Kabanata 14

1.2K 26 0
                                    

1898
        Napamulat si Blanca nang marinig ang malakas na sigaw ng kanyang anak mula sa pinto. Sumilay ang ngiti sa kanyang labi at hinagkan sa noo ang anak na naglalambing.

"Good morning Meme!"

"Good morning too, Barbie! Nasaan si Dada?" aniya.

Bumukas naman ang pinto at iniluwa ang nakangiting si Lucas at may dalang pagkain. Hindi na kayang mamasyal pa ni Blanca dahil sa limang buwang sanggol sa kanyang sinapupunan. Ganoon pa man ay sinigurado ni Lucas na inaalagaan siya nito ng maayos sa kabila ng payo ng doktor na masyadong maselan at delikado ang kanyang pagbubuntis.

"Magandang umaga mahal ko. Kain ka na, ipinaghanda kita ng mga paborito mong pagkain",

Tila naman may humaplos sa puso ni Blanca habang pinagmamasdan ang asawa. Sa mga nakaraang buwan ng kanilang pagsasama ay wala na siyang masasabi pa sa lalaki. Tinupad nito ang pangako nito na aalagaan silang mag - ina kahit na sa una ay naging mailap na siya dito. Nagawa pa rin nito na muling patibokin ang kanyang puso.

"Señor! Señor! May mga tulisan na sumugod sa bayan! At paparito na sila sa Hacienda Archangel!" malakas na sigaw ng isang kawaksi.

"Ano?! Paano nangyari iyon?!"

"Hindi po namin alam. Ayon sa ulat ng mga ilang tauhan natin ay umabot na sa kabayanan ang labanan sa pagitan ng Katipunero at mga Kastila. At ginamit iyon na pagkakataon ng mga tulisan para makagala sa Sta. Barbara",

Napansin naman ni Blanca ang panginginig ng kamay ni Lucas habang mariing itinikom iyon. Inabot niya ang kamay ng asawa at pinisil iyon.

"Magiging maayos din ang lahat, huwag kang mag-alala"

Ngumiti si Lucas at hinagkan sa noo si Blanca.

          Kinagabihan ay isang malakas na sigaw ang maririnig sa buong kabahayan ng Archangel. Isang palahaw ng babaing nagsisilang ang halos dumurog sa puso ng bawat miyembro ng pamilya Archangel. Nahahapong naipikit ni Blanca ang mga mata nang marinig niya ang iyak ng kanyang anak. Napaluha siya at inabot gamit ang daliri sa maliliit na kamay ng bata.

"Lalaki. Nagsilang ang Señora ng isang malusog na sanggol na lalaki"

"Emmanuel...", sambit niya sa nanghihina niyang boses bago siya tuluyang sugpuin ng antok. Nilinisan ng manghihilot ang sanggol at inabot kay Lucas. Sa kanyang pagkakahimbing hindi na niya napansin ang matiim na tinging ibinigay ni Lucas sa kanilang anak. Inabot niya ang bagong silang sa kanyang pinsan na si Rebecca. Tumulo ang luha sa kanyang mga mata at hinagkan sa noo ang sanggol na ngayon ay mahimbing na natutulog.

"Paalam muna sa ngayon aming munting Emmanuel. Susunod din kami ng iyong ina sa oras na mabuti na ang pakiramdam niya", aniya.

Kalat na sa buong bayan ang naging paglusob ng tulisan sa hacienda ng mga Flores na sa awa ng panginoon ay ligtas na nakalikas bago pa nasunog ang buong lugar. Hindi niya maipaalam iyon sa asawa sa takot na makaapekto iyon sa pagbubuntis nito.

        Yumukod sa kanya ang isang katulong na may dalang panlinis at nilinis ang asawa. Matapos bihisan ay binuhat niya ito patungo sa kanilang kwarto.

"Kamusta na ang pakiramdam mo, mahal ko?"

"S-Si Emmanuel? N-Nasaan na siya?"

Hindi nakaimik si Lucas at yinakap ng mahigpit si Blanca.

"Makikita mo siya kapag malakas ka na kaya magpalakas ka", bulong niya kasabay ng pagtulo ng kanyang mga luha.

Isang malakas na putok ang bumulahaw sa kanila. Nanghihina man si Blanca ay pilit na pinatakas ni Lucas ang kanyang mag-ina papunta sa kakahuyan.

Inilabas niya ang sariling baril at nakipagpalitan ng putok sa mga tulisan. Sinuwerte naman siya na nagpadala ng mga tauhan ang ama ni Blanca kaya hindi na sila nahirapang ubusin ang mga kalaban. Kahit na may tama sa kanang binti ay pinilit ni Lucas na puntahan ang lugar na tinahak ng kanyang mag - ina.

Sa isang kubo natagpuan niya si Barbie na walang malay habang may benda ang isang hita nito.

"Dada.. Meme...",

Nagmulat naman ng mga mata si Barbie. Kaagad na sumungaw ang takot sa mga mata ng kanyang anak at yinakap siya ng mahigpit.

"Dada! Monster took Meme! Monster took Meme!", nagwawalang sabi nito bago mawalan muli ng malay.

"Lucas", tawag ng isang boses sa kanyang likuran. Napalingon naman si Lucas sa nag-aalalang si Markus at ibinigay rito ang kanyang anak.

"Pakiusap kuya, alagaan mo sina Barbara at Emmanuel", mahina niyang sabi.

"Anong ibig mong sabihin?"

Hindi na nagsalita pa si Lucas at tinunton ang daan na may bakas pa ng dugo. Unti-unti lumulukob ang takot sa kanyang puso, dahil kung hindi sa kalaban ang dugong nakikita niya ay sa asawa niya.

"Babawiin kita mahal ko pangako"

El Que Se EscapóTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon