Third Sign:

66 4 0
                                    

~Third Sign:

"Kumain ka muna bago ka matulog." Sabi niya. Seryoso parin ang boses niya kaya kahit kunting kunti nalang ay pipikit na ang mata ko, tumango nalang ako at dumiretso sa kusina.

May nakahain na doong pagkain. Inorder niya ata. Pagkatapos kung kumain ay itinapon ko na sa basurahan ang pinag kainan ko. Disposable naman.

Pinatay ko na ang ilaw sa kusina at sala at saka ako umakyat. Patay na ang ilaw sa kwarto ni bakla kaya baka tulog na 'yon.

Pagkarating ko sa kwarto ko ay agad akong humiga at agad din naman akong nakatulog.

Nagising ako dahil sa ingay na naririnig ko sa baba. Sinindi ko ang ilaw at tinignan ang orasan. Alas kwatro y medya na.

Agad kung inayos ang pinaghigaan ko at nagpunta sa banyo para maligo. Pagkatapos kong maligo nagbihis na ako at bumaba.

Pagkarating ko sa baba ay nakahain na ang umagahan.

"Good morning!" Masiglang bati ko. Sana naman wala na 'yong serious mode niya.

"Good morning! Kain na!" Nakangiting sabi niya sabay upo at nagsimula na siyang kumain kaya kumain narin ako.

Mabuti nalang wala na 'yong serious mode niya. Hindi kasi ako sanay.

Pagkatapos naming kumain ay agad din kaming umalis. Ano nanaman kayang mangyayari ngayong araw?

Pagkarating namin sa iskwelahan ay agad na dinala ni Bakla ang motor sa guard house.

"Babe! May naisip nanaman akong sign!" Tili niya habang naglalakad kami.

"Nanaman?!" Walang ganang sabi ko sabay hinga ng malalim. Nakaka imbyerna tong si bakla. Kakaiba ang utak ang bilis mag isip.

Akala ko pa naman nakalimutan na niya yung pesteng sign na 'yan. Nagkakaproblema ako nang dahil diyan eh.

"Kung sino yung lalaking madadapa sa harapan mo, siya ang true love mo. O diba kabog!" Maarteng sabi niya sabay flip ng hair niya. Malandi talaga.

Napa iling nalang ako at nagpatuloy nalang sa paglalakad.

"Bye Babe! Kita nalang tayo mamaya susunduhin nalang kita dito, Wag kang aalis hanggat wala ako hah!" Bilin nito.

"Oo na chupi ka na!" Pagtataboy ko sakaniya. Inirapan lang ako nang gaga at saka na siya rumampa paalis. Landi talaga.

Pumasok na ako sa loob at nadatnan kung may sari sariling mundo ang mga kaklase ko. Hindi kami magkakalse ni bakla sa first subject and so on. Sa second subject lang kami pinag bigyan.

At dahil loner ako, walang kumakausap sa akin eh. Ewan ko ba wala namang mali sa akin. Bahala sila.

Nagpasak nalang ako ng headset sa tenga para hindi marinig ang mala palengkeng ingay nila. Kaso waepek dinig na dinig ko parin. Hindi ko nga maintindihan 'yong kanta eh kahit naka todo na ang volume.

Ipinikit ko nalang ang mata ko para makapagpahinga sandali.

"Ms. Mercado!!"

Bakit parang may tumatawag sa akin? Ay hayaan na nga tsk! Kita nilang nagpapahinga 'yong tao eh.

"Ms. MERCADO!!" Halos mahulog naman ako sa kinauupuan ko nang marinig ang nakabibinging ingay na 'yon.

Shete lang nakakahiya nasa harap ko na pala ang teacher namin and worst head teacher pa siya tapos lahat ng kaklase ko pinagtatawanan na ako.

Nakatulog na pala ako. Shemay shomay! Lagot na ako dito.

"S-soryy m-ma'am." nakayukong paghingi ko ng tawad. Nakakahiya talaga gusto kung gilitan yung sarili kung leeg dahil sa kahihiyan. Uuurrgghhh! Gaga ka talagang Nenette ka! Sarap mong itapon sa ilog at ipakain sa shark!

10 SignsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon