~Second Sign:
"O my ghod babe! Magkaka love life ka na!" Malanding tili ni bakla na may kasama pang palo sa braso ko. Kanina pa to hah!
Hindi kasi siya maka move on hanggang ngayon.
" Tsk! Tumigil ka nga. Ano bang second subject mo?" Tanong ko na ikinasimangot niya.
"Tsk! History!" Inis niyang sabi at nagpapadyak sa lupa. Ayaw na ayaw niya daw kasi sa subject na history.
Boring daw kaya lagi siyang natutulog at lagi din siyang pinapagalitan at sinisita ng teacher.
"Pareho tayo bakla! Saan ang room mo?" Tanong ko. Binuksan niya naman ang bag niya at kinuha ang itim na binder.
"Sa H.R5" walang ganang sabi niya at saka nangalumbaba pagkatapos ibalik ang binder niya sakaniyang bag.
"Pareho pala tayo. Magkaklase tayo!" Tuwang tuwang sabi ko.
"Weh talaga?" Nagdududang tanong niya. Tumango lang ako.
"Sabi mo eh, dalian mo tara na kunin na natin yung libro natin." Sabi niya sabay tayo at lakad.
Pupunta na kami sa locker room para kumuha ng panibagong gamit para sa susunod na subject at iwanan iyong mga hindi na kailangan o nagamit na. Ganiyan naman eh.
Eh nagkataon namang pareho kami ng second subject. Buti nalang. Hindi ako ma oop. Kanina kasi parang hangin lang ako sa room.
Dinadaan danan. Parang hindi ako nag eexist. Ni wala man lang nakapansin noong muntik na akong mapatid.
Ano bang mali sa akin? Hindi naman ako mabaho, wala naman sigurong mali sa akin diba?
Katamtaman lang ang height ko. Slim body. Morena. Silky, smooth and straight hair. Katamtamang tangos ng ilong. Bilugang mga mata. Makinis din naman ang balat ko dahil ginagawa kung mansanas ang kamatis.
Medyo maputi naman ang ngipin ko dahil araw araw akong nagsisipilyo. Hindi naman ako mabaho dahil amoy downy ang damit ko.
Ay bahala sila diyan kung ayaw nila sa akin, ayaw ko din sa kanila. Hmp.
Ang problema kasi talaga sa akin hindi ako sociable person. Kung hindi mo ako kaausapin hindi din kita kakausapin. Hindi ako marunong mag start ng usapan.
Kapag hindi ko kilala ang kausap ko, maikli akong sumagot. At kung di ko trip mag salita hindi talaga ako magsaslita.
Hindi rin ako madalas ngumiti baka kasi mapagkamalan nila akong baliw. Ayoko nang ako 'yong unang makikipag usap o lalapit baka masabihan pa akong FC.
Pagkarating namin sa locker room ay agad kung hinanap ang locker ko. Ganon din naman ang ginawa ni bakla.
May napansin akong nag iisang locker sa gilid kulay violet. Kanino kayang locker yan? Mukhang pang social. Gold kasi yung mga metal na ginamit katulad nalang n'ong kandado.
Meron ding kulay black na locker sa kabilang gilid at puno 'yon ng vandal katulad ng mangkukulam, witch, halimaw, freak, demonyo at iba pa. Kawawa naman 'yong may ari. Kulay gray kasi ang kulay ng locker eh. Naiiba lang talaga yung dalawa.
"Hali ka na babe, bago pa tayo malate." Aya ni bakla sabay hatak sa akin kaya nagpahatak nalang ako. Wala na akong dahilan para magreklamo.
Napatingin ako kay bakla. Guwapo talaga siya eh kaso lang bading. Matangkad hanggang balikat niya nga lang ako eh. Hindi maskulado, hindi din masyadong payat ang kaniyang pangangatawan. Moreno, matangos ang ilong almond shape eyes. Mahaba ang pilik mata kainggit nga eh. Medyo brown yung kulay ng mata niya sarap dukutin. May kahabaan yung buhok niya na bumagay pa lalo sakaniya.
BINABASA MO ANG
10 Signs
Teen FictionNaniniwala ka ba sa mga SIGNS?? Sign para malaman mo kung siya na ba 'yon? Pero paano kong totoo nga ang sign? At ng dahil sa sign na 'yan natuto kang magmahal. At ang sign din ang dahilan kong bakit ka nasaktan....❤