KINABUKASAN, MAAGANG gumising si Jenise dahil iyon ang araw ng kasal ni Ramses. O mas tamang sabihin na maaga siyang bumangon dahil hindi naman siya nakatulog. Sino ba naman ang makakatulog ng maayos sa napipintong pagpapakasal ni Ramses sa ibang babae, idagdag mo pa ang suhestiyon ni Gabriel sa kanya na maging silang dalawa na lang ang magkasintahan?
As far as she knew, her heart was hurting like hell because of what Ramses did to her. Pero nang mapag-isipan niya ang mga sinabi ni Gabriel, parang nawala ng bahagya ang iniinda ng kanyang puso dahil may isang tao pala talaga sa mundo maliban sa kanyang mga magulang na ayaw siyang nasasaktan. Natuwa siya at bahagyang kinilig sa rebelasyon nito. Did that mean that she secretly liked Gabriel all through their friendship? Hindi naman ‘yon mahirap gawin dahil mabuting tao si Gabriel. Kaya lang, sa estado ng puso niya ngayon ay mahihirapan yata siyang magmahal ulit kahit pa si Gab iyon. Tinanggap niya ang proposal nito dahil sa convenience na maibibigay nito sa kanya. No hassles. Tatanggapin na ito tiyak ng mga magulang niya dahil magkakilala na sila. Hindi na sila dadaan sa getting-to-know-you stage. Hindi na sila maghuhulaan ng mga ayaw at gusto ng bawat isa dahil matagal na nilang alam iyon. Practically and for convenience’s sake, perpekto si Gab para sa kanya. Kung tumanda man silang magkasama, walang problema iyon. Kaysa naman sumubok na naman siyang makipagsapalaran sa pag-ibig at masasaktan lang sa huli. Hindi na niya iyon kaya. Ayaw na niyang masaktan.
“Ang aga mo namang nagising Jenise,” anas ni Gabriel sa kabilang kama. Kagigising lamang nito at kasalukuyan pang nagiinat habang nakahiga. “It’s like what, seven in the morning? Ten thirty pa ang kasal, ‘di ba? You’re so early. Nagising ako sa ingay ng mga zipper ng bags mo,” reklamo nito.
Umismid siya. “Nasa Vigan po tayo. I-e-enjoy ko muna ang view sa labas kaysa hintayin ang ten thirty, ‘no!” Akmang lalabas na siya ng pinto ng humabol ito sa kanya. “Oh, bakit?” tanong niya nang pigilan siya nito sa braso.
“May nakakalimutan ka yata,” may tipid na ngiting sabi nito at ang mga mata nitong nakatingin sa kanya ay mapaglaro.
Nag-isip naman siya. Ngunit wala naman siyang maalalang hindi niya nagawa para sa umagang iyon. “Ano ba ‘yon, Gab?”
“Morning kiss. Girlfriend na kita mula kahapon. Dapat may morning kiss ako,” dire-diretso nitong pahayag.
Namilog ang mga mata niya at binigyan ito ng malakas na batok. “Hoy, pumayag na nga akong dalawa tayo dito sa kuwarto. Kiss-kiss ka diyan? Gusto mo bawiin ko ‘yong pagpayag ko sa gusto mo?” natatawang pagbabanta niya.
Napahawak na lang ito sa nasaktang ulo. “Kung gusto mo lang naman ng morning kiss at kung makakalusot,” pilyong sabi pa nito.
“’Ayan! Lumalabas na ang kapilyuhan mo porket girlfriend mo na ako at hindi na lang basta best friend! Ikaw talagang Gabriel ka!” suway niya. Nakaramdam siya ng pagkailang sa pagbanggit na girlfriend na siya nito. Hindi pa siya sanay pero alam niyang masasanay din siya kalaunan dahil ito pa lang naman ang unang araw na magkasintahan silang dalawa, technically.
“Darling naman. Kahit halik best friend lang. Please? Ki-ni-kiss mo naman ako noon,” nagtatampong wika nito.
Sa kanyang pandinig ay kay sarap pakinggan ng ‘darling’. “H-hindi ka ba naiilang na tawagin akong ‘darling’?” wala sa loob na tanong niya.
Saglit na nag-isip ito saka dahan-dahang bumalik sa kama para ituloy ay pagtulog. “It feels awkward. Pero gusto kong masanay. Masasanay ka rin na tinatawag kong ‘darling’. Kung sa pakiramdam mo ay naiilang kang tawagin din ako ng gano’n, okay lang sa akin kahit huwag mo akong gayahin.” Sinundan pa nito iyon ng hikab.
Siya naman ay bahagyang nakonsensya. Parehas lang pala silang nakakaramdam ng pagkailang ngunit gumagawa ito ng paraan para masanay na hindi na sila simpleng mag-best friend lamang kundi magkasintahan.
BINABASA MO ANG
Best Love [Completed]
RomanceAyaw nang masaktan at mabigo ni Jenise sa pag-ibig dahil quota na siya kung iyon din lang ang pag-uusapan. Kaya nang mag-offer ang best friend niya na maging sila na lang ay agad niya iyong tinanggap. Kahit na hindi siya sigurado kung magtatagumpay...