~Fifth Sign
Ang buong weekends ko ay sobrang boring nasa work si bakla samantalang ako nakatunganga lang sa apartment......MAG ISA.
Buti nalang at lunes na ngayon. Pweding hindi na ako pumasok dahil sport fest naman ang buong lingo, pero ano naman ang gagawin ko dito sa apartment? Mamatay lang ako sa boredom kaya papasok nalang ako.
"Babe!! Matagal ka pa diyan?! Dalian mo naman malilate na ako sa practice para sa chess! Wag ka nang magpaganda dahil hindi mo matatablahan ang beauty ko!!" Sigaw niya sa kabilang ibayo ng aking pinto.
Sinipat ko ang aking sarili sa salamin.
"Babe!" Muli niyang sigaw kaya napairap ako.
Padabog kong binuksan ang pinto kaya halos mawindang si bakla.
"Oh? Bakit ganiyan ka makatingin?" Masungit kong tanong at tinaasan siya ng kilay.
"Gaga kang talaga! Ang tagal tagal mo sa kwarto mo pero naka pang PE kalang pala?! Akala ko pa naman mag gagown ka na!!" Hystirikal na sabi niya at inirapan ako.
"Tss dami mo pang sinasabi tara na!" Aya ko at hinila na siya.
Pagkarating namin sa school ay kani-kaniyang ginagawa ang mga istudyante. Lahat sila ay busy sa pagpapraktis.
'Yong mga kagaya ko naman na hindi hilig ang sports naka upo lang at nanunuod.
"Bakit hindi ka nalang sumali sa cheering squad hah babe?" Biglang tanong ni Bakla.
"Duh! Alam mo namang parehong kaliwa ang paa ko eh. " Inis na sabi ko at hinampas siya sa braso.
"Punta ka na sa practice mo! Tignan mo nalang ako sa may cafeteria." Ani ko.
"Sige sige!" Paalam niya at rumampa na habang kumakaway. Tsss baliw talaga.
"Ahhm excuse me." Napa tigil ako sa pagkain at nag angat ng tingin.
"Ahh, pweding maki table?" Tanong niya. Tumango nalang ako.
Madami namang bakanteng table. Pero siguro hindi siya sanay na mag isang kumakain.
Maganda siya hindi mo 'yon maitatanggi. Maputi, makinis, katamtaman ang pangangatawan, mapula ang labi, at medyo singkit ang mga mata. Blond din ang naka pony tail niyang buhok.
Para siyang isang model sa magazine.
"Ahh excuse me? May dumi ba ako sa mukha?" Tanong niya at kinapa kapa ang kaniyang mukha. Napaiwas ako ng tingin.
"W-wala naman." Sabi ko at kumain na.
"Ahh siguro nakita mo ako bago ka mahimatay." Nakayukong sabi niya. Napakunot naman ako ng noo.
"Soryy pala huh. Ako kasi 'yong nag spike ng bola. Napalakas yata kaya hindi nila nasalo natamaan ka tuloy." Nahihiyang sabi niya.
Ahh siya pala.
"Okay lang, hindi mo naman sinasadya." Nakangiting sabi ko.
"Sorry ulit, hindi ako agad nakalapit sa'yo n'on. Nahihiya kasi ako doon sa kasama mo." Namumulang sabi niya kaya halos masamid ako.
"An-anong pangalan niya?" Nakangiting tanong niya habang namumula ang kaniyang pisnge.
Woah! Hahaha! Shocks! May nagkagusto yata sa baklang 'yon.
"Vicente Bernardo Delekado." Nakangiting sabi ko.
"What? Seryoso ka?" Hindi makapaniwalang tanong niya. Tumango lang ako.
"Ahh sorry. My name is Jamella Heteroza. And you are?" Tanong niya.
"Nenette Mercado." Nakangiting sabi ko at inabot ang kamay niya.
BINABASA MO ANG
10 Signs
Teen FictionNaniniwala ka ba sa mga SIGNS?? Sign para malaman mo kung siya na ba 'yon? Pero paano kong totoo nga ang sign? At ng dahil sa sign na 'yan natuto kang magmahal. At ang sign din ang dahilan kong bakit ka nasaktan....❤