Chapter 47: Wedding Day

2.3K 76 2
                                    

Shara.

"Beh, dalian mo na,malalate na tayo" sabi ni Devine.

Nagsusuot pa kasi ako ng sandal ehh.

"Teka bakit kay Kurt ka sasakay?"tanong ko habang papasasok siya sa kotse ni Kurt.

"Akala ko break na kayo?"dagdag ko pa.

"Beh, Hindi totoo iyon"sabi niya kaya nagtaka ako

"Plano lang naming anim iyong nangyari kagabi baka kasi magbago pa isip mo nung gabing iyon, baka kasi ipaglalaban mo na si Jerick"nakangiti niyang sabi.

"At ngayon, hindi na namin hahayaan na magbago pa ang isip mo kaya tara na"dagdag pa niya.

"Wait, ano bang plano niyo?"nagtataka kong tanong.

"Basta"sabi niya sabay hila sakin papasok ng kotse.

Sumakay na kami ng kotse at pumunta sa tagaytay doon kasi ikakasal si Jerick at Daisy.

Mga ilang oras palang ay nakarating na kami. Madami nang tao kaya pumasok na kami.

Nakatingin lang ako sa altar. Nakita ko din si Jerick na nag-hihintay para pumasok si Daisy.

Mga ilang minuto nagsimula na ang ceremony.

Pumasok ang Bride's maid. Flower girl si Kate ang half-sister ko. Best man si Kurt.

"Ang pogi ng boyfriend ko"bulong ni Devine.

"Sabi mo ehh"sabi ko

Pumasok na si Daisy. Ang ganda niya halata ang saya sa kanyang mga mata.

Napatingin ako kay Jerick pero nagulat ako dahil nakatingin siya sakin. Halata din ang gulat sa mga mata niya hindi niya siguro ine-expect na dadalo ako sa kasal niya.

Binalik ko nalang ang tingin ko kay Daisy na ngayon ay katabi no si Jerick sa altar.

Dapat ako ang kasama ni Jerick diyan eh. Dapat ako ang nakangiti ng ganyan at hindi ikaw Daisy. Dapat ako ang makakasama niya habang-buhay. Dapat ako lang.

Nagsimula na ang kasal.

"Daisy Chua, timatanggap mo ba si Jerick Lee bilang iyong asawa sa hirap man o ginhawa kayo ay magsasama?"tanong ng Judge sa kanila.

"I do"nakangiting sagot ni Daisy.

"Jerick Kyle Lee,tinatanggap mo ba si Daisy Chua bilang iyong asawa sa hirap man o ginhawa kayo ay magsasama?"tanong ng judge sa kanya.

Napatingin si Jerick sakin parang nag-aalinlangan siya pero tumango ako at tinaas baba ang ulo ko na ibig sabihin ay mag-oo siya.

Kahit masakit Jerick tatanggapin ko.

Tumingin siya kay Daisy at magsasalita na sana ngunit

"Itigil ang kasal!"boses iyon ni Devine

Nasa tabi ko siya at nakatayo na pala.

"Teka Devine, hindi pa ito diba magtatanong pa ang judge na kung sino ang tututol sa kasal doon tayo tatayo?"bulong ni Ate Jade sabay hila kay Devine para umupo.

"I'm sorry Jade but I think this is the right time, ayoko nang nakikitang nasasaktan ang kaibigan natin"bulong din ni Devine kaya tumayo na din si Ate Jade.

"Tama! Itigil ang kasal!"nakisigaw na din si Ate Jade habang ako parang natataranta sa ginawa nila.

"Oo nga!"sigaw din ni Caroline.

"Girls, ano to tama na"bulong ko sa kanila.

Nakakahiya dahil nakatingin na ang lahat ng tao na nandito sa loob.

I'm The Tutor of This Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon