Shara.
Nandito ako ngayon sa harap ng mansyon nila ni Jerick pinapunta niya kasi ako dito para kay Kate.
"Hello po nandyan po ba si Jerick?"tanong ko sa guard nila.
Hindi na kasi ako nagpasundo kay Jerick sa bahay.
"Opo, kayo po ba si Ms. Shara?"tanong niya sakin.
"Opo"nakangiti kong sabi
"Hindi ko naman po pala masisisi si Master kung bakit ka niya minahal"nakangiting sabi niya
Napangiti ako sa sinabi niya.
"Pasok po kayo Ms."sabi niya ulit at pumasok na din ako.
"Yaya Gina?"bulong ko sa sarili ko.
Nakita ko kasi ang isang babae sa garden nila ni Jerick pero hindi ako sigurado kung si Yaya Gina ba talaga iyon pumasok na kasi siya sa loob?Ang yaya ni Kyle noong bata pa kami.
"Ate Gorgeous!"sigaw ni Kate sakin.
"Hello Baby girl,nasan ang Kuya mo?"tanong ko
"Nag-uusap lang sila ni mommy,mauna nalang po tayo sa taas"sabi ni Kate sakin.
"Tara"sabi ko naman
Pumasok na kami sa bahay nila at umakyat.
"Ate Gorgeous mauna ka nalang po sa kwarto ko may kukunin pa kasi ako eh"sabi ni Kate.
"Sige sumunod ka ha?"nakangiting sabi ko sa kanya.
"Ok po"sagot naman niya.
Papasok na sana ako sa kwarto ni Kate pero napahinto ako nang may narinig akong nag-uusap sa isa pang kwarto.
"Jerick, kailangan mong pakasalan si Daisy"boses iyon ni Madame Lee.
"Mom,Hindi ko kasalanan kung bakit nalugi ang kompanya kaya huwag niyo akong idamay sa problemang to!"sigaw ni Jerick.
"Son, iyon nalang ang paraan na naisip ni Tito Sander mo para hindi tuluyang malugi ang kompanya at isa pa ang pamilya Tan nalang ang makakatulong satin"paliwanag ni Madame
"I'm sorry mom I can't. May mahal akong iba at kung may papakasalan man ako si Shara iyon hindi si Daisy"sabi ni Jerick
Ramdam ko ang pagiging seryoso ni Jerick sa sinabi niya.
"Jerick,subukan mong sawayin ang utos ng mommy mo ako ang gagawa ng paraan para hindi kayo maging masaya ni Shara!"boses nang kinamumuhian kong tao sa mundo si Sander ang ama ko.
"Subukan mo! Ako ang makakalaban mo!"sigaw naman ni Jerick.
"Sumasagot kana?!"sigaw ni Papa sa kanya.
"Stop it Sander"boses ni Madame Lee.
"Anak sana magbago pa ang isip mo"dagdag pa niya.
"Hindi na mom I'm sorry"seryosong sabi ni Jerick
Nagulat nalang ako ng bumukas ang pinto kaya agad akong pumasok sa kwarto ni Kate.
"Kuya nandito na po si Ate Gorgeous"dinig ko na sabi ni Kate na nasa labas ng kwarto.
"Where is she?"tanong ni Jerick.
"Nandito po"sabi ni Kate
Sabay pasok sa kwarto.
"Hello Baby Boo"nakangiting sabi ni Jerick.
Ang galing talagang mag pretend nang lalaking to. Kanina galit na galit siyang nakikipagtalo sa mommy at Tito Sander niya ngayon parang abot langit ang ngiti niya.
BINABASA MO ANG
I'm The Tutor of This Bad Boy
Teen FictionBeing a bad boy is just a habit for Jerick Kyle Lee. He doesn't follow rules because he is the one who make them. He wants to see his schoolmates suffering except for one girl. Everytime she is in trouble Jerick always tried to save her and he does...