Chapter 37: Pride

1.9K 72 0
                                    

Shara.

"Fluffles come here"tawag ko sa pusa ko kaya lumapit naman siya.

"Meoww"sagot naman niya kaya binuhat ko siya.

"Isasama ka ni Mommy ngayon sa Batangas ha,para naman makapag bonding tayo"nakangiti kong sabi.

"Hoy Panget tara na sa labas"sabi ni Kuya Kenth sakin kaya ibinaba ko si Fluffles atsaka binuhat ang mga gamit ko. Nakasunod lang si Fluffles sakin.

Paglabas ko ng gate nandito na pala ang G4 at ang girls naghihintay lang. Napatingin ako kay Jerick pero umiwas ako agad ng tumingin din siya sakin.

"Kuya ilagay mo diyan oh"utos ko kay Kuya sabay abot ng bag ko sa kanya kaya kinuha naman niya agad.

"Wala na kayong space ni Fluffles dito kaya doon ka nalang sa kontse ni Jerick sumakay"sabi naman ni Kuya sabay lagay ng bag sa kotse niya.

Oo nga puno na ng mga gamit ang kotse niya pero may isang upuan pa naman na bakante ehh.

"Diyan ako oh"sabi ko sabay turo sa front seat.

"Sorry Shara, ako na diyan ehh"boses ni Ate Jade kaya napalingon ako sa kanya.

Binuhat ko nalang si Fluffles at nagpunta na lang ako sa kotse nila ni Devine at Kurt.

"Beh, dito kami ni Fluffles ha"sabi ko sa kanya.

"Naku Beh,ayaw namin ng istorbo ng Boyfie ko noh, Diba Mhine"sabi ni Devine sabay tingin kay Kurt.

"Oo Shara pasensya kana"sabi naman ni Kurt sakin.

Nagtungo ako sa kotse ni Clide at Caroline.

"Caroline, pwede ba kami ni Fluffles dito?"tanong ko sa kanya.

"Awwww, awww"tahol ng aso na nasa loob ng kotse niya kaya napatalon si Fluffles at tsaka siya tumakbo.

Hinabol ko siya pero bigla siyang umakyat sa nakabukas na pinto ng kotse ni Jerick.

"Fluffles come here na"sabi ko sa kanya pero hindi siya lumapit sakin atsaka siya humiga sa upuan ng kotse ni Jerick sa likod.

"Baby Boo,sumakay kana"sabi ni Jerick tumingin ako sa kanya atsaka binalik ang tingin ko sa pusa ko.

"Shara sakay"sabi naman ni Kuya.

"Ayoko"tipid kong sabi.

"Isa"seryoso niyang sabi.

"Fine,ito na sasakay na"sabi ko atsaka umupo sa front seat ng kotse ni Jerick atsaka ako nag cross arms.

Nakita kong nag apear sila ni Kuya at Jerick atsaka na pumasok si Jerick sa kotse at pinaandar ito.

Tahimik lang kami habang nasa biyahe ng biglang lumapit si Fluffles sakin na nasa likod.

"Fluffles, may kasalanan ka kay Mommy ha"kausap ko sa kanya atsaka ko siya pinaupo sa lap ko.

"Meow"sabi niya atsaka humiga para matulog ulit.

Hindi ko na din napigilan ang antok ko kaya napatulog na din ako.

Mga isang oras na din siguro ang tulog ko nang magising ako dahil sa sakit ng tiyan ko. Hindi pa pala ako nakakakain mula kanina. Napatingin din ako sa orasan 12:00 pm na pala.

"Ouch"bulong ko sa sarili ko.

"Baby Boo,ok ka lang ba?"tanong ni Jerick sakin tsaka niya itinigil ang kotse.

"Gutom lang"tipid kong sagot at agad naman siyang bumaba at may kinuha sa likod ng kotse niya.

"Eat this"sabi niya sabay abot ng ube cupcake.

Hindi na ako nagdalawang isip. Kinuha ko agad ang ube cupcake atsaka ko ito kinain.

"Let's go?"sabi niya tsaka pumasok ng kotse kaya tumango nalang ako

Tahimik parin kami sa byahe hanggang sa makarating kami sa Batangas. 6:00 pm na pero tulog parin ang pusa ko kaya binuhat ko nalang siya.

Bumaba na si Jerick ng kotse atsaka siya nagtungo sa isang pinto para pagbuksan ako. Bumaba ako ng walang emosyon nagtatampo pa talaga ako sa kanya eh.

"Guys pakilagay nalang ng gamit niyo sa loob. Kung sino ang kasama niyo sa kotse magkasama din kayo sa room ok?"sabi ni Ate Jade.

Sinasadya ba talaga nila ito?

Kinuha ko nalang ang bag ko sa kotse ni Kuya habang buhat-buhat ko parin si Fluffles atsaka ako pumasok sa isang room.

"Fluffles dito ka muna matulog ha?"sabi ko sabay baba sa kanya sa kama. Hanggang ngayon tulog pa talaga siya eh.

Nilagay ko ang gamit ko sa isang Cabinet. Pumasok na din si Jerick, nilagay niya din ang mga gamit niya atsaka siya lumabas ng room.

Kumuha ako ng biscuit para kay Fluffles para kainin niya kapag gumisig na siya. Pagtayo ko wala na si Fluffles sa kama.

"Fluffles, where are you?"sabi ko habang hinahanap siya sa ilalim ng kama.

"Fluffles?"tawag ko sa kanya atsaka ako lumabas ng room para hanapin siya. Naiwan pala ni Jerick na naka bukas ang pinto.

Nakita ko si Kuya Kenth at Ate Jade sa labas kaya lumapit ako sa kanila.

"Ate, nakita mo ba si Fluffles?"pag-aalala kong tanong.

"Hindi ehh,diba magkasama lang kayo kanina?"tanong niya sakin.

"Opo pero lumabas siya ng room eh"sagot ko atsaka ako umalis.

Nagtungo ako sa isang garden nakita ko si Jerick na nakaupo. Buhat-buhat niya si Fluffles.

"Fluffles, kanina pa kita hinahanap ha"sabi ko habang lumalapit sa kanila.

"Come here"sabi ko atsaka ko siya kinuha kay Jerick.

"Pinag-alala mo ako"sabi ko sabay yakap sa pusa ko.

"Bakit mo siya hawak-hawak?"pagtataray kong tanong kay Jerick.

"Sumunod lang siya sakin kaya binuhat ko siya"paliwanag ni Jerick.

Tumalikod nalang ako at naglakad palayo ng may biglang yumakap sakin mula sa likod.

"Baby Boo, sorry na alam please takot akong mawala ka"sabi niya.

Bumilis ang tibok ng puso ko hindi ko kasi akalain na magsosorry ang mapride kong boyfriend.

"I miss you"dagdag pa niya.

"Ikaw, sabihin mo namang na miss mo din ako oh"sabi niya kaya ko humarap sa kanya.

"Kailangan ko pa bang sabihin iyon?"sabi ko sabay yakap sa kanya ngayon nasa gitna namin si Fluffles.

"I love you"mahina kong sabi pero narinig naman niya.

"I love you more than forever, Baby Boo"sabi niya atsaka niya ako hinalikan sa noo.

Pasalamat ang Bad Boy nato dahil hindi ko siya matiis.

I'm The Tutor of This Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon