Kabanata 11

1.4K 28 2
                                    

BLANCA

Great! I'm stuck with this psycho at ngayon nakangiti pa sa akin.

"Anong drama na naman ba ito Lucas Archangel?"

"I need you to stay with me, Blanca", panimula niya.

Napabuga naman ako sa hangin kasabay ng pagbulalas ng tawa.

"Need? Stay? Para saan Luke? I don't see any reason for me to stay with you",

"Carla broke up with me nang dahil sa iyo",

Napataas naman ang kilay ko sa sinabi niya. "And?"

"I need you to make a way para bumalik sa akin si Carla",

Napaubo ako sa sinabi niya. Ano ang palagay ng isang ito sa akin, si Kupido?

"Ano naman ang mapapala ko sa mga kondisyon mo? Last time I check, isa akong romance novelist, hindi apprentice ni kupido", I said while folding my arms.

Dumilim ang kanyang mukha na tila pinipigil lamang ang galit. Lagot! Sana naman huwag akong pagbuntunan nito. Kyaah! Bakit kasi pinatulan ko pa ito. Baka bukas makalawa nasa headline na ako at patay dahil sa isang serial killer. Waaahh!

"Makakauwi ka sa inyo ng ligtas at buo",

Nyay!! Sinasabi na nga ba! Isang serial killer ang isang ito!

"H-Heh?! A-At paano kung hindi ako magtagumpay sa nais mong ipagawa? P-Papatayin mo ako?" usal ko na kaagad ko ring pinagsisihan. Stupid Blanca! Bakit kailangan mong i-bring up ang topic na iyon? Baka mamaya patayin ka nga niyan!

"Nope." then gazed at me from head to toe. "Pero maniningil ako sa iyo sa paraang gusto ko",

Napanganga ako sa sinabi niya ngunit kaagad ko rin iyong itinikom ng mapansin kong nakatitig siya sa mga labi ko.

Tumango na lamang ako sa kondisyon niya. Para namang may magagawa ako. Malayo ang bahay niya sa kabayanan para tumakas ako at impossible ko rin na matawagan si Kate dahil kinuha niya ang cellphone ko. Ngumiti siya sa naging tugon ko at lumabas na ng kwarto.

Walang lakas na ibinagsak ko ang sarili ko sa kama. Sana nadala ko man lamang ang laptop ko. Huhu.

Ipinikit ko na lang ang mga mata ko at pinilit na makatulog. Agad din akong napamulat nang hindi pa rin ako dalawin ng antok.

Nakakainis. Please sleeping fairy! Patulugin mo na ako!! Ah tama! Baliktarin ang unan baka sakaling magwork. Binaliktad ko ang unan at pinilit ang sarili ko na matulog ngunit no work pa rin.

Ahuhuhu!

Sinabunutan ko na ang sarili ko sa sobrang inis at nagpagala-gala. Huh!

Bumalik lang talaga ang alaala ko at lalayasan ko itong Luke na ito. Nakakainis kasi bakit magkakaroon ng kaibigan at tatlo lamang puro pa mga busy.

Nayakap ko ang sarili ko paglabas ko ng bahay. Ang lamig, daig pa ang may aircon sa loob ng opisina. Grr. Bakit hindi ko inabutan ang ganitong klima noong unang boses na napadpad ako rito?

Lumapit ako sa duyan at doon humiga. Ang tahimik, bukod sa huni ng kuliglig na parang isang munting musika ay wala na akong mahihiling pa. Unti - unti nang namigat ang talukap ng mga mata ko hanggang sa tangayin na ako ng antok.

Sa aking pagtulog hindi ko na namalayan ang iisang aninong papalapit sa akin.

"Careless woman",

*****************
Tiktilaooook!!!!

Unti-unti kong iminulat ang mga mata. Ang sarap naman kasing makatulog sa malamig na klimang lugar na ito lalo pa at may yumayakap sa akin na mainit na bagay.

Wait?!

Namilog at nanlaki ang mga mata ko ng mapansin kong nasa kama ako at may nakayakap sa akin.

"Kyaaah! Rape! Rape!" tili ko. Napaungol naman si Luke habang tinititigan ako ng masama.

"For petesake woman! Huwag kang OA! Wala akong balak rape-in ka".

"Ano?! Hoy lalaki kapal moks mo rin. Anong hindi ni-rape! Aber bakit kita katabi?!"

Naiiling na inalis niya ang kamay sa tenga at bumaba ng kama.

"First, you're crazy. Dahil natulog ka sa labas ng bahay ng kalamigan. Second, kapabayaan mo linagnat ka at halos mangiligkig na sa ginaw. Third, I need to give you body heat on my own kahit na labag sa loob ko. Get it?", angil niya.

Nakagat ko naman ang ibabaw ng labi ko kasabay ng pagyuko. Nice Blanca! Bravo ang ginawang mong pag-aasume. Perfect score!!

"Ikaw na nga ang tinulungan, may gana ka pang mag-inarte"

Gitla akong napalingon ng ibalibag niya ang pinto.

Lagot. Nagalit na ang halimaw.

El Que Se EscapóTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon