Kabanata 1

5.4K 117 8
                                    

Para ito kina iamlen1995 at grimacegirl09 na unang mga nagcomment sa prequel na ito.. 😃😊

Enero 1886

"Anak ng engkanto! Anak ng engkanto!" kantyaw ng mga bata sa batang babae na nakaubob. Inaasar siya ng mga ito dahil sa malaporselana niyang balat na pinarisan ng kanyang malagintong buhok at mga berdeng mga mata.

Hindi mapigilan ng batang babae na mapaiyak na lang. Mag-iisang buwan na simula nang lumipat sila ng kanyang ama sa lugar na kinalakihan nito ngunit dahil sa bago sa kanyang paligid ang kanyang hitsura ay hindi mapigilang maging tampulan siya ng tukso. Isang banyaga ang kanyang ina na tulad niya ay may malaginto ring buhok at mga berdeng mga mata, yaong ang pagiging malaporcelanang balat lang ang kanyang minana sa ama na may dugong kastila.

"Anak ng engkanto! Anak ng engkanto!"

"Hoy! Bakit niyo siya tinutukso?! Mga batang ito! Palibhasa sunog ang mga balat kabibilad sa araw na dinaig pa ang daing!" narinig niyang sigaw sa di kalayuan. Agad siyang napaangat nang tingin sa tatlong bata na nakatayo sa harapan niya. Nagtakbuhan naman ang mga batang nang-aasar sa kanya.

"Ayos ka lang ba?" tanong ng batang babae at pinagpagan ang kanyang blusa.

Sisinghot singhot naman siyang tumango at pinunasan ang mga mata. Napatingin naman siya sa tatlong bata na tila nabatubalani sa kanyang anyo.

"Ang ganda mo, para kang manyika ko", bulalas ng batang babae.

Napakunot naman ang kanyang noo na hindi naunawaan ang sinabi ng bata.

"Ma-manicka?"

"Hindi, manyika", anito at inilabas sa likod ang isang manyika. Siya naman ang natulala sa hawak nito. Isang laruan na kamukha niya, maliban lang sa asul ang mga mata nito at siya naman ay berde.

"Magandang umaga pala, ako si Consolacion. Ang katabi ko sa kanan ay nagngangalang Markus Archanghel at ang nasa kaliwa ko naman ay si Lucas Archanghel. Mga kaibigan ko sila kaya huwag kang matakot", anito.

Napatingin naman siya sa mga ipinakilala nito at bahagyang ngumiti. Ang ipinakilalang Markus ay may maiitim na mga mata samantalang ang batang si Lucas naman ay may kulay ng matang tulad ng isang tuyong dahon. Malamlam kumpara sa kulay tsokolate na madalas niyang binibili sa bansang pinagmulan niya.

"Ikaw? Maari ba naming malaman ang iyong pangalan? Huwag kang mag-alala, mababait naman kami at nais lamang namin na makipagkaibigan sa iyo", sabi ni Markus.

Ngumiti naman siya sa unang pagkakataon mula nang lumipat sila ng kanyang ama. Dahil sa unang pagkakataon may mga batang nais siyang maging kaibigan.

"Ako si Blanca, Blanca Mariano",

Napasinghap naman ang tatlong bata sa sinabi niya.

"Ikaw ang sinasambit nina ama at ina na anak ng bagong gobernadorcillo?"

Marahan naman siyang tumango at hinintay ang susunod na magiging hitsura ng mga ito sa nalaman. Kukutyain ba siya? Pagtatawanan? O iiwanan tulad ng ibang batang kinaibigan niya.

Napapitlag siya nang yakapin siya ni Consolacion.

"Nakakatuwa naman. Magkaibigan pala ang ating mga ama. Ika'y huwag mag-alinlangan sa amin, lalo na sa akin. Dahil ang abuelo ko ay dating alkalde mayor naman dito sa Sta. Barbara. Naranasan ko na rin minsang maging tampulan ng mga tukso ngunit dahil kina Markus at Lucas, wala nang gumagabala pa sa akin", wika ni Consolacion.

Kahit katiting ay nawala ang pag-aalinlangan sa kanyang puso at gumanti ng yakap kay Consolacion. Nakahanap na rin siya ng maituturing na mga kaibigan. Muli ay napatingin siya sa dalawang batang lalaki. Nagtama ang mga mata nila ni Lucas na nagpakislot sa musmos niyang puso. Matamis itong ngumiti sa kanya na lalong nagpakabog ng kanyang dibdib. Napahiwalay naman siya kay Consolacion, kasabay ng pagsapo sa dibdib. Nag-aalala naman siyang tinitigan ni Consolacion.

"Bakit Blanca? Ikaw ba ay may dinaramdam?"

Umiling lang siya kasabay ng pagguhit ng ngiti sa mga labi.

"Wala naman. Ako lamang ay nagagalak dahil sa wakas ay may mga tao na matatawag ko nang kaibigan",

Matamis namang ngumiti si Consolacion at hinila siya.

"Tara Blanca. Maglaro tayo ng manyika ko!"

Sumama naman siya sa mga ito kahit na nakatuon ang kanyang isip sa batang lalaki na may paris ng mga matang kakulay ng tuyong dahon.

"Lucas Archanghel", bulong niya sa hangin.

******************************
Enero 2018

Blanca

Sa pagmulat ko ng mga mata ko kaagad na bumungad sa akin ang kulay puting kisame. Bumangon naman ako ngunit muli akong napabalik sa higaan ng kumirot ang ulo ko.
            Nagulat naman ang isang babae na papasok pa lang at muling lumabas.

Napalingon naman ako sa paligid ko kasabay ng pagkapa sa ulo ko. Bakit wala akong maalala? Anong nangyari? At b-bakit...

Mariin kong sinapo ang dibdib at nagpakawala ng malalalim na hininga.

Nasaan ako? Saan ako nanggaling? At higit sa lahat, ano ang pangalan ko? Napatingin naman ako sa kamay ko na may nakalagay hospital band, Bea Blanca Benitez. Iyon ba ang pangalan ko?

Muli akong napahawak sa ulo ko nang sumakit ito.

Lucas Archanghel. Sino iyon?

Napatingin naman ako sa doctor na lumapit sa akin at tinignan ang pulso ko.

"Kamusta na ang pakiramdam mo, Miss Blanca Benitez?" aniya. Napaangat naman ako ng tingin habang blangko pa rin ang ekspresyon ko.

"Iyon po ba ang pangalan ko?"

Saglit naman siyang natigil sa pagsuri sa mga mata ko.

"Wala kang maalala?"

Tumango naman ako. "Kahit pangalan mo?"

Muli akong tumango kahit nanatili pa rin akong kalmado.

"You're quiet fascinating. Sa mga pasyente kong nagkaroon ng amnesia, ikaw pa lang ang nakita kong kalmado",

Mapakla naman akong natawa kasabay ng pagkamot sa ulo.
"Kahit naman po siguro dok ako maghurumentado hindi naman mababalik ang mga alaala ko",

Natahimik naman siya habang patuloy ang pagcheck-up sa akin.

"A-Ano pong nangyari sa akin?"

"Dalawang linggo ang nakakaraan nang dalhin ka rito sa hospital. Nasangkot ka sa isang car accident, pero napatunayan naman nang mga pulis na may kasalanan ang nakabangga sa iyo kasi naka red ang traffic light ng dumaan ka at masagasaan ka niya. Mabuti na lamang at hindi ganoong kagrabe ang tinamo mong pinsala",

Napapikit ako nang sandaling kumirot ang ulo.

"Eh, dok sino po ba ang nagdala sa akin dito sa ospital?"

Napaisip naman ang doctor bago may kinuha sa bulsa niya at iniabot sa akin ang isang calling card.

"Ang sabi niya lang sa akin ay ibigay ko sa iyo ito, kapag nagising ka na. Isa rin kasi siyang doctor sa ibang ospital at nagkataon na may flight siya patungong ibang bansa. Next week pa ang balik niya pero sinabi niya na tumawag ka daw at bahala na ang secretary niya na mag-asikaso sa iyo", litanya niya.

Napatingin na lang ako sa tarheta na ibinigay sa akin ng doctor.

"Lu-Lucas Archanghel",

Napasinghap ako nang malakas kasabay ng panlalaki ng mga mata. Napatitig ako sa tarheta na binigay sa akin.

Lucas Archanghel, sino ka?

El Que Se EscapóTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon