Chapter Ten

3.2K 66 8
                                    

HINDI MAKAPANIWALA si Jenise sa rebelasyong iyon. May tao pala talagang nabubulag ng selos para makagawa ng masama sa kapwa. Paano na lang kung wala si Gabriel? Patay na siguro siya ngayon. Hinarap niya ang kasintahan at kahit hindi siya sigurado kung naririnig siya nito ay patuloy lang niya itong kinausap.

“Silly! Bakit mo sinalo ang bala na para sa’kin? Ha? Nagpapakabayani ka pa diyan pero ayaw mo namang gumising! Gumising ka na, Gabriel! Isa!” parang batang wika niya. Binilangan na niya ito at umaasang kapag nakabilang na siya nang tatlo ay gigising ang lalaki.

“Dalawa!” Gumising ka na, Gabriel. Please!

“Jenise, magpahinga ka muna kaya? Ako muna rito,” nakauunawang wika ni Geronimo.

“I’m not leaving this man. Tatlo! Gumising ka na, Gabriel!”

Hinawakan na siya sa balikat ni Geronimo. “You need to rest. Tatlong araw ka nang hindi umuuwi, Jenise. You must rest.”

Dumukdok na siya sa kama ni Gabriel. Kasalanan niya kapag may nangyaring hindi maganda sa mahal niya. Kasalanan niya iyon at habang buhay niyang pagsisisihan. Kahit anong gawin nila ni Gabriel para tahiin ang tadhana nila, may kontrabida talaga para hindi sila tuluyang maging masaya.

Or baka kasalanan ng nunal?

“Kasalanan ko ‘to,” bulong niya saka pinahid ang luha sa tapat ng pisnging may nun. “Kailangan hindi ka mabasa ng luha,” aniya, kausap ang nunal. “Huwag ka na uli mababasa ng luha, ‘ha?”

“What are you saying?” tanong ni Geronimo.

“Nothing. S-sige. Uuwi na muna ako.”

Pag-uwi niya sa kanila ay agad siyang nagpunta sa kuwarto para matulog. Pero kahit na pagod siya at kailangan niyang magpahinga, hindi maalis sa kanyang isip ang sinabi ng masahista kaya’t tinigilan na niya ang pagpapanggap na tulog at lumabas na lang ng kuwarto. Sakto naman at kadarating ng mga magulang niya galing sa presinto.

Agad niyang tinanong ang kanyang ina. “Mommy, naniniwala ka ba sa mga pamahiin?”

“Minsan kasi anak, may mga pamahiin na nagkakatotoo. ‘Yong iba naman, nagkakataon lang. ‘Yong iba, hindi talaga totoo,” sagot naman ng ina. “Are you okay? Huwag ka nang mag-alala, Jenise. Nahuli na ang gunman at maging si Cheska Flores.”

“Opo, ‘Ma. Nasabi na po sa akin ni Geronimo kanina sa ospital.”

“Hinihintay lang ng mga police na magising si Gabriel para pormal na makapagbigay ng salaysay sa mga nangyari. Gabriel Sr. and Theresa already filed a case. Sisiguraduhin namin na hindi na makakalabas ng kulungan ang mga iyon. The gunman was accounted for three murder cases, kaya talagang hindi na ‘yon makakalabas ng bilangguan. As to Ms. Cheska Flores, hinihintay namin ang paggising ni Gabriel Jr.”

“May balita po ba kayo kay Ramses?” tanong niya dahil bilang dating nagmamahal sa lalaki, nag-alala siya ng bahagya.

“Sasamahan niya paluwas ng Maynila si Cheska sa makalawa.”

Kahit paano ay nag-alala siya para sa babae. Kahit gusto niyang magalit ng sobra at ipa-silya elektrika si Cheska dahil ‘di pa rin nagigising si Gabriel, naalala niya na nagdadalang-tao ito. “Pero buntis po si Cheska, ‘Ma. Baka makasama sa bata kapag ikinulong siya!”

“Si Gabriel na ang magsasabi kung ano mangyayari. Kaya anak, we have to pray harder. He needs to wake up,” may kalungkutang sagot nito.

Saka bumalik sa isip niya ang kaninang itinanong niya. “’Ma, sa tingin mo ba totoo ‘yong pamahiin tungkol sa mga nunal?” muli niyang usisa.

Best Love [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon