Chapter 40: Decission

1.8K 58 0
                                    

Kurt.

Kailangan kong puntahan si Jerick alam kong may masamang balak na naman si Daisy.

"Ano?hahayaan mo nalang mamatay ang Prinsesa mo o magpapakasal ka sakin?"boses iyon ni Daisy kausapa niya pala si Jerick kaya dali-dali akong lumapit sa kanila?

"Ano na naman ang balak mo Daisy? Pwede ba tanggapin mo nalang na mas mahal ni Jerick si Shara kaysa sayo!"sigaw ko sa kanya.

Kahit kailan talaga baliw na baliw na itong si Daisy sa kaibigan ko.

"Shut up Bro!"sigaw ni Jerick sakin pabalik.

"Pag-iisipan ko"sabi niya kay Daisy.

"Very good my Baby Boy"sabi niya sabay halil sa noo ni Jerick atsaka siya umalis.

"Bro ano iyon?hahayaan mo na lang siyang-"hindi ko na natuloy ang sasabihin ko.

"Handa akong magsakripisyo kahit kaligayahan ko para lang kay Shara!"sigaw niya sabay hawak sa kwelyo ko.

"Sa tingin mo ikakasaya din to ni Shara?"seryoso kong tanong sa kanya

"Tama si Tito Sander, sana nga hindi ko nalang namin pinag patuloy ang pagmamahalan namin ni Shara dahil mas lalo lang kaming masasaktan"sabi niya sabay bitaw sa kwelyo ko.

"Bro,lumaban ka para sa inyo ni Shara"sabi ko sa kanya.

"Bumalik na tayo sa lodge"seryoso niyang sabi.

"Teka, si Daisy ba ang may pakana ng Death Treat kay Shara?"tanong ko sa kanya.

"Oo, kaya hundi ko kaya kung may malala pang mangyari  sa kanya"sabi niya sabay talikod at naglakad pabalik sa Lodge.

Hindi ko masisisi si Jerick sa desisyon niya kung totoong palalayain niya nalang si Shara dahil para din naman ito sa babaeng mahal niya.

-Jerick.

Pumasok na ako sa room. Nakita ko si Shara na mahimbing nang natutulog kaya sinamantala ko na ang pag-aayos ng gamit ko para umalis.

"Baby Boo, I love you more than Forever...pero kailangan kong isipin ang kapakanan mo"bulong ko sabay halik sa noo niya.

Napagalaw siya kaya dali-dali na akong lumabas ng room para umalis.

Sumakay ako ng kotse ko atsaka umalis buti nalang hindi sila nagising.

Calling:Daisy

"Oh?"sabi ko

"Nakapag-decide kana ba?"malanding sabi niya.

"Oo"tipid kong sagot atsaka ko binaba ang phone.

Umuwi na ako sa mansion at nakita ko si Yaya Gina na nasa kusina pa.

"Master, nandito kana pala? Kasama mo si Gail sa pagbabakasyon noh?"nakangiti niyang sabi.

"Hindi ko po akalain na siya parin ang nagpapasaya sa inyo hanggang ngayon"sabi niya ulit.

"Kaya siya rin ang magpapalungkot sakin"seryoso kong sabi atsaka umupo sa mesa hindi ko na namalayan na may tumutulong luha na pala sa pisngi ko.

Hindi ko akalain na si Shara Gail parin ang dahilan ng pagluha ko ever since.

"Teka master,anong nangyari"pag-aalala niyang tanong.

"Kailangan ko nang magpahinga yaya"sabi ko atsaka nagtungo sa kwarto ko.

Bago man ako matulog nag-isip ako nang mabuti hanggang sa nakapag desisiyon na ako. Kaya tinext ko si Kurt.

To: Kurt

Papuntahin mo si Shara sa engagement party bukas.

-Shara.

Pa-uwi na kami ng bahay nakisakay nalang ako sa kotse nila ni Clide at Caroline hindi ko kasi kasama si Jerick eh. Nauna na daw siyang umuwi may aasikasuhin lang daw siya.

Baka inaasikaso niya ang engagement party na mangyayari mamaya para ipatigil ito.

Nakarating na ako sa bahay atsaka na ako pumasok.

"Shara,pumunta ka mamaya sa engagement party ha"tawag ni Kurt sakin bago ako makapasok ng tuluyan kaya nakangiti akong tumango atsaka na pumasok ng bahay.

"Hi Mama, I miss you"sabi ko nang makita ko si mama na nagluluto sa kusina.

"I miss you too Honey"sabi niya sabay lapit sakin.

"Honey may sasabihin ako tungkol kay papa Sander mo"seryoso niyang sabi.

"Alam ko na ma, na step father siya ni Jerick atsaka may half sister ako na nag ngangalang Kate"paliwanag ko sa kanya.

"Alam mo na? Kailan?"nagtataka niyang tanong.

"Hindi na importante iyon ma ang mahalaga masaya naman tayo kahit wala siya diba?"nakangiti kong sabi

"Tama ka anak,Big girl kana talaga"sabi ni mama sabay yakap sakin

"Auhhh ma,magbibihis po muna ako ha may pupuntahan lang po kasi kaming party"sabi ko kaya bumitaw siya sa yakap sakin.

"Ok Honey"nakangiti niyang sabi kaya nagtungo na ako ng kwarto para magbihis.

Nagsuot nalang ako ng dress at isinuot ang moon necklace na binigay ni grandma.

Mga ilang oras ay lumabas na ako ng bahay at nakisakay sa kotse ni Kuya Kenth para pumunta sa engagement party.

"Ready kana ba sa mangyayari mamaya?"tanong ni Kuya.

"Kinakabahan ako Kuya"sabi ko sa kanya.

"Huwag kang mag-alala ipaglalaban ka ni Jerick kahit na pangit ka"sabi niya sabay tawa.

"Whatever"pagtataray ko.

Mga ilang minuto ay natatanaw ko na ang Hotel kung saan mangyayari ang Engagement party malapit lang pala ito sa park na lagi namang pinupuntahan ni Kyle.

"Tara na?"tanong ni Kuya Kenth kaya tumango nalang ako.

Pumasok na kami ni Kuya Kenth sa loob ang daming bisita.

"Bal! Dito"tawag ni Ate Jade kaya lumapit kami ni Kuya Kenth sa kanila sa table.

Kompleto na pala kami maliban kay Jerick.

"Ladies and Gentlemen we are proud to introduce to you Jerick Kyle Lee and Daisy Chua. Welcome to there engagement Party"nakangiting sabi ng Daddy ni Daisy.

Lumabas na silang dalawa na magkahawak ang kamay. Ang sakit sa mata ha,pati na sa dibdib.

Kinuha ni Jerick ang mic kaya bigla akong kinabahan.

"Thank you for coming in our engagement party and I also inviting you all to witness our wedding next month after the graduation."nakangiti niyang sabi.

Napatayo ako sa sinabi niya kaya napatingin si Jerick sakin. Hindi ko napigilan ang pagtulo ng luha ko sa aking pisngi. Nanginginig ang tuhod ko pero sinubukan ko paring tumakbo palabas ng Hotel.

Patuloy lang ako sa pagtakbo hanggang sa makadating ako sa park.

"Jerick, why?"sigaw ko atsaka ako napaupo sa waiting shed.

"Akala ko lalaban tayo?"bulong ko sa sarili ko habang patuloy na umaagos parin ang luha sa mga pisngi ko atsaka ko tinakpan ang mata ko nang aking mga palad.



I'm The Tutor of This Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon