Chapter Three

2.1K 56 1
                                    

NASA ROOFTOP ng building si Jenise upang magpahangin. Lunes na at obligado na siyang pumasok sa opisina kahit gaano pa man siya kapagod sa biyahe nila ni Gabriel mula sa Ilocos Sur. Isa siyang training consultant sa recruitment agency na pag-aari ng isa rin sa mga kaibigan nila ni Gabriel.

Nang nagdaang gabi ay inihatid siya ng binata hanggang sa kanyang silid. Dahil naiilang pa siya kay Gabriel bilang bagong boyfriend niya, flying kiss lang ang iginawad niya sa huli nang manghingi ito ng ‘good night kiss’ mula sa kanya. Hindi naman na nagtanong ang kanyang mga magulang dahil gawain naman ni Gabriel ang ihatid siya sa bahay. But it was the first time last night that he tucked her to bed. Naiilang siya dahil kung noon ay out of friendship kaya iyon ginagawa ni Gab sa kanya, para sa kanya, ngayon ay mayroon na itong halong malisya. Pero nakakataka dahil sa kabila ng ilang na nararamdaman niya ay magaan ang kanyang pakiramdam sa set up nila ni Gabriel. Hindi siya nagsisisi na pumayag siya sa offer nito.

The moment she was left alone in her room, she started crying again. Kaya nga hindi na siya nagtaka kung kinabukasan ay singkit at maga na naman ang mga mata niya pagpasok niya sa opisina. Her boss and colleagues at work didn’t ask her why because everybody in the office knew what happened. Sikat ang love story nila ni Ramses dahil kaibigan ito ng boss niya at palagi itong dumadalaw doon noong sila pa. Nakikisimpatya ang lahat dahil sa sinapit ng relasyon nila. Ang hindi alam ng mga ito, may bagong boyfriend na siya. But she would keep that to herself for the meantime. Ayaw naman niyang isipin ng mga kaibigan niya na ginagawa lang niyang panakip-butas ang boyfriend niya. Much more, she didn’t want them to freak out when they find out that her new boyfriend was Gabriel. Alam ng lahat na solid silang mag-best friend lamang―nothing more and nothing less.

Pinuno niya ng hangin ang dibdib bago marahas ding pinakawalan iyon. Tanggap naman na niya talaga na wala na si Ramses sa buhay niya pero hindi naman siguro masamang iyakan pa rin ang taong iyon hanggang sa mga oras na iyon. She would be fine, eventually.

Nagsisimula na namang mamuo ang luha sa mga mata niya nang tumunog ang cellphone niya. Tunog iyon ng mga Minions sa palabas na Despicable Me kaya’t alam niyang si Gabriel ang tumatawag. Iyon kasi ang in-assign niyang ringtone para sa lalaki.

“Hey, darling,” malamyos ang tinig na bati nito sa kabilang linya.

Napasinghot naman siya kaagad pagkarinig sa boses nito at tuluyan nang naiyak. “G-Gab, ikaw pala. B-Bakit ka napatawag?” aniya sa pagitan ng pag-iyak at pagsinghot.

“Shhh. Umiiyak ka na naman,” nag-aalalang tanong nito.

“Y-yeah. I will be okay, Gab. Medyo malungkot lang ako. Pero ‘wag kang mag-alala. Normal lang naman ito ‘di ba?”

Pumalatak ito. “Normal nga ‘yan. Pero ayoko pa rin na umiiyak kang mag-isa. Teka, magpapaalam lang ako sa secretary ko para ma-cancel ang staff meeting namin mamaya. I will be right there with you. Okay? Just wait for me.”

Nagulat naman siya. Noon, hindi basta-basta nagpupunta sa kanya si Gabriel lalo at office hours maliban na lang kung naka-leave ito sa sariling kumpanya at may kailangan sa kanya. Pero um-e-effort ito ngayon. Nagustuhan niya iyon kaya’t napangiti siya sa kabila ng pag-e-emote niya. “Gab, that’s very sweet of you. But you don’t have to cancel your meeting for me. I’m fine, really,” paliwanag niya rito. Kahit gusto niya ang gagawin nito, sobrang abala naman kung pupuntahan pa siya ng lalaki. May kalayuan din ang building nito sa pinagtatrabahuhan niya.

“You can’t stop me, Jenise,” malambing na sagot nito sa kanya. “Hindi puwede na wala ako sa tabi mo ngayong kailangan mo ako. I will go there, okay? Hindi ako mapapakali rito sa opisina ko kung alam kong umiiyak ka diyan at hindi kita mapupuntahan agad. See you in a while, darling.”

Best Love [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon