~Fourth Sign:
"Grabe Babe! Kinikilig talaga ako! May gas magkaka love life ka na inunahan mo pa ako!" Tili ni bakla sabay hampas sa akin.
Inirapan ko lang si bakla at inilapag na ang bag ko. Iniwan ko siya sa sala dahil kukunin ko muna ang gamit ko para makapasok na sa aking trabaho.
Pagkababa ko ay nandoon parin siya at tumutili. Malanding baliw na bakla.
"Hoy! Alis na ako!" Pasigaw na paalam ko. Lalabas na sana ako pero may humila ng kuwelyo sa likod ng damit ko kaya hindi ako nakalabas.
"Wag ka nang pumasok! Gabi na oh. Late na late ka na ano pang maabutan mo?" Mataray na tanong nito habang nakataas ang isa nitong kilay.
Napa isip naman ako. Oo nga no tsk! Perwisyo naman kasi 'yong punishment na 'yan. Hindi tuloy ako nakapasok sa trabaho. Arrgghhh!
Bumalik nalang ako sa loob at pasalampak na naupo sa sofa.
"Wait lang babe, tatawag lang ako sa Jollibee para makakain na tayo. Tamad na ako magluto!" Aniya at tumayo.
"Huh?! Hindi ka papasok sa trabaho mo?" Tanong ko. Nagtataka naman siyang tumingin sa akin.
"Gaga! Weekends ang schedule ko." Mataray niyang sabi sa akin at tuluyan nang rumampa papuntang kusina. Malanding bakla talaga.
Hayyyst sayang naman wala akong kakulitan kapag weekends. Sa weekends kasi ang pahinga ko tapos siya may trabaho.
Nang makarating ang inorder niya ay agad na kaming kumain habang nanunuod ng k-dramas sa sala.
Halos mabasag ang ear drums ko dahil sa katitili niya. Puro siya gwapo, gwapo! Malandi talaga.
Nang matapos kaming manuod ay nagkaniya kaniya na kaming punta sa kwarto namin. Halos hindi na marinig ang boses ni bakla dahil namamaos siya. Buti nga sakaniya makatili kasi wagas.
❤
"BABE!!"
"Ano ba!" Inis na reklamo ko sabay bato ng unan sa kung sino mang umiistorbo sa tulog ko.
"LATE NA TAYO ANO BA GUMISING KA NANG BABAITA KA!!"
"Tsk! Ayoko inaantok pa ako!" Inis na sabi ko sabay tago sa ilalim ng kumot ko.
"AY BAHALA KA IIWAN NA KITA DITO ALAS DYES NA."
Bigla naman akong napabangon ng wala sa oras.
"ANO?! ALAS DYES NA?! Bakit hindi mo ako ginising kanina!?" Gulat na sabi ko.
"Kanina pa kaya kita ginigising. Kaya dalian mo na diyan." Aniya sabay labas na ng kwarto.
Nagmadali naman akong kumilos. My ghod! First time kung malate. Si Bakla kasi nag aya pang manuod ayan tuloy! Nakakainis.
Hindi na ako naligo. Nag wisik wisik nalang ako. Mabango pa naman ako kaya okay lang.
❤
Iba ang aura ngayon dito, mukhang may mangyayaring maganda ngayong araw.
Ipinagdarasal kong nakalimutan na ni bakla ang tungkol sa sign chuchurva niya dahil mababaliw na ako sa kaiisip kong totoo nga ba 'yon o hindi.
"Announcement: students please proceed to gymnasium!"
Napatili naman si bakla nang marinig naming tumunog ng napakalakas ang speaker.
"Kaloka! Ang lakas ng volume feeling ko nabasag na ang precious eardrum ko." Maarteng sabi ni bakla habang himas himas niya ang kaniyang tenga.
BINABASA MO ANG
10 Signs
Teen FictionNaniniwala ka ba sa mga SIGNS?? Sign para malaman mo kung siya na ba 'yon? Pero paano kong totoo nga ang sign? At ng dahil sa sign na 'yan natuto kang magmahal. At ang sign din ang dahilan kong bakit ka nasaktan....❤