Kabanata 9

1.6K 44 0
                                    

Blanca

"Ouch! What the---?" angil ni Luke.

Huh!

Kinagat ko lang naman ang labi niya. Nyemas ito! Takaw mangnakaw ng halik, kala naman niya ako.

Kinilig ka naman? tanong ng isang bahagi ng utak ko.

Kapal mo! As if kikiligin ako sa isang taong hindi faithful!

Weh? Pero aminin, masarap ang lips niya?

Hindi na ako nagsalita at itinulak ng malakas si Luke dahilan para matumba siya. Tinitigan ko siya ng masama bago sumakay sa sasakyan ni Kate.

"Tara na Kate. Baka makapatay pa ako ng bangus ng wala sa oras!" gigil kong sabi.

Naiiling na lang na sumunod si Kate at iniwan namin si Luke na dumudugo pa ang labi dahil sa kagat ko.

"Magsama kayo ng Carla mo!"

Argh. Bakit kasi ako umasa na may something yung kiss namin?!

Kahit kailan talaga Bea Blanca! Assuming ka! To the effin ang pagka-assuming mo!

"Did I miss something bhess?" nakangising tanong ni Kate.

Inirapan ko siya. "Sa tingin mo may namiss ka? Libreng movie ka na", sabi ko at bumaling sa bintana para hindi niya makita na namumula ang mukha ko.

"Pero grabe Bhest ha?! Sa tingin ko may gusto sa iyo Dr. Luke"

Pumikit na lamang. No. Ayokong mag-assume. Not now or ever. Madami nang tao ang nahalikan, yung iba nabuntis pa pero hindi naging dahilan para mahalin sila ng taong mahal nila. At hindi ako ang taong madaling mag-assume ng isang bagay na alam kong walang patutunguhan lalo pa at obvious na may gusto si Luke kay Carla.

Weh? Di ka assuming Blanca?

Shut up!!

"Gutom lang iyan Kate. Mag-Mang Inasal lang tayo, iyong libre mo ha?"

Umangal naman si Kate ngunit nagkibit balikat lang ako. Hindi naman ako tatanggihan niyan basta ba usaping manok, bhess kami.

Please puso, makipag cooperate ka sa akin ha? Huwag kang mahuhulog kay Luke. Forbidden ang lalaking iyon. Kasing gwapo man iyon ni Superman kasing ugali naman iyon ni Incredible Hulk. Bipolar, babaero at hindi malaman ang totoong ugali.

"Bhess I have a problem at sana matulungan mo ako", ungot ni Kate.

Napadilat naman ako at bumaling sa kanya.

"Ano na naman iyan Katrina?"

Ngumisi lang siya at tumingin sa daan. Sabi ko nga ba eh kaya hindi iyan umangal nang magpasundo ako mula sa malayong lugar. May hihingin iyang kapalit at big time ang kapalit na hihingin niyan.

"Ano pa nga ba ang magagawa ko? Ako lang naman ang solusyon mo sa mo di ba?"

Matamis naman siyang ngumiti sa akin at muling bumaling sa daan. Mariin kong ipinikit ang mga mata ko at maghanap ng tulog.

*********
1896

"Pakakasalan mo si Lucas Archangel sa ayaw at sa gusto mo Blanca!" dumadagundong na sabi na sabi ni Don Mariano.

Sa halip na magulat ay pinanatili lamang ni Blanca ang kanyang pagiging kalmado. Isa lamang ang napatunayan niya, hindi tanggap ng kanyang ama na may iba siyang lalaking sinisinta. Isang patunay na roon ang pagpapalayas nito kay Gabriel at Mariana. Mabuti na lamang at nakakita sila ng isang panuluyang bahay sa bayan ng Sta. Barbara.

El Que Se EscapóTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon