Chapter Six

1.6K 44 1
                                    

ITO ANG unang beses na pinuntahan niya si Gabriel sa opisina nito nang lunch dahil gusto niya na sabay silang kakain nang araw na iyon. Napaka-espesyal pa naman ng okasyon.

“Happy monthsary, darling!” bati niya sa lalaki pagbukas nito ng pinto sa opisina. Alam niyang nagulat si Gabriel dahil bakas iyon sa mukha nito. Wala na rin siyang pakialam sa sekretarya nito na nagulat sa pagsigaw niya.

Hinalikan siya nito sa pisngi at kinuha sa kamay niya ang malaking food basket. “Happy monthsary!” natatawang bati nito.

“Why are you laughing?” kunot noo niyang usisa.

“Ang tagal ko na kasing hindi nag-celebrate ng ganito.”

She rolled her eyes. “Malamang po. Ilang taon ka nang walang girlfriend! Kain tayo!” yaya niya sa lalaki dahil gutom na siya.

Isa pa, mukhang hindi sanay si Gabriel sa ganitong selebrasyon dahil bukod sa pabati nito sa kanya ay wala na itong sinabi. Medyo nakaramdam siya ng lungkot dahil parang hindi pinaghandaan ni Gab ang araw na iyon. Siya pa naman ang tipo ng girlfriend na maaalalahanin sa mga petsa.

Nagkibit balikat siya. Hindi na niya palalakihin pa ang disappointment na nararamdaman. Kilala naman na niya si Gab na talagang malilimutin sa mga petsa. Minsan nga ay sarili nitong kaarawan ay hindi nito isini-celebrate. Inilabas niya sa basket na dala ang niluto niyang spaghetti. Talagang lumiban siya sa trabaho para gawin iyon. Paborito kasi iyon ng lalaki.

“Wow! Talagang pinaghandaan mo ‘to, darling, ah!” namamanghang puna nito.

“Oo naman. Unang buwan natin bilang mag-jowa, kaya dapat mag-celebrate tayo,” aniya. Pinipilit niyang pasiglahin ang boses.

Well, very slight lang naman ang nararamdaman kong disappointment kaya huwag mo na lang isipin, Jenise. Don’t make a fuss about it.

Pumunta si Gab sa kabilang panig ng office table nito. Hindi na niya pinansin ang lalaki dahil ipinagsandok na niya ito ng pagkain at inayos ang set up ng isa pang office table doon na naging lunch table na nila. Sa isip niya, kung anu-ano na ang ginawa niyang justification kung bakit hindi naalala ni Gab ang araw na iyon.

He’s clearly busy. Siguradong mas maraming importanteng bagay ang iniisip niya kaysa sa monthsary namin. Or baka stressed siya masyado kaya hindi na niya napagkaabalahang paghandaan. Or baka talagang hindi siya nagse-celebrate ng monthsary. Baka nakokornihan siya sa ganitong celebration. Or baka ‘yong relationship namin, since we’re best friends ay hindi na kailangan ng monthsary.

Patuloy lang siya sa pakikipag-usap sa sarili hanggang sa naramdaman na lang niyang nasa likuran na niya ang lalaki. Paglingon niya rito ay nagulat pa siya nang makita ang isang kahita ng singsing na nakatambad sa harap niya.

”W-what is this?” nauutal na tanong niya. Huminto saglit ang mundo niya. He remembered!

“Happy monthsary, Jenise, darling. Isuot mo ‘to. Couple’s ring daw ‘to sabi no’ng binilhan ko. May ganito rin ako, look.” Ipinakita nito sa kanya ang ring band na nakasuot sa palasingsingan nito kagaya nang nasa maliit na kahita.

“Y-you have a gift for me?” ‘di pa rin makapaniwalang tanong niya.

Natawa naman ito. “Bakit ba gulat na gulat ka? Akala mo ba nakalimutan ko? Ang balak ko sana ay ibigay ‘to sa’yo mamaya pagkatapos ng trabaho. Pupunta dapat ako sa bahay niyo pero nandito ka na kaya ibibigay ko na. Nagulat talaga ako dahil hindi ko inaasahang maghahanda ka ng ganyan at pupuntahan pa ako dito sa office. It’s very sweet of you, darling,” masuyong wika nito.

‘Yon pala ang dahilan kung bakit gulat ang mukha nito kaninang pagbuksan siya. Akala niya talaga ay hindi nito natandaan. Lumobo naman ang puso niya. He even had a gift for her!

Best Love [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon