Chapter Four

1.7K 51 1
                                    

NANG MAGISING si Jenise kinaumagahan, naamoy niya ang bango ng tocino na paborito niyang kainin kapag umaga. Dahil ipinagpaalam siya ni Gabriel sa boss niya nang nagdaang araw, lulubusin na niya ang hindi pagpasok sa opisina. Bukas na lang niya haharapin ang mga naiwanan niyang trabaho. Nakakatawa na ilang araw pa lamang matapos ang Vigan trip niya ay malaki na ang ikinagaan ng pakiramdam niya.

Bumaba siya sa kusina at nagulat nang makitang nakatalikod si Gabriel habang magilas na nagpiprito ng sa palagay niya ay tocino. Tumikhim siya upang kuhanin ang atensiyon nito.

“Darling! Gising ka na pala,” anito habang binabagtas ang pagitan nila. When he reached her, he kissed her temples once again. ”Good morning,” bulong nito sa kanya.

Muli niyang naramdaman ang mga kakatuwang emosyon niya kagabi nang halikan siya nito. She sighed contentedly and gave Gabriel a quick embrace. “Good morning too, Gab-Gab!”

Naramdaman niyang natigilan ito. Hindi marahil nito inaasahang babatiin niya ito ng yakap. She heard him chuckled. “Yakap best friend pa ba 'yan?” tanong nito. Nahimigan niya ang mapang-asar na tono ng lalaki.

Naramdaman niyang ipinalibot nito ang braso sa kanya at hinigpitan ang pagyapos. Ah, that felt good to her.

“Payakap din ako. Yung yakap boyfriend," anito. His voice was happy.

“Jenise?” sigaw ng isang tinig mula sa itaas na palapag ng bahay nila.

Bigla niyang hinawi si Gabriel at marahang itinulak palayo. Binigyan siya nito ng nagtatakang tingin.

“H-hindi pa kasi nila alam dito sa bahay na boyfriend na kita. Sorry, Gab. I’ll tell them soon, okay?” paliwanag niya.

Napansin niya ang pagbabago ng masayang mukha ni Gabriel. Tila may kislap na nawala sa mga titig nito sa kanya.

Bakit parang nagui-guilty ako? wika niya sa sarili.

Gusto naman talaga niyang sabihin sa mga magulang ang tungkol sa kanila. Tiyak niyang matutuwa pa ang mga ito. Subalit kaka-break lang nila ni Ramses. Ayaw niyang isipin ng mga ito na ginagamit lang niya si Gabriel para mapawi ang lungkot niya. Hindi naman sila nagmamadali ni Gabriel sa kung ano mang relasyong mayroon sila. ‘Di ba? kumbinsi niya sa sarili.

“I understand,” sabi nito saka malungkot na ngumiti. Lumayo ito sa kanya at ipinagpatuloy ang pagluluto.

Mula sa kabilang panig ng kusina ay lumitaw ang Mommy niya. “Gising ka na pala, Jenise. Kanina pa rito si Gabriel. Ipinagpaalam ka na niya sa akin dahil may pupuntahan daw kayo,” anito sa kanya.

“Saan tayo pupunta, Gab-Gab?” nagtatakang baling niya sa binata.

Muli itong ngumiti sa kanya. Nawala ang pangamba niya dahil ngumiti ulit ang lalaki. Sana ay hindi na ito magdamdam. “Magpapasama lang sana ako sa’yo na bumili ng suit. Hindi kasi ako marunong kapag ako lang mag-isa,” tila nahihiya nitong sabi sa kanya.

Kumunot ang noo niya. “Aanhin mo naman ng suit?”

“Si Mommy kasi, ipinrisinta akong maging escort no’ng anak ni Tita Mariz,” paliwanag nito na tinutukoy ang isa pang kaibigan ng mga magulang nila. “Eh, sa Saturday na ‘yong company party nila Beatriz. Wala pa akong isusuot,” pagpapatuloy nito na tinutukoy na ang anak ni Tita Mariz na isa rin sa mga nakakalaro nila noong mga bata pa sila.

Unlike Gabriel, hindi siya masyadong napalapit kay Beatriz dahil nagkaroon ito nang ibang mga kaibigang babae na mas matanda kay Jenise. Si Gabriel at Beatriz talaga ang magka-edad kaya’t hindi sila naging malapit ng dalaga. Bigla ay para siyang nakaramdam ng inis dahil isasama pa siya nito na mamili ng isusuot kahit hindi naman pala siya isasama sa mismong event.

Best Love [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon