ROBERTITO was feeling restless and lonesome kaya naisipan niyang tawagan si Aileen.
"Sorry, busy ako."
"Mamayang gabi pa naman tayo lalabas. Wala ka nang trabaho n'on," sabi niya.
"Excuse me!" mataray nitong sagot. "Halos dalawang linggo mo akong binale-wala. Ni mag-text, hindi mo magawa, 'tapos, ngayon, eh, aasta kang parang walang nangyari? Ano ka, sinusuwerte? Kung wala kang panahon sa akin, wala rin akong panahon sa 'yo." Ibinagsak nito ang telepono.
Ouch!
Sa karanasan ni Robertito bilang chickboy of the millennium, alam niyang ang kailangan lang kay Aileen ay kaunting panunuyo. Puwedeng tawagan uli niya ang dalaga at kulitin dahil iyon ang hinihintay nito, o kaya ay padalhan niya ito ng bulaklak sa opisina nito. Siguradong magso-sorry pa ito sa kanya.
Pero wala siya sa mood na gawin ang kahit isa sa naisip. Besides, he would later be too preoccupied with more important matters at malamang na pagsisihan pa niyang inilabas ang babae. Hindi ito ang solusyon sa pagkainip niya.
Isang linggo nang walang development ang kasunduan nila ni Ronaldo. Nang tawagan naman niya ang kapatid kanina-kanina lang, inaayos na raw nito ang lahat. At ngayong araw ay kakausapin na raw nito ang papa nila. Iyon ang dahilan ng restlessness niya. Abot-kamay na niya ang pangarap, but he could not shake off the feeling that something could go wrong.
But what could possibly go wrong? Gagawin ng kapatid ang lahat, huwag lang mabunyag na bakla ito.
He sighed. Ang mabuti pa, pumunta na lang siya sa school—ang sabungan. Binilang niya ang cash sa wallet. Pang-isang sultada lang iyon but he went out anyway. Dumaan siya sa isang bangko para mag-withdraw sa ATM. Nang kaharap na niya ang machine ay saglit siyang nag-isip. Ang pera doon ay pambayad niya sa feeds. Paano kung matalo?
But everything was going his way. Parang biyaya ng langit na ibinagsak sa kandungan niya si Perdita at ang anak ni Ronaldo. Ngayon ay hawak na niya ang alas. Hindi siya matatalo.
Nag-withdraw siya ng pera. Pabalik na siya sa kotse nang salubungin siya ng nagtitinda ng sampaguita. Pinakyaw niya ang mga bulaklak. Tuwang-tuwa ang batang babae.
"Sa 'yo na rin ang sukli. Bumili ka ng tsinelas," ani Robertito. Bilang sabungero, mapamahiin siyang tao. Ang pagpakyaw ng sampaguita ay hindi lang para makatulong sa bata; dote niya iyon dahil naniniwala siyang ang ibinigay niya ay babalik sa kanya nang ilang doble.
"Salamat ho, mama."
"Walang anuman. Ipagdasal mong manalo ako sa sabong." Binuksan niya ang pinto ng kotse.
"Masama ho ang magsugal," anang bata.
Bigla siyang pumihit. "Huwag mo akong kontrahin, babawiin ko ang bayad ko."
The child grinned, then ran away.
Knock on wood—pero walang kahoy sa paligid niya. Iyong resibo ng ATM ang ipinatong niya sa bubong ng kotse at iyon ang kinatok. Kung may nakakita sa kanya, pagkakamalan siyang siraulo. Napangisi siya sa kalokohan; pagkatapos ay sumakay na sa kotse.
Pagdating ni Robertito sa sabungan, sinalubong siya ng mga pamilyar na mukha ng mga "kaklase." Halo-halo ang mayaman at mahirap, pangit at guwapo, malaki at maliit. Isang lalaking bungi ang lumapit sa kanya, isa sa mga taong sa sabungan kumukuha ng ibinubuhay sa pamilya.
Pangalawang sultada na raw o laban ang naabutan niya pero marami pang nakapila. Binigyan siya ng lalaki ng tip kung aling manok ang mahusay. Itinanim niya iyon sa isip at naghanap ng magandang puwesto. He ended up beside a prominent political figure. Nagbatian sila but soon they were lost in the world only they knew and understand.
BINABASA MO ANG
Señorito Series 2: Robertito COMPLETED (Published by PHR)
RomanceAng balak lang ni Perdita ay ipakilala ang anak ng yumaong kaibigan niya sa ama nito para mabigyan ng magandang kinabukasan ang bata. Pero hindi ganoon ang nangyari. She ended up agreeing to marry Ronald, the child's father. Pumayag lang siya sa pro...