Chapter Five

1.7K 42 1
                                    

ANAK, HOW are you?” nag-aalalang tanong ng mommy ni Jenise. Kasalukuyan silang kumakain ng umagahan sa hardin ng kanilang tahanan. Ngayon lang siya kinausap ng ina tungkol sa nararamdaman niya pagkatapos ng ‘Royal Break-up’ nila ni Ramses. Maybe they thought she could handle herself well. Isa pa, alam naman ng mga ito na lagi niyang kasama si Gabriel at ‘di siya pababayaan ng best friend niya.

Nginitian niya ang ina at sinabi rito na ayos lang siya. Mariing nakatingin lang ito sa kanya, waring kinikilatis kung totoo ba ang sinasabi niya. “Ma, okay lang po ako. Promise!” Itinaas pa niya ang kanang kamay na tila nanunumpa.

“I always knew Ramses is not the one for you. You know, mother’s instinct,” pahayag nito.

Napatingin siya rito habang sumusubo ng tinapay. “Bakit hindi niyo po sinabi sa akin ‘yan ‘Ma? Papakinggan ko naman ang mother’s instinct mo.”

Natawa ang kanyang ina. “If I did, my girl, you would not know how it felt like. Mukha ka pa namang inlove althroughout the relationship. And don’t deny, alam kong marami din kayong happy moments ni Ramses. It’s just that the two of you are really for somebody else’s. Pero paano mo makikilala kung sino ang para sa’yo kung puro ka trabaho? Hindi ka nga yata gumagala kasama ang mga kaibigan mo?”

“Gumagala ako, ‘Ma. ‘Di po ba lagi nga kaming namamasyal ni Gabriel nitong nakaraang linggo?” sagot niya.

“Isa pa ‘yon, anak,” umiiling na pahayag nito. “Paano ka makikilala ng mga disenteng lalaki diyan kung si Gabriel ang palagi mong kasama? Siyempre, kung ako man ang lalaki at makikita kong may kasama ka na ganoon ka-guwapo kay Gabriel, hindi na kita lalapitan.”

Napailing na lang siya. Paano kaya kapag sinabi niya sa kanyang mommy ngayon na hindi na lang niya basta kaibigan si Gabriel kundi boyfriend na niya ito? She would try, atleast. Para kay Gabriel. Dalawang linggo na rin niyang tinatago ang relasyon nila sa parents niya.

“Eh, ‘Ma, disenteng tao naman si Gabriel. Safe pa ako palagi kapag siya ang kasama ko. He always makes sure that I am happy. Kaya hindi na importante ang ibang mga lalaki sa paligid. Gabriel would be enough,” pasaring niya. Sana hindi magalit ang kanyang ina sa gusto niyang tumbukin. Kinakabahan si Jenise sa maaari nitong isagot.

Napabuntong hininga ito. “Kailangan ko nang mangialam sa love life mo, anak. I will ask my friends na i-date ka ng mga anak nila. Aba, hindi ka na bumabata, ano?”

“Mommy!” saway niya sa ina. “Hindi mo na kailangang gawin ‘yan. Kami na ni Gabriel!” bulalas niya. Ayaw niyang sine-set up siya ng ina kung kani-kaninong anak ng kaibigan nito. Hindi siya fan ng blind dating.

Gulat na napatingin sa kanya ang ginang. “What did you say?”

Kinakabahan naman siya sa reaksyon nito. “Kami na ni Gab, ‘Ma. Officially ay boyfriend ko na si Gabriel,” paliwanag niya.

Nanlaki lalo ang mga mata ng ginang at unti-unti doong bumakas ang pagkamangha at malaking ngiti. “I knew it!” natatawang wika nito. “Mag-dinner tayo nila Theresa mamaya. I will call her. Napakagandang balita nito!” tuwang-tuwang wika nito.

Napaamang na lang siya at napabuga ng hangin. Totoo ba ‘to? Akala niya ay magagalit ang ina dahil para na silang magkapatid ng lalaki ayon sa kanyang mga magulang. At least, okay sa mommy niya. Nabunutan na siya ng tinik. Matutuwa tiyak si Gabriel.

“Okay lang ba sa’yo, ‘Ma?” kumpirma niya.

“Of course, Jenise! ‘Yan ang matagal ko nang ipinagdarasal! Theresa will be very happy! I will tell Dad first. Matutuwa ang daddy mo!”

“Pati si Dad?” gulat niyang tanong.

“Yes! When you started dating Ramses, nag-alala kami ng Daddy mo dahil may mali kaming nararamdaman sa relasyon niyong dalawa. Nag-usap kami. Tinanong ko siya kung okay lang ba kung ang maging partner ng unica ija namin ay si Gabriel. He immediately agreed dahil naniniwala siya na mabuting tao si Gabriel at responsable. Plus, Gabriel Sr. and Theresa are our best friends! Nakakatuwa hindi ba?” excited na pahayag ng mommy niya.

Best Love [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon