Chapter Nine

1.8K 48 2
                                    

SA TINGIN mo ba, ‘yan ang sukatan ng pagmamahal namin ni Gabriel?” tanong ni Jenise kay Geronimo. “It’s beyond that, Imo. Mahal niya ako. Ramdam ko iyon kahit na iniwanan niya ako rito kasama mo. Mahal din niya ang pamilya niya―kayo. Kaya lang ngayon, he was torn between his love for me and for you. And finally, his love for you and his family won over me. Understand this, Imo. Kahit na mahal niya ako, mas pinili niya kayo dahil hindi siya selfish sa pagmamahal kagaya niyo ni Tita Theresa.”

Tumigil na ang luha niya. Ito na ang pagkakataong hinihintay niya para masabi kay Imo ang lahat ng sakripisyo ni Gabriel para sa mommy nila. “For the past years, he was trying so damn hard to prove himself to you and to your mother. It was not his fault that Geraldine died that day but he took the blame! Dahil naniniwala siya na tuwing sinisisi niyo siya ay natutulungan niya kayong mabawasan ang sakit ng pagkawala ni Geraldine. Kung iniisip mong selfish siya, nagkakamali ka. Dahil iniwanan niya ako rito para sa’yo. Sa totoo lang, gusto kong ayusin sana ang relasyon ninyo sa isa’t isa kaya sabi ko aalagaan muna kita. At habang inaalagaan kita, we can’t be together. Sa pagkakakilala ko sa kanya, nobody can change his mind. Kaya naniniwala akong pumayag siya na alagaan kita hindi lang dahil ako ang nagsabi kundi dahil gusto rin niya. Kahit mahal niya ako, alam kong mahal din niya kayo.

“And I don’t understand kung bakit pinipilit niyong ilayo ang sarili niyo sa kanya dahil lang sa aksidenteng hindi naman siya ang may kasalanan. Hindi siya selfish, Imo. You and your mother... kayo ang totoong selfish. Dahil mga sarili niyo lang ang iniisip niyo. Tita blamed Gabriel because she has nobody else to blame. You started hating your brother because you saw that he was closer to me than to you kahit na tayong dalawa ang totoong magka-edad,” aniya. Nakaramdam na siya ng hinanakit at inis para sa kausap at kay Tita Theresa. “And I want nothing more in this world than for you to understand the weight of every pain your brother feels. Kahit na inilayo niyo ang sarili niyo sa kanya, mas iniisip pa rin niya ang kapakanan niyo at kung ano ang magpapasaya sa inyo kesa sa sarili niyang kaligayahan.”

“I-I didn’t know...” tila naguguluhang sambit ni Geronimo. Binitiwan nito ang braso niya at napaupo ito sa malapit na upuan.

“I’m done here, Imo. Mahal kayo ni Gabriel. Mas pinili niya kayo kaysa sa sarili niyang kaligayahan. Sana naman, maisip niyong pahalagahan din siya.” Pagkasabi niyon ay tinalikuran niya ang lalaki at mabilis na kinuha ang gamit niya sa kuwarto nito at umuwi.

She did her part. Tapos na ang misyon niya. Mula sa araw na iyon, iisipin naman na niya ang kapakanan niya at ni Gabriel. Pero hindi niya alam kung saan ito hahanapin dahil hindi naman niya alam kung saan ito nagpunta. Sigurado rin siyang hindi rin ‘yon alam ng Mommy nito at ni Imo. Gusto niya nang gawing tama ang lahat. Alam niyang nalulungkot na ngayon ang lalaki at gusto niyang damayan ito at sabihing hindi na siya aalis sa tabi nito kahit kailan.

Pero paano? naiiyak niyang tanong sa sarili. Nasaan ka na ba kasi, Gabriel?

😭😭😭

ILANG araw matapos ang usapan nila ni Geronimo ay ipinatawag siya sa bahay ng mga ito. Ayaw na nga sana niyang magpunta pero nag-insist si Tito Gabriel na gusto raw siyang kausapin ni Tita Theresa. Inihanda na niya ang sarili sa maaaring sabihin nito sa kanya. Kung galit ito dahil pinagsalitaan niya si Geronimo, hindi siya nagsisisi at hindi siya hihingi ng tawad dahil totoo naman ang mga sinabi niya.

Pagbukas pa lang ng main door sa bahay ng mga ito, agad siyang sinalubong ng yakap ng umiiyak na ginang. Taliwas sa inaasahan niya, hindi ito nagalit sa kanya. Ayaw man niya, dahan-dahan na rin niyang hinaplos ang likod nito dahil sa sobrang pag-iyak. Binigyan niya ng nagtatanong na tingin si Tito Gabriel at Geronimo na nakatayo at nakaantabay sa likuran ng ginang.

Best Love [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon