Chapter Seven

1.6K 51 2
                                    

HALOS AYAW nang magpahinga ni Jenise pagdating nila sa ni-rentahan nilang kuwarto. Gusto na niya agad malibot ulit ang lungsod na iyon sa Siem Reap, Cambodia. Doon ang secret place nila ni Gabriel dahil hindi nila sinasabi sa mga pamilya nila kung saan sila nagbabakasyon palagi noon. They kept coming back to Cambodia dahil parehas silang mahilig sa kultura at architecture ng buong lugar. Buti na lang at hindi kailangan mag-apply ng visa kung pupunta sa bansang iyon dahil visa-on-arrival ang sistema para sa mga Pilipinong gustong magpunta doon. Napakaraming temples, old buildings and ruins na nandoon at hindi nila pinagsasawaang puntahan at tingnan ang mga iyon. Gayundin sa mga pagkain nito na kakaiba ang lasa pero masarap.

Agad niyang kinuha ang cellphone at nag-connect sa internet. “Gab, let’s try Facebook Live. Hindi ko pa nasubukan gumamit nito!” sigaw niya sa lalaki kahit nasa katabing kama lang naman ito. Nasa iisang kuwarto lang sila dahil nakasanayan naman na nilang ganoon ang set up.

“Ano ba ‘yan?” tanong naman ng lalaki saka lumipat sa kama niya at umupo doon katabi niya habang nilalabas nito isa-isa sa bag ang gamit nito.

She typed ‘Gab-Gab and I, finally back on our secret place! Yey!’ before proceeding with the live stream. “Hi, everyone!” bati niya habang nakatingin sa front camera ng cellphone niya. Mayroon agad siyang ten viewers. “Ganito pala ‘to! Nakakatuwa. Oh. May comment! Hello, Arielle! Yes, magkasama kami ni Gab-Gab. Ito siya oh!” aniya sa nag-comment at saka hinatak niya ang lalaki sa kanyang tabi. “Say, hi to Arielle, Gab-Gab. Nanonood siya!”

Walang reaksyon namang bumati ang lalaki. “Hi!” anito sabay kaway. Si Arielle ay isa sa mga kaibigan nila.

“No, I can’t show you where we are. Basta nandito kami sa secret place namin. Sa loob nitong nice and cozy room,” nakangiting wika niya bilang sagot sa nag-comment na dumungaw naman daw siya sa labas para makita nila kung nasaan sila. Inikot niya ang camera sa buong kuwarto. “’Ganda dito sa loob ‘di ba? Mas maganda sa labas! But, I can’t show you!” natatawa niyang tuloy.

Napakunot ang noo niya nang makita na nag-join sa live stream si Ramses Flores. Hindi pa pala niya na-a-unfriend ang loko. Tumaas ang kilay niya nang mabasa ang comment nito. Hindi niya namalayan na binasa niya pala ito out loud dahilan para mapalingon si Gabriel sa kanya. “Take care of yourself, Jenise. Lagot sa akin si Gabriel kapag may nangyaring masama sa’yo.” Tumaas ang kilay niya sa nabasa. “Wow, ‘ha? Ikaw pa talaga ang magsasabi na lagot ang Gab-Gab ko kapag may nangyaring masama sa akin?” sabi niya saka napahalakhak nang sarkastiko.

Kinuha ni Gabriel sa kanya ang cellphone at iniharap sa sarili. “I’ll take care of Jenise, Ram. It’s what I do by default. Kahit ‘di mo sabihin. And what makes you think you have the right to tell me that?” seryosong sabi nito na tila handang makipag-away sa cellphone.

OMG! sigaw niya sa isip. Nag-panic siya bigla. Napapanood at mapapanood ng mga Facebook friends niya ang sinasabi ni Gabriel ngayon at baka mag-away pa ang dalawa! Isiningit niya ang mukha sa nakikita ng camera. Pag tingin niya ay nasa thirty na ang viewers niya. May mga reaction pa ng emoji na tumatawa.

“Hey, guys! Sinubukan ko lang talagang mag-FB Live! At ngayong alam ko na na ganito pala ‘to, babush na!” kinakabahan niyang paalam. “Mag-e-explore pa kami ni Gab! ‘Bye everyone!” kaway niya. Humarap siya kay Gab na seryoso pa rin ang mukha. “Mag-goodbye ka na sa kanila.”

“’Bye,” tipid nitong sabi at hinayaan na nitong kunin niya ang gadget.

Nang masigurong tapos na ang live stream ay agad niyang niyaya ang lalaki na lumabas para kumain. Kanina pa sila gutom. Baka iyon ang dahilan kung bakit mainit ang ulo ni Gabriel. Imbes kasi na kumain muna sila o magpahinga ay hinatak niya itong mag-Facebook Live. “Kain na tayo, darling!”

Best Love [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon