Kabanata 23

1.2K 25 2
                                    

BLANCA

"Saan mo ba ako dadalhin? Kanina ka pa drive ng drive ah!" angal ko kay Gabriel. Ang bilis niya kasing magpatakbo, bakit hindi na lang kami sa pulis pumunta? Naghihinala na tuloy ako sa isang ito.

"Don't think the worst of me, Blanca. Ako pa rin naman ito", matipid niyang ngiting tugon sa akin bago muling bumaling ang tingin sa kalsada. Nawala ang pagkakunot sa aking noo bago tinignan siya ng seryoso. "Bakit nagpanggap ka na hindi mo ako kilala noong una tayong magkita, Gabriel?"

Ngumisi siya habang hindi pa rin inaalis ang tingin sa kalsada. "Want an honest answer? Hindi kita kaagad nakilala, I thought you are just a hot chick na inuwi ni Luke mula sa Manila. But when I find out your name, that's when I start to back off. You are my friend, a true friend. And I know your story that's why when I had a chance, gusto kita i-seduce para ilayo ka muli kay Luke. He can be a villain if wants you know at patawad kung hinayaan kong mangyari iyon sa iyo. He hit me very hard and that time, I swear I've seen many dancing stars", aniya at marahang tumawa.

Natahimik lang ako at bumaling sa bintana. "But I tried, I tried so hard to reach you. Tried so hard to take you away from him"
Napaangat ako nang tingin sa kanya at maang na tinitigan siya. "But why?" Muli ay ngumiti siya ngunit mapakla iyon. "Because I like you. A lot."

My mouth fell open habang pinagmamasdan siya. "You're... you're kidding! Di ba si Carla ang gusto mo?"

"She's my youngest cousin", aniya na nagpanganga lalo sa akin. He laughed humorlessly nang siguro maalala ang mga kwento niya noon.

"Of course, I would give her everything, she's my cousin. But what I said about love is true, pareho tayong tanga pagdating sa mga taong mga mahal natin, I'm in love with you yet I can't said it out loud. I'm afraid that if I do that lalayuan mo ako. So I came up with the only one scheme I know, that is telling you a story that same as you. Alam ko kasi na mas mapapalapit ako sa'yo by means kung maiintidihan ko ang nararamdaman mo, and I do. But when you asked me what is her name, natorpe na naman ako. I can't think other name than my younger cousin's name, so I say it. Napalapit ako sa'yo and place some common sense inside your pretty brain about that jerk yet palagi mo akong binabara about my undying love to a certain person that is really the same person talking to me saying to me to move on from her. You know, gaano kasakit payuhan ka ng taong mahal mo ng ganoon nang hindi niya alam na nasasaktan ka na niya? It sucks"

Napatungo ako.

"Si Carla---"

"She's stupid. Ilang beses ko na siyang pinaalalahanan na may asawang tao na si Lucas pero hindi siya nakinig. She was obsessed with him, pasensya na kung hindi ko na iyon napansin pa. But don't worry, I'll help you, at pagkatapos nito sabay nating pagtutulungan tuktukan ang magaling kong pinsan"

I smiled at him. "Thank you"

He smiled at me with sadness in his eyes. "Once upon a time, I promise a girl that if we ever meet in a second lifetime, hindi ko na siya pakakawalan pa. But I suck up. Hinayaan ko siyang makawala sa akin, hinayaan ko siyang muling maagaw. Siguro may next lifetime pa, sana, if that came, doon ko na lang siya liligawan at bubuo ng happily ever after kasama siya. When that came, I'm sure I'll never gonna hurt her the way that the man she'd love hurt her. I'll treasure her, like what I had promise to myself but for now, kailangan niyang bumuo ng happily ever after sa ibang lalaki. Sa ibang lalaki na alam kong masaya siya, magbibigay ng kasiyahang hindi ko maibibigay, kaya sa next lifetime, pasensyahan kami ng Jerk na iyon, dahil gagawin ko ang lahat para maging akin siya. Sa akin siya maiin love at ang jerk na iyon ang manghihinayang"

I laughed at his statement. Hindi ko na napigilan pa ang mga luha ko sa pagpatak. "I'm sorry. Bakit ngayon mo lang sinasabi ang mga ito huh?"

Napakamot siya sa kanyang batok habang hindi pa rin inaalis ang tingin sa kalsada.

"Pampalakas ng loob? Haha. Para magfeeling ganda ka naman at maboost ang self-confidence mo na mahal ka talaga ng jerk na iyon"
Hinampas ko siya sa braso niya na nagpatawa sa kanya. "See what I really meant? Nabawasan ang tension, grabe ka naman kasi kaseryoso, hindi na ako magtataka kung sa kaseryosohan mo, mamaya magmukha ka nang lola sa dami ng wrinkles, 43% kaya ng muscles ang nagagamit kapag tayo ay nakasimangot, 17% kung smile kaya doon ka na sa less"

"Huwag kang mag-alala. Hindi ko hahayaan na wala kang happy ending. Teka napatawad mo na ba ang gunggong na iyon? Baka naman mamaya, hindi pa pala, tapos humahabol pa tayo. Kung galit ka pa, pabayaan mo na iyon sa obsessed kong pinsan para matorture naman---"

"Gabriel!"

"Kidding. So? Napatawad mo na ba?"

Tumango ako. Siguro nagalit ako sa kanya noon, but he make me fall in love with him again, and he'll gonna pay for it. A lifetime sentence. Iyon ang parusa niya. Napabuga siya sa hangin at sinuklay ang kanyang buhok. "Lucky b*st*rd, may tangang nagmamahal sa kanya"

"Tanga ka rin, you know",

He just smiled and speed up the car. I silently prayed for Lucas. 'Please be safe, Lucas'

******
1893

Hindi mapigilan ni Blanca na hindi mapaluha habang pinagmamasdan ang kapirasong tinapay sa kanyang mga kamay.

       Maghapon siyang pagod sa trabaho ngunit tanging ang tinapay na iyon lamang ang naging pakain sa kanya mga among kanyang pinagta-trabahuan. Pinutol kasi ng kanyang ama ang ugnayan sa kanya at dahil nalamang buntis  siya ng tinapayan na pinagta-trabahuan niya ng walang asawa ay natanggal siya.

"Patawarin mo anak ang ina mo, kung hindi tayo makakain ng maayos"

Natigilan siya ng may mag-abot sa kanya ng isang supot ng tinapay.

"Take it. Other than me, no ones gonna eat that. And I'm so sick of eating other than that morning, afternoon and evening", anito na tila nasusuka ang mukha.

Akmang aabutin na niya sa kamay nito ang tinapay ng biglang tumunog ang tiyan nito. Sa isang iglap ay namula ang mukha nito bago bumaling sa ibang direksiyon.

"Take it. Before I change my mind!" usisa nito.

Ngumiti lang siya ng bahagya at tinanggap iyon. Ngunit imbes na kainin ay pinaghati niya iyon sa dalawa at inabot dito ang kalahati sa pagtataka nito.

"You're sick of it, yet you still need it to live", wika niya at dinala sa labi ang natirang tinapay sa kamay.

Napangiti siya sa sarili kasabay ng pagtingala sa kalangitan.

"I'm Gabriel"

"Blanca", tugon niya.

El Que Se EscapóTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon