Sixth Sign:

50 3 0
                                    

~Sixth Sign:

"Bakla!" Tawag ko kay bakla, kasalukuyan siyang naghahanda ng aming agahan.

"Bakit?" Tanong niya habang nakataas ang isa niyang kilay. Taray!

"Susunduin daw tayo ni Jim." Sagot ko. Napatakip naman si bakla sakaniyang bibig. Daming arte.

"Tologo?! Ohhhoooyyy I smell something." Malanding hirit niya kaya napairap ako.

"Bakla may tanong ako." Sabi ko.

"Itatanong mo ba kong paano akitin si Jim baby?" Tanong niya kaya dali dali akong lumapit sakaniya at binigyan ko siya ng batok.

"Sabi mo you smell something diba?" Tanong ko na ikinatango niya.

"Saan ba malapit ang ilong?" Tanong ko.

"Sa bunganga!" Confident niyang sagot.

"Oh di 'yan ang na aamoy mo." Nakangising sabi ko.

"Sama!" Inis niyang sabi at inirapan ako.

Naupo na ako at nagsimula nang kumain.

Maya't-maya pa'y nakarinig kami ng busina.

"Ayan na ang the one moooo...." Pakantang sabi ni bakla at tumayo para pagbuksan ng pinto si Jim.

"Ang aga mo naman Jim baby. Kumakain palang kami ni babe." Rinig kong sabi ni bakla.

"Mas okay na 'yon kesa late." Sagot naman ni Jim.

"Oo nga naman. Tara nandoon si babe sa kusina kumakain." Aya ni bakla inayos ko naman ang pagkakaupo ko nakataas kasi 'yong isa kong paa.

"Good morning Net!" Nakangiting bati ni Jim. May saklay parin siya at cast sa paa.

"Same. Hindi ka pala magaling tapos nag drive ka na baka lalo pang lumala 'yan." Sabi ko. Lumapit naman sa akin si bakla.

"Oooyyy concern si babe." Pang aasar niya kaya binatukan ko.

"Ahh hindi okay naman na ako." Sagot niya. Tumango nalang ako at nagpatuloy sa pagkain.

" Kain ka Jim?" Alok ni bakla.

"Hindi kape nalang." Nakangiting sabi niya. Tumayo naman si bakla at nagpunta sa kusina kaya naiwan kaming dalawa ni Jim.

"Talaga bang naka all pink ka lagi?" Tanong ko.

" Ahh, simula pa kasi nong bata ako favorite color ko na ang pink. At hindi naman masama na mag all pink diba?" Tanong niya kaya nagkibit balikat nalang ako.

"Hindi naman, pero dapat wag naman araw araw at terno terno ka pa masakit sa mata." Diretsahang sabi ko.

"Pangit ba talagang tignan?" Tanong niya.

"Medyo, nagmumukha kang obsess sa kulay pink." Natatawang sabi ko.

"Oy, oy ano 'yan I smell something talaga eh." Biglang sabat ni bakla kaya napairap nalang ako.

"Bunganga mo nga sabi 'yang na aamoy mo." Sabi ko na ikinatawa ni Jim.

"Tsk! Ang sama mo sa akin. Di mo na ako love kasi may Jim ka na." Nakabusangot na sabi niya kaya inirapan ko. Kong ano anong pinag sasabi ang aga aga eh.

Pagkarating namin sa school ay agad kaming naghiwa-hiwalay at nagpunta sa kani-kaniya naming klase.

"Hi Nenette Mercado!" Bati ni....... ano nga bang pangalan niya? Ah si Jamella.

Kaklase ko pala siya sa first subject. Ngayon ko lang alam. Ano nanaman kayang kailangan nito?

10 SignsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon