Jerick.
"Hindi kaya!"inis na sabi ni Shara
Tumakbo na siya at pumasok sa bahay nila.
"Bro,umamin ka nga sakin?"nakangiting sabi ni Kenth sakin
"May gusto ka sa pinsan ko noh?"
Napakunot ang noo ko sa tanong niya
"Anong klaseng tanong iyan Bro?"sabi ko
"Wala, I'm just asking"hanggang ngayon naka ngiti padin siya
"Fine, alis na ako"sabi ko at sumakay na ako ng kotse
Ibinaba ko muna ang wind shield ko at timingala sa bahay nila ni Shara. Nakita ko siyang nakatingin sa bintana kaya ginamit ko ang signature smile ko.
"Che!"sigaw niya sakin
Ang sarap niya talagang inisin lalo siyang gumaganda kapag nagtataray siya.
Nag wave nalang ako ng kamay ko para mag babye sa kanya pero sinara
na niya ang kurtina sa kanyang bintana kaya umalis nalang ako."Do I really like her?"tanong ko sa sarili ko habang nasa biyahe.
Sa mga araw kasi na nakakasama ko si Shara nalilimutan ko na si Gail. Sa tingin ko nga wala na akong nararamdaman pang kahit ano sa kanya dahil ang laging nasa isip ko ay si Shara at hindi siya.
"Hindi pwede to, She is just my tutor"sabi ko sa sarili ko
Calling: Kurt
"Hello?"sabi ko
"Bro,tambay tayo dito sa bar"sabi niya
"Sige bro,papunta na ako"sabi ko sabay call ended ng phone.
Mabuti pa ngang uminom na muna ngayon para makalma ko ang sarili ko.
"Shara,bakit mo ako ginaganito naguguluhan na ako sa nararamdaman ko"bulong ko ulit sa sarili ko.
Nag U turn ako para pumunta sa bar nila ni Kurt.
-
"Bro!"sigaw ni Kurt kaya lumapit ako sa kanya.
Kumuha ako ng isang baso ng alak tsaka umupo sa tabi ni Kurt
Bakit ganito? Ibang-iba ang nararamdaman ko kay Shara kapag nakikita o nakakasama ko siya ang bilis ng tibok ng puso ko. Mahal ko pa kaya si Gail o si Shara na ang laman nitong puso ko.
"Bro! Nakikinig kaba?"tanong ni Kurt
Masyado na yata akong pre-occupied dahil kay Shara.
"Bro bago mo naging girlfriend si Devine diba kayo muna ni Caroline?"tanong ko kay Kurt kaya napakunot ang noo niya
"Oo,bakit mo naman natanong yan?"seryoso niyang tanong
"Paano ka naka move on kay Caroline?"tanong ko ulit.
"Noong nakilala ko si Devine"sagot niya
"Paano mo naman na sabi yan?"tanong ko ulit
"Kasi ang laging laman na ng isip ko ay si Devine at hindi si Caroline tapos kusang bumibilis ang tibok ng puso ko kapag kausap ko siya"paliwanag niya
"Teka? Naramdaman mo na yan sa tutor mo no?"tanong niya habang nakangiti
"Huh? Never"depensa ko
Ang totoo lahat ng sinabi ni Kurt ay nararamdaman ko kay Shara.
"Alam mo Bro kay Shara ka lang naging Goodboy"seryosong sabi ni Kurt
"Anong ibig mong sabihin?"tanong ko
BINABASA MO ANG
I'm The Tutor of This Bad Boy
Novela JuvenilBeing a bad boy is just a habit for Jerick Kyle Lee. He doesn't follow rules because he is the one who make them. He wants to see his schoolmates suffering except for one girl. Everytime she is in trouble Jerick always tried to save her and he does...