Kabanata 24

1.1K 20 0
                                    

1898

"Mariana, what's the meaning of this? Let me go. My family needs me", kalmadong sabi ni Blanca sa nagmamakaawang tono. Masyado na siyang nanghihina at marami na ring dugo ang nawawala sa kanya,pagod na siya buhat sa panganganak at ngayon ay may daplis pa siya ng bala sa kanyang ulo. Nakatali ang kanyang mga kamayat paa, sa tantya niya ay dinala siya ni Mariana sa isang abandonadong bahay, pakiramdam niya ay lolobo ang ulo niya nang makitang unti-unti nang nilalamon ng apoy ang buong bahay.

Natawa ang babae na parang nababaliw at hinila ang kanyang buhok. Napangiwi siya sa sakit ngunit pilit siyang nagpakatatag.  "What do you think of me? A friendly person that you know? Oh come on Blanca. You know why I only come with you, it's because of Gabriel", anito at ngumisi.

Muli siyang napadaing ng hilahin muli nito ang kanyang buhok. Isang ungol ang kumawala sa kanyang labi sa ginawa nito. "Mariana..."

Binitawan nito ang buhok niya at dumistansya sa kanya, akala niya ay pakakawalan sa siya nito ngunit ganoon na lamang ang panlalaki ng kanyang mga mata ng itutok nito sa kanya ang hawak nitong baril. "Good bye, my friend". Pauyam nitong sabi.

Naipikit niya ang kanyang mga mata at inintay ang sakit ng marinig niya ang malakas na putok ng baril. Nang imulat niya ang kanyang mga mata ay panlalamig at takot ang kanyang naramdaman sa bumungad sa kanya. "Ma-Mahal ko..."

"Lucas!" sigaw niya. Tila nagkaroon siya ng lakas at patakbong pinuntahan ang asawa. Napahagulhol siya dahil gusto niyang hawakan ang asawa ngunit hindi niya magawa dahil sa mga nakataling kamay niya.

"Aww. He's so sweet, let's stop this intro... bye bye... b*tch!"

Muli umalingawngaw ang isang malakas na putok ng baril, tumumba si Mariana. Hilam ng mga luha ang mata ni Blanca habang pinagmamasdan an gang humihingal na si Gabriel na may hawak na baril na ginamit para patayin si Mariana. Matapos itapon ang baril ay lumapit ito sa kanya at kinalagan siya ngunit wala rito ang atensyon niya. Sa nanghihina niyang katawan ay nilapitan niya ang asawang naghihingalo.

"Bakit mo iyon ginawa, Lucas?"

Ngumiti ito at pilit na hinaplos ang pisngi niya. "Mahal kita, mahal ko", anito kasabay ng pag –ubo ng dugo. "Blanca kailangan na nating umalis dito. Lumalaki na ang apoy" si Gabriel.


Umiling lang siya at pilit na ngumiti rito nang tingalain niya. "Hindi ko na magagawa pa iyon, Gabriel. Bilang na rin ang oras ko. Iwan mo na kami. Madadamay ka lang kung ipiplit mo pang iligtas ako"

Dumaan ang kirot sa mga mata nito at tumalikod sa kanya. Natigilan ito nang muli ay tawagin niya ito. "Nakakapagtagalog ka na rin. I'm so proud of you"

Tumango lang ito at tipid na ngumiti sa kanya. Matapos iyon ay patakbo itong umalis sa nasusunog na bahay, hindi na niya nakita pa ang tuloy – tuloy na pagpatak ng mga luha nito. Mariin niyang nakagat ang ibabang labi habang pagapang na linapitan ang asawa, sa natitirang lakas ay kinabig niya ang katawan nito at yinakap ng mahigpit. Nanghihina man ay gumanti ito ng yakap sa kanya at tinitigan ang kanyang mga berdeng mata.

"M-mahal kita"

Matamis na ngumiti siya at hinagkan ito. Sa mga mata nila, ay makikita ang kapaguran, nag – aalala siya para sa kanilang mga anak ngunit hindi na niya maitatanggi pa ang pagkatok ni kamatayan.

"N-Napatawad mo na ba ako?"

Tumango siya kasabay ng pagtulo ng mga luha. Pumapaso na ang init sa kanilang balat ngunit hindi nila iyon alintana. "Sa susunod na buhay. Mamahalin at mamahalin pa rin kita, masaktan mo man ako ng paulit – ulit, isang paumanhin lang, isang halik lang at pangakong hindi na mauulit pa ay patatawarin na kita", masuyo niyang sabi.

Lalong bumuhos ang mga luha niya ng hindi na ito sumagot pa. Hindi na niya nararamdaman pa ang paghinga nito. "Ano man ang mangyari Lucas, mamahalin pa rin kita. Iintindihin kita sa abot ng makakaya ko dahil ganyan ako magmahal"

Naipikit niya ang mga mata nang unti – unti nang bumigay ang kisame ng bahay.  Patawarin niyo ako mga anak ko, hanggang dito na lamang ang mommy niyo.

El Que Se EscapóTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon