Chapter Eight

1.6K 44 6
                                    

STOP IT!” putol ng daddy ni Gabriel sa asawa nito. “Let’s... Let’s just stop blaming each other. Gabriel, son... Lumabas na muna kayo ni Jenise. Stable na si Geronimo kaya wala na kayong dapat ipagalala. Umalis na muna kayong dalawa dito. Mag-uusap lang kami ng mommy mo.”

“He’s not my son!”

“I said stop it, Theresa!” galit nang wika ni Tito Gabriel habang nagsisimula namang lumuha ang ginang. “Anak mo si Gabriel! He’s our son!”

Namumula na ang matanda kaya natakot si Jenise sa maaaring mangyari. Niyakag niya si Gabriel palabas ng pinto. Hindi niya kayang panoorin na ganoon ang trato ng mommy nito sa lalaki. May mga magulang palang kagaya ni Tita Theresa. Parang hindi nito anak kung pagsalitaan si Gabriel. Naaawa siya sa binata at nagagalit sa nanay nito. Gusto na niyang sagutin kanina si Tita Theresa na ang mga kasalanan nito ay ipinapasa nito kay Gabriel kagaya nang pagkamatay ni Geraldine. Hindi iyon kasalanan ni Gabriel dahil ano ba naman ang malay nito sa pagkamatay ng kapatid? He insisted na mag-beach ang pamilya pero ang kasama noon ni Geraldine bago malunod sa dagat ay si Tita Theresa. Pero sinasabi nito lagi na kung hindi raw dahil kay Gabriel ay hindi naman sila pupunta sa beach. Iniisip ni Jenise na walang masisi si Tita Theresa sa sinapit ng anak kaya kay Gabriel nito ibinibintang lahat. Gusto niyang ipagtanggol si Gabriel sa nanay nito. Ayaw na niyang nakikitang nasasaktan ang lalaki dahil sa pamilya nito. She knew how he fought to win back his mother’s love. Pero kahit ano’ng gawin nito ay hindi matinag ang matigas na puso ng babae. Alam niya kung gaano kamahal ni Gabriel si Tita Theresa kaya kahit nakakaramdam ito ng galit kung minsan para sa ina ay pinipilit pa rin nitong mapalapit ulit sa ginang. But Tita Theresa didn’t give him a chance. Kaya’t naka-isip na siya ng gagawin para matigil na si Tita Theresa sa paninising ginagawa nito sa boyfriend niya. Tutal siya naman ang puno at dulo ng kaguluhan ng magkapatid, siya na rin ang gagawa ng solusyon.

“I love you, too, Gab,” wika niya sa lalaki. Tiningnan naman siya nito na parang nagtataka. Marahil nagtataka dahil nag-‘I love you too’ siya. “Why are you looking at me like that?” tanong niya. Para kasi siyang nilulusaw ng tingin nito.

Napangiti ito. “Wala lang. Sa lahat kasi ng nangyayari ngayon, ikaw na lang ang dahilan ko pa para ngumiti.”

“Well, sabi mo kanina kay Tita Theresa, you love me. I just told you I love you, too.”

“Kaya nga. Hindi ko na alam ang gagawin ko o iisipin ko kung wala ka sa tabi ko, Jenise,” pag-amin ng lalaki.

“I will always love you. Okay?” paninigurado niya sa lalaki. “Whatever happens, lagi mong iisipin na mahal kita. Hindi lang bilang bestfriend ko kundi mahal kita bilang boyfriend ko.” Sa wakas ay nagawa niyang sabihin iyon sa lalaki.

Inakbayan siya nito at isinubsob nito ang ulo sa buhok niya. “Mahal kita, Jenise. I just hope na maging maayos na lahat sa amin ni Mommy. ‘Yon na lang ang kulang sa buhay ko,” may kalungkutang sabi nito.

Mas naisip niya tuloy na kailangan niyang gawin ang naiisip para sa kapakanan at ikaliligaya ng nobyo. Iyon lang ang naiisip niyang paraan.

“Basta, Gab... Mahal kita,” muli niyang sambit sa lalaki.

Humarap ito sa kanya at tinitigan. “Nasosobrahan yata sa gamit ang mga salitang ‘yan ngayon, darling. Ano’ng iniisip mo?” nakangiting tanong nito.

“Gab, will you let me take care of Geronimo?” seryosong tanong niya.

Kumunot ang noo ng lalaki. “Why would you do that?”

“Kasi ako naman ang dahilan kung bakit kayo hindi nagkaintindihan. Ako ang dahilan kung bakit sinisisi ka ng mommy mo sa nangyari kay Geronimo. Ako ang dahilan kung bakit niya ginawa iyon.”

Best Love [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon