Chapter 3

13.3K 349 17
                                    

"SIGURADO akong hindi ako ang ama niyan," sabi ni Robertito pagkatapos pagmasdan ang mag-ina sa labas ng gate. Hindi niya kilala ang babae, kaya imposibleng isa ito sa mga naging flings niya. Dahil kahit naman hindi na mabilang ang mga iyon, may photographic at pornographic memory siya pagdating sa mga babaeng nakalaro.

"Talagang hindi ikaw," sabi ng babae.

Mataray, sa loob-loob ni Robertito. Nginitian niya ito. "Ano'ng kailangan mo?"

"Gusto kong makausap ang dyowa mo," sabi nito.

"D-dyowa k-ko?" Nahihibang ba ang babaeng ito? Hindi naman ito mukhang baliw. Sa tingin niya, nasa pagitan ng beinte-tres at beinte-singko ang edad nito; katamtaman ang taas, at balingkinitan. Hindi gaanong malusog ang dibdib nito—and he pitied the baby in her arms. Her hair was shoulder-length, wavy and styleless. She had no makeup, which was also a pity dahil nakikita niyang may potential naman itong gumanda kung aayusin ang korte ng kilay nito, maglalagay ng mapula sa mga pisngi, at mga labi at kung ano-ano pa.

Pero hindi niya gusto ang pananalita nito. Dyowa? Mga bakla lang ang gumagamit ng ganoong salita.

"Bakit mo siya gustong makausap?" tanong ni Robertito. Kakilala ba ito ni Aileen? Dyowa—este, girlfriend pa ba niya si Aileen? Isang linggo na silang hindi nagkikita; hindi siya nito tinatawagan at wala rin siyang balak pang tawagan ito.

"Dahil may responsibilidad siyang dapat harapin. Kaya kung nandiyan siya, palabasin mo na. Naiinitan si baby rito—"

Napaisip si Robertito. Baka naman member ng dugo-dugo gang ang mag-inang ito at balak siyang biktimahin? Ang gusto lang ng mga ito ay makapasok sa pamamahay niya. Pero uubra ba naman sa kanya ang dugo-dugo gang? Dugo ng mga iyon ang dadanak sa oras na pagtangkaan siya ng hindi maganda.

"Ano ba? Papapasukin mo ba kami o hindi?" asik ng babae.

Napatingin siya sa sanggol at aywan niya kung bakit parang may humaplos sa puso niya. The baby looked like an angel, and he knew it was a boy, though he did not know how he knew. At totoo namang nabibilad na ito sa araw.

Binuksan niya ang gate, "Okay, pero kapag nakita kong may balak kang hindi maganda, babarilin kita," sabi niya sa babae.

"Mukha ba akong kriminal?" She glared at him, namula ang mga pisngi. Tama siya, gumaganda ito kapag may kulay ang mukha.

"Hindi naman," sabi ni Robertito. "Gusto ko lang makasiguro. Alam mo na, naglipana ang mga kampon ni Lucifer ngayon." Pinasunod niya ang mga ito sa loob ng bahay. Inanyayahan niyang maupo ang babae na agad naman nitong ginawa.

"Gusto mo ba ng maiinom?" tanong niya. His cynical part was telling him he was being stupid. Hindi naman niya kailangang i-entertain ang babae.

"Hindi na. Tawagin mo na lang si Ronaldo."

"W-who?" bulalas niya.

"Si Ronaldo, ang dyowa mo," sabi nito.

"Whoa—Teka—Teka—" Napaatras siya. Gumugulo yata ang daigdig niya.

"Kailangan kong makausap ang dyowa mo dahil may responsibilidad siyang dapat harapin. Anak niya ito."

Napatitig siya sa sanggol, "'Yan—anak ni Ronald? H-hindi ko yata 'yan mapapaniwalaan—At saka anong dyowa ang sinasabi mo diyan?"

"Si Ronaldo Pangan, dyowa mo na dating dyowa ng friend kong namatay na. Ito ang bunga ng pagiging magdyowa nila. Alam kong bading si Ronaldo pero lalaki pa rin 'yon, may sperm, kaya nabuo ito, si Baby Andoy."

Señorito Series 2: Robertito COMPLETED (Published by PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon