulang mong wag magsasalita pag may laman ang bunganga." Pang aasar ni Jim.

"Aiiisshhhh! Crazy bastard!" Inis na bulong ni Jamella.

"Vin! Come back please! Ikaw lang 'yong matinong kausap!" Ngawa niya. Tumikhim naman ako kaya napunta sa akin 'yong atensyon nila.

"At si Net! Pero mas gusto kitang kausap!" Pagpapatuloy niya.

"Mauuna na ako." Paalam ni Bakla kaya napalabi si Jamella.

"Tignan mo?! Tignan mo 'yan?! Hindi na niya tayo mahal!!" Nagsimula nanamang ngumawa si Jamella kaya napabuntong hininga nalang ako.

"Mauuna na rin ako. Ikaw Jim? Hindi ka ba sasabay?" Tanong ko, magkaklase kasi kami sa fourth subject.

"Hindi mauna ka na." Nakangiting sabi niya kaya tumango nalang ako at umalis na.

Busy ang lahat ngayon para sa finals. Ilang lingo o araw nalang gagraduate na ako.

Naramdaman kong nag vibrate ang cellphone ko kaya kinuha ko ito. Si mama 'yong tumatawag.

"Hello ma? Kamusta na?" Sagot ko.

[Ayos naman kami dito anak. Ikaw? Kamusta ka diyan?] Tanong ni mama kaya napangiti ako. Nami-miss ko na talaga sila doon.

"Okay lang po ma! Malapit na ang graduation." Aniya ko.

[Nabalitaan ko nga.] Sagot niya na ikinataka ko.

"Kanino po?" Takang tanong ko.

[Kay Vicente tumawag siya dito eh may mahalaga siyang sinabi. Alam mo na ba?] Tanong ni mama na lalo kong ikinataka.

"Mahalagang sinabi? Bakit wala po siyang sinasabi sa akin?" Kunot noong tanong ko.

[Ay hindi ko alam anak siya ang tanungin mo.] Seryosong sabi ni mama kaya kinabahan ako.

Sabi ko na nga ba parang may mali eh. Aiiish ito ang ayaw ko kay bakla kapag may problema siya sinasarili niya.

"Sige po kakausapin ko siya. Babye ma miss you!" Malambing na sabi ko at ibinaba na ang tawag.

Naka de kwatro ako habang nag aantay sa sala sa apartment. Sinadya kong hindi pumasok sa trabaho para makausap si bakla pero hanggang ngayon wala parin siya.

Hindi ko siya matawagan dahil nakapatay ang cellphone niya.

Napalingon ako sa may pinto dahil bumukas ito at iniluwa nito si bakla.

10 SignsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon