Chapter One

4K 88 12
                                    

SINADYA TALAGA ni Jenise na dayuhin sa Vigan, Ilocos Sur ang kasal ng ex-boyfriend niya. Hindi naman siya inimbita nito pero dahil naghahanap siya ng maayos na closure para sa relasyon nila ng kumag na ‘yon na hindi man lamang nagawang makipag-break sa kanya ng maayos, tiniis niya ang pananakit ng balakang niya sa bus dahil mahigit sampung oras silang bumiyahe.

Mabuti na lang at hindi siya namatay sa inip at kamiserablehan dahil kasama niya ang kanyang best friend. Napakiusapan niya ito na damayan siya sa kanyang pakikibaka dahil ilang linggo na siyang lungkot na lungkot sa buhay dahil sa sinapit ng ‘almost perfect’ nilang relasyon ng walanghiyang ex niya. Well, as far as she knew, it was perfect until she found out that Ramses, her ex-boyriend, had been cheating on her for the last days of their relationship. Drama queen ang peg niya pagkatapos niyang malamang nakabuntis ito at pinili nitong pakasalan ang babae. Nakipaghiwalay ito sa kanya sa telepono habang nasa kalagitnaan siya ng isang meeting. Gaano kalupit ‘yon?

Isa nga sa mga dahilan kung bakit siya pupunta sa kasal nito ay dahil gusto na niyang matahimik. Sa kanyang palagay,  kapag nakita na niya ng personal si Ramses sa piling ng mapapangasawa nito ay buong puso na niyang matatanggap ang katotohanang wala na ang lalaking limang taon niyang inalagaan. The memory of their five-year relationship was all she had now. Ayaw man niyang isuko ang pagmamahal na iyon, hindi naman din niya magawang lumaban pa dahil may magiging anak na ito at ang babaeng ipinalit nito sa kanya. She almost hated herself for being so understanding and considerate. Ultimo sariling kaligayahan niya ay handa niyang i-give up para sa magiging anak nito.

Hindi na naman niya napigilang maluha. “Lintek namang luha ito, Gab. Ayaw akong tigilan!” reklamo niya habang kinukuskos ang mga mata.

Sa tabi naman niya ay ngingiti-ngiti lang si Gab. Laking pasasalamat talaga niya at nahatak niya itong magpunta sa Ilocos Sur para samahan siya sa kanyang pakikibaka sa pagsuko. Kahit na katakut-takot na sermon ang inabot niya rito, masaya pa rin siya dahil sinamahan siya ng kaibigan. “Kaya mo ‘yan,” ikling tugon nito. Inayos pa nito ang bullcap na suot niya. “Para hindi ka makilala no’ng gagong ex mo.”

Alam ni Jenise na galit ang best friend niya kay Ramses. Pero nang makita siya nitong lugmok sa kamiserablehan, kahit napipilitan ay sumama ito sa kanya. “Thank you, Gabriel. I don’t know what I would do without you.”

“Tayong dalawa na nga lang ang laging nagdadamayan. Syempre ‘di kita iiwanan. Tatawanan pa kita kapag lumobo ang sipon mo kakaiyak sa kasal no’ng gagong ‘yon,” sagot nito.

Natawa siya at kahit paano ay gumaan ang pakiramdam niya. Tama naman ang lalaki. Silang dalawa na lang ang laging nagdadamayan sa problema nila sa buhay. Dahil nag-iisang anak lang siya, si Gab ang naging takbuhan niya mula noon. At dahil may problema sa pamilya si Gab, siya naman ang palagi nitong kakampi.

“Thank you pa rin,” wika niya.
Inakbayan lamang siya nito at saka kinurot ang ilong niya. “Pagtapos natin sa drama mo, ibibili kita ng ice cream. Maraming marami!”

Muli siyang natawa. Kahit kailan talaga, parang bata pa rin siya kung ituring ni Gabriel.

Maituturing kasing by default ay mag-best friend na sila dahil magkaibigan din ang kanilang mga magulang. Mas matanda ng dalawang taon si Gab pero magkaklase sila noong daycare dahil sinadya raw ng mga magulang nito na hintayin ang panganay na anak ng parents niya. Kahit kasabay din nilang nag-aral si Geronimo, ang mas batang kapatid na lalaki ni Gabriel, ay silang dalawa talaga ang naging close sa isa’t isa. Sila ang laging magkapareha sa mga money contest sa eskuwelahan. Sa buong subdivision nila, tuwing may ikinakasal, kapag ring bearer si Gab ay awtomatikong flower girl siya. Nang mag-JS Prom sila ay si Gab pa rin ang partner niya kahit na magkaiba sila ng pinasukang paaralan. Tinutukso na nga silang kambal-tuko dahil kung nasaan ang isa, naroon ang isa. It was just the way it is. At laking pasasalamat niya dahil hanggang ngayon na beinte otso na siya at treinta na si Gab ay todo pa rin ang pagkakaibigan nila. And she would admit that life was easy with him on her side. Ang sarap talagang magkaroon ng best friend.

Best Love [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon