Shara.
"Ikaw si Shara diba?"tanong ni Clide sakin.
"Yup,ako ang bestfriend ni Devine"sabi ko.
"Na tutor ni Jerick?"tanong niya ulit
"Pero teka tutor ka lang ba talaga niya?"tanong niya ulit
"Oo tutor niya ako, tutor lang"sagot ko naman.
"Eh kung tutor ka lang niya bakit ka nakapasok sa kwarto niya? Ang alam ko yung yaya at mommy lang ni Jerick ang pwedeng pumasok sa kwarto niya"tanong niya habang nakataas ang isang kilay niya.
"Kahit nga kaming tatlo ng G4 ay hindi makapasok"sabi niya habang lumalapit ng kaunti sakin.
"Ahhh ehhh ahhmm. Mabuti pa bumaba na tayo kanina pa siguro naghihintay si Devine satin"iyun nalang ang nasabi ko
"Fine,pero ano-"tipid niyang sabi
"Wala nang pero pero diyan tara na"utos ko
"Aba aba ikaw lang ang babaeng gumanyan sakin ha"sabi niya habang
Kinakamot ang batok niya.Nginitian ko nalang siya at tinarayan
"Ate Gorgeous kamusta na si Kuya?"tanong ni Kate at may hawak hawak na manika kaya tumakbo ako at nagtago sa likod ni Clide.
"Waaaaaaa!"sigaw ko
"Bakit ate anong nangyayari?"nag aalalang tanong ni Kate.
"Ma-manika,ilayo mo yan Kate please" naiiyak na ako habang nakiki-usap.
Nagulat nalang ako dahil niyakap ako ni Clide.
"Huwag kang umiyak,manika lang naman yan eh"sabi ni Clide habang nakayakap pa din sakin.
"Pe-pero nakakatakot yan eh"tuluyan na akong umiyak.
"Ate,sorry hindi ko alam na takot ka pala sa manika, pero ate Gorgeous wala na siya hu"sabi ni Kate sabay taas nang dalawa niyang kamay na nagpapahiwatig na wala na ang manika.
"Anong nangyayari?"boses iyon ni Jerick
Kumawala ako sa yakap ni Clide
"Bakit dito kayo nagyayakapan sa pamamahay ko?"seryoso niyang tanong
"Bro, I tried to make her calm"sabi ni Clide
"Why? What happened?"seryoso pa ding tanong ni Jerick.
"Ate Gorgeous was afraid when she saw my doll"Kate explained.
Pero ako dito natatakot pa din. Ewan ko ba bata pa lang ako takot na ako sa dolls para kasi silang witch.
"Takot ka sa manika?"direktang tanong ni Jerick sakin.
"Hindi, masaya ako kung nakikita ko sila kaya nga umiyak ako eh noh?"mataray kong sagot
"Hindi naman pala eh ibigay mo nga sa kanya ang manika Kate"nakangiti niyang sabi.
"Waaaaaaah! Huwag"sigaw ko
"Sabi mo hindi ka takot diba?"
"Takot ako, takot ako!"sigaw ko parin.
"Dont worry Ate Gorgeous hindi ko na ipapakita si Jenny sayo"sabi ni Kate.
"Jenny?"tanong ko
"Opo,Jenny ang pangalan ng manika ko"sabi niya
Medyo natawa ako kapangalan kasi niya ang step-sister ko.
"Ahh, Thank you Kate"sabi ko sabay yakap sa kanya.
"Alam niyo parang magkamukha kayo"seryosong sabi ni Clide.
BINABASA MO ANG
I'm The Tutor of This Bad Boy
Teen FictionBeing a bad boy is just a habit for Jerick Kyle Lee. He doesn't follow rules because he is the one who make them. He wants to see his schoolmates suffering except for one girl. Everytime she is in trouble Jerick always tried to save her and he does...