Shara.
Mga isang oras kaming naghintay sa labas ng compound nang nakalabas na ang G4.
Nakita ko si Kuya Kenth na unang lumabas at pangalawa si Jerick. Tumakbo siya papalapit sakin.
"Shara, ok kalang?"sabi niya sabay yakap sakin ng mahigpit.
"Bitawan mo ako! Hindi mo na ako mahal diba?"sigaw ko at pilit na umalis sa yakap niya kaya bumitaw naman siya.
"Ay mali, hindi mo naman talaga alo minahal!"dagdag ko pa at pilit na pinipigilan ang mga luhang namumuo sa mga mata ko.
"Shara, nagkakamali ka"sabi naman niya sabay hawak sa braso ko.
"Please let me explain"dagdag pa niya.
"Ano pa ba ang kailangan mong eh explain? Sige nga ipaliwanag mo sakin bakit sinabi mong hindi mo na ako mahal kanina noong nakidnapped tayo?"seryoso kong tanong pero hindi ko na napigilan ang pagtulo ng luha ko.
"Shara iyin nalang ang naisip kong gawin para pakawalan ka nila, dahil baka mas mapahamak ka kung totoo ngang ikaw ang dahilan kung bakit ayaw ko kay Daisy"paliwanag niya.
"Hindi ako naniniwala"sabi ko atsaka ko siya tinalikuran.
"Kailangan kong mag-explain"sabi niya sabay buhat sakin.
"Jerick anong ginagawa mo! Ibaba mo ako"sigaw ko sa kanya habang pinipilit na bumaba pero ang lakas lakas niya.
"Bro! Pahiram muna nang pinsan mo ha"sabi niya sabay pasok sakin sa kotse niya at isinara ito.
I tried to open the door but Kuya Kenth push it just to stop me from opening the door.
"I got you Bro"nakangting sabi ni Kuya.
"Ano ba! Kuya open it!"sigaw ko pero hindi siya nakikinig.
Dali-daling sumakay si Jerick sa kotse atsaka niya ito pinabilis na umandar.
"Jerick, saan mo ako dadalhin?"pagtataray ko
Medyo nag-behave ako nang umandar na ang kotse baka kasi pag nagpumiglas ako edi napahamak pa kami.
Matalino naman ako ehh pwera lang sa pag-ibig.
"I have to tell you the truth"seryosong sabi niya.
"Truth? Alam ko pa ba ang salitang iyon? Diba ang alam mo lang ang magsinungaling at ang manloko!"sigaw ko sabay tawa.
"Minsan kailangan ko nalang magsinungaling para sa kapakanan nang babaeng mahal ko"seryosong sabi niya.
"Tulad ng nangyari kanina nong na kidnapped tayo"dagdag pa niya.
Hininto niya ang kotse sa gilid ng daan.
"Lalo na noong engagement Party" sabi niya sabay yuko kaya napatingin ako sa kanya.
"Shara, nagawa kong pumayag na magpakasal kay Daisy dahil ayokong mas mapahamak ka pa"paliwanag niya sabay tingin sakin
"Ano-"hindi ko na natuloy ang sasabihin ko.
"Siya ang may pakana ng Death Treat sayo, titigil lang daw siya sa ginagawa niya kapag magpapakasal ako sa kanya"sabi niya
"Pero diba ang sabi mo lalaban ako, tayo?"seryoso kong sabi.
"Minsan mas mabuti nang sumuko ako para hindi mapahamak ang babaeng mahal ko at ikas iyon Shara"
"Diba matapang ka? Bakit ka sumuko para sa atin?"naiiyak ko nang tanong
"Ang pagsuko ay di pagpapakita ng kahinaan,sadyang may mga bagay lang talaga na di kayang gawan ng paraan kahit na gaano mo pa ka gustong lumaban"paliwanag niya.
"Pero kaya parin naman nating labanan ang Death Treat niya diba?"tanong ko ulit.
Gusto kong ipaglaban niya ang pagmamahalan namin.
"Pero hindi lang Death Treat ang kaya niyang gawin"seryoso niyang sagot atsaka napayuko siya.
"Huh?"nagtataka kong tanong.
"Kapag hindi ako pumayag sa pagpapakasal sa kanya gagawin niya daw ang lahat para mawala ka at iyon ay patayin ka, Kaya nagdesisyon akong tanggapin ang pagpapakasal sa kanya"paliwanag niya ulit atsaka siya napa tanga.
"Sa tingin mo Jerick gagawin niya iyon? Sa tingin mo kaya niyang pumatay?"sigaw ko buti nalang naka sirado ang bintana ng kotse.
"Oo Shara, noong hindi ka pa nag-aaral sa Lee University may pinatay si Daisy na isang teacher. Ngunit hindi nalaman na siya ang suspect dahil may pera sila para patahimikin ang witness"paliwanag niya ulit kaya kinabahan ako sa sinabi niya.
"Paano mo naman nasabi na siya ang gumawa nun?"tanong ko ulit.
Hindi ko talaga mapigilan ang pagtatanong kailangan ko nang sagot dahil gulong-gulo na ako.
"Umamin siya sakin, dahil sa mga oras na iyon ako lang ang akala niyang mapagkakatiwalaan niya"sabi niya.
"Kaya kayang-kaya niya ulit gawin iyon sayo"pag-aalala niyang sabi atsaka niya hinawakan ang kamay ko kaya
Hindi ko nakontrol ang sarili ko hinawakan ko din siya nang mahigpit.
"Pero kung handa ka na ding lumaban para sa atin, lalaban ako ulit tayo"dagdag pa niya.
"Shara, mahirap kasi kung ako lang ang lumalaban para sa atin, sa palagay ko hindi ko kaya"sabi niya atsaka niya ako niyakap
"Shara please tell me that we will fight for our love together"sabi niya at alam ko na may tumulo nang luha sa mga mata niya dahil tumama ito sa balikat ko.
"Jerick I'm sorry"bulong ko kaya siya napabitaw ng yakap sakin.
"Mas kailangan ka ni Daisy"dagdag ko pa.
"Gustong-gusto kong ipaglaban ka Jerick pero parang hindi tama ito"sabi ko at ang bilis ng pag-agos ng mga luha ko.
"Anong bang mali sa pagmamahalan?"sigaw niya.
"Iyong may nasasaktan, Jerick nagmumukha tayong makasarili sa ginagawa natin!"sigaw ko din.
"Bakit si Daisy ba hindi? Sarili niya lang din naman ang iniisip niya ha"sago naman niya.
"Ano hahayaan mo nalang na ikaw ang masaktan?"dagdag pa niya.
"Oo Jerick, dahil sanay na ako sa mga ganyan!"sigaw ko kaya napatahimik siya.
"Eh ako nasasaktan din ako, Shara please"pagmamakaawa niya.
"Huwag tayong maging selfish, Jerick"sabi ko
Sabay bukas sa pinto ng kotse. Bago pa man ako makalabas ng kotse ay agad niya akong hinila kaya napaharap ako.
Napalakas ang paghila niya kaya nagtama ang mga labi namin. Napapikit nalang ako at tumulo uli ang luha ko.
Itinulak ko siya palayo sakin dahil hindi na tama ito.
"Jerick, I love you and Good bye"sabi ko sabay hawak sa kamay niya.
"Shara, I love you more than forever"sagot naman niya
"Pero please don't say goodbye"dagdag pa niya sabay tulo ulit ng mga luha niya.
"Pagsubok lang ito Shara kaya huwag kang susuko"sabi niya ulit.
Kanina mas gusto niyang sumuko pero bakit ngayon gusto na niyang lumaban?
"Jerick, sa palagay ko hindi ito pagsubok dahil ito na talaga ang nakatadhana satin"sagot ko sa kanya sabay bitaw sa kamay niya
Binilisan ang pagbukas ng pinto upang makalabas na ng kotse para hindi na niya ulit ako mapigilan pa.
"Shara!"sigaw niya pero di ako lumingon patuloy lang ako sa pagtakbo palayo
Maybe it is not just a trials for us Baby Boo. It is destined to be happened
BINABASA MO ANG
I'm The Tutor of This Bad Boy
Teen FictionBeing a bad boy is just a habit for Jerick Kyle Lee. He doesn't follow rules because he is the one who make them. He wants to see his schoolmates suffering except for one girl. Everytime she is in trouble Jerick always tried to save her and he does...