Eighth Sign:

54 4 0
                                    


~Eighth Sign:

"Maaga pa, libot libot muna tayo." Aya ni Jamella.

"Sige punta tayo sa mga booth." Sang ayon naman ni bakla.

Walang kapaguran ang mga 'to kanina pa kaya kami palibot libot.

"Sa food court muna tayo pwedi? Gutom na ako." Suhestiyon ko.

"Ay sige sige! May Videoke doon eh." Sang ayon naman ni Jamella sabay hila sa amin papuntang food court. Mabuti naman. Gutom na ako kanina pa.

"Psyche!" Tawag ko nang makita ko si Psyche na nag iisang naglalakad habang bigat na bigat sa dala dala niyang mga damit.

"Tulungan ka na namin." Nakangiting sabi ko. Sinenyasan ko naman 'yong mga kasama ko na tulungan si Psyche.

"Salamat po." Aniya at pinunasan ang kaniyang pawis sa noo.

"Kanino ba ang mga ito baby girl?" Tanong ni bakla.

"Sa 7B's po." Nakabusangot na sagot ni Psyche. Si bakla naman halos mahimatay na sa gulat.

"What?!" Hysterical na sigaw ni bakla.

"Omg! Nasan ang kay baby Caleb dito?" Tanong ni Jamella at inilahad ang dalawang pares ng damit na hawak niya.

"Ayan pong nasa kaliwa niyo." Sagot ni Psyche. May nga nakasulat naman palang pangalan.

"Omo this is heaven!!" Ngiting ngiting sabi ni bakla sabay singhot sa hawak niyang damit. May nakasulat doong Cupid. Seriously? Cupid?

"Ugh! Cupid baby alabyo!" Malanding sabi ni bakla kaya binatukan ko. Hindi na nahiya.

"Bakit ikaw ang nagdala nang mga to?" Tanong ko.

"Bwisit po kasi si Cupid eh! Ginawa niya akong slave!" Nakasimangot na sagot ni Psyche.

"Slave?!" Sabay sabay na tanong naming apat.

"Omegerd ang swerte mo girl! Gusto mo ako pumalit sa pwesto mo?!" Sabat na bakla kaya tinuktukan ko ang ulo.

"Pwedi bang sumama sa'yo? Pweding dalawa tayong slave?" Ngiting ngiting tanong ni Jamella.

"Hindi ko po alam." Nakalabing sagot ni Psyche.

"Ano ba kayo mangangarap na nga lang kayo mababa pa." Sabat ni Jim na ikinatango ko. Nga naman may point siya.

"Anong mababa doon?!" Kontra n'ong dalawa----si Jamella at Bakla.

"Ang makasama ang mga 7B's ay heaven." Nangangarap na sabi ni bakla.

"Makita ko lang ang 7B's pwedi na akong mamatay." Exaggerated na sabi naman ni Jamella.

"Ang OA niyo po. Nako kong ako sa inyo babawiin ko 'yang mga sinabi ko." Wika ni Psyche kaya nagtaka ang dalawa.

"Bakit naman?!" Sabay nilang tanong.

"Gwapo nga sila, mayaman, talented pero masama naman ang ugali." Nakasimangot na sabi ni Psyche at tila inis na inis.

"Wag mo nga silang siraan!!" Sabay na sigaw n'ong dalawa kaya napa atras si Psyche sa gulat.

"Hindi ko sila sinisiraan ahh. At saka kapareho niyo naman silang tao. May ilong, may mata, may tenga, may kilay, may buhok, may kamay, may paa, may puwet tumatae din. Anong pinagkaiba niyo sakanila?" Takang tanong ni Psyche.

Umaarangkada nanaman ang kadaldalan niya.

"Diyos sila! Ano bang pangalan mong bata ka? Bakit ba ang daldal mo?" Tanong ni bakla.

10 SignsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon